Reason

6.8K 110 4
                                    

JHOANA

"Aga mo namang nagising. Wala bang masakit sa'yo?" Tumingin ako sa direction ng nagsalita at nakita ko si Bea.

"Ok naman 'yung ulo ko." Nandito ako sa terrace ng kwarto namin nina Ate Ells, Jia & Bea para manood ng sunrise.

"Sigurado ka?" Tinabihan niya ako at nanood na rin ng sunrise.

Tumango ako. "Sanay naman akong uminom simula nung alam mo na.."

Tumingin muna siya sa'kin ng sandali pero ibinalik na rin ang kanyang tingin sa view na tinitignan namin. Hindi naman sa siya ang sinisisi ko kung ba't naging palainom ako pero 'yung pag-inom kasi ang naging escape ko sa pain na dahil sa situation namin ni Bea.

"Alam mo, mas gusto ko na ngayon ang sunrise.." Sabi ko. Noon kasi favorite namin ang manood ng sunset. Isa siguro sa mga paborito kong date namin 'yun.

"Binibigyan kasi ako ng sunrise ng hope. Parang sinasabi niyang, It's a new day, new life! Chance mo na'to para magbagong buhay."

Tahimik lang kaming dalawa after ng sinabi kong 'yun. Iniisip ko kasi na lagi ko nga palang sinasabi 'yun sa sarili ko pero walang progress.

Siya? Ewan ko, mukhang malalim rin ang iniisip eh.
After some minutes, nagsalita na rin si Beatriz.

"Jho."

"Hm?"

"Alam ko, nagsasawa ka ng marinig ito at baka ayaw mo na ring marinig pero I'm sorry.. for everything, for ruining your life."

"Bea."

"Hm?"

"Can you, at least, give me a reason why you left. Kahit hindi 'yung buong story, kahit shadow lang."

Tumingin ako sa'kanya at tumingin rin siya sa'kin. I looked at her eyes and I know she wants to tell me everything. Kitang kita ko sa mata niya 'yung lungkot and 'yung pain.

"I did it for someone."

"Someone? Ako?"

"No."

Tumango na lang ako at pilit iniintindi 'yung sinabi niya. Para kanino, Bea?

"I'm sorry, again. Pero Jho, hindi ko ginusto, kailanman hindi ko ginustong iwan ka. It was a choice that i NEED to do." Malumanay lang ang pagkakasabi niya hindi gaya nung sa reunion namin na nagsisigawan kami.

"Ok." Iyon lang ang nasabi ko dahil hindi pa rin naman maliwanag sa'kin ang lahat.

"Jho?"

"Ano 'yun, Beatriz?"

"I know this is foolish and too much for you pero can we be friends?" Hindi nanaman ako nakapagsalita agad agad.

"Kung gusto mo lang naman. Ok lang naman ku--"

"Ok. Friends." Nilahad ko ang kamay ko at ganoon din naman siya.

Maybe we need this. Baka kailangan nga muna naming unti-unti ang lahat ng bagay. Baka ito rin 'yung makakatulong sa'min para maghilom lahat ng pain na nararamdaman namin.

-
After that day, mas naging maganda na 'yung relationship namin ni Bea. Nawala 'yung awkwardness, light lang 'yung atmosphere. Mabuti rin pala at nagkaroon kami ng konting closure nung araw na 'yun.

"Ah, Jho, may pupuntahan ako mamayang lunch. Um, gusto mo bang sumama?" Sabi ni Beatriz habang may tinatype sa laptop niya.

"Saan? At bakit naman ako sasama?" Napatigil naman ako sa pagbabasa ng financial statements ng client namin.

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now