The Confrontation

6.3K 108 0
                                    

Jhoana

Anuna, Jhoana?! Ganoon ka ba kalasing? Ayos buhay tayo, diba? Pabebe tayo, diba? Ano 'yun? Bakit ka nagpadala sa halik niya. Nakakaasar naman oh.

"Jho! Jho!" Lumingon ako sa likod ko.

Bea.

Tinalikuran ko siya at binilisang lumayo sa'kanya. Wag ngayon, Bea. Wag ngayon at baka bumigay ako sa'yo. Napansin ko naman na binilisan rin niya ang paglakad papunta sa direction ko.

"Jho! I'm Sorry!" Napatigil naman ako sa paglakad ko.

I'm sorry.

I'm sorry.

I'm sorry.

Paulit ulit ito sa isipan ko.

"Jho, I'm sorry. Nadala la-" Hindi ko napansin na malapit na pala siya akin.

"Bea? Sorry?" Tumango naman siya. Ganyan nga. Mahiya ka naman sa lahat ng ginawa mo sa'kin.

"Yes, I'm sorry sa nangyari kanina and.. I'm sorry for everything. Sa lahat ng pain na dinulot ko sa'yo."

Tumawa naman ako ng fake. Hindi mo ako madadaan sa paghihikbi mo. Mas maraming baon na luha 'to. Walang hiya ka kasi.

"Kung kailan akala ko nawawala na 'tong nararamdaman ko sa'yo tsaka ka naman bumalik. Yung akala ko na okay na'ko pero dahil sa nangyari kanina, bumalik nanaman lahat ng sakit. Seryoso, Bea? After 3 years! 3 devastating, miserable years na nung iniwan mo ako at ngayon ko lang narinig 'yang sorry na 'yan. Yang sorry na akala ko naman ang maghihilom sa lahat ng sakit na idinulot mo sa'kin pero mali pala nasaktan nanaman ako nang narinig ko 'yan." Tuloy tuloy kong sabi habang tumutulo ang luha ko.

"Sana hindi ka na lang bumalik. Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang kita minahal kasi Bea, ang sakit. Sobrang sakit nang idinudulot ne'tong pagmamahal ko sa'yo. Kung alam ko lang na ganito sasabog ang puso ko sa lahat ng nangyayari sa'kin, sana pala hindi na lang ako tumuloy ng Ateneo para hindi tayo pinagtagpo ng tadhana." Dagdag ko.

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Love.." Pagtawag niya sa'kin.

"Wag mo kong tawaging love! Hindi bagay sa'yo! Ni hindi mo alam ang tunay na ibigsabihin ng love. Ni hindi mo alam kung paano ang magmahal. Walang taong nagmamahal na sinasaktan ang minamahal niya kaya tigil tigilan mo ako sa pagtawag mo sa'kin ng love na'yan. Ni banggitin, wag!"

"I had to do it. May rason ako." She frustratingly said.

"Alam ko! Pero did you even care to tell me? Ano 'to nawalan ka ng yaman na maski load wala ka kaya di mo ako matext? Kahit text man lang sana, Bea. Kahit ang walang hiya mo na kung ganoon ka makikipagbreak pero wala eh kaya mas walang hiya ka talaga. Oh edi ako naman 'tong nagpasya na lang kung break na tayo. Bwisit nga eh, 2 years din kitang hinitay bago ko naisipang tuluyang ilet go 'tong feelings ko sa'yo. Letcheng rason kasi 'yan!"

"I was afraid. Until now, I am!"

"Oh? Eh di ano? Kasalanan ko? So ako pala ang dapat sisihin dahil natakot ka kaya iniwan mo ako? Hindi naman ako nainform na horror story pala 'tong atin at hindi love story!"

"Jhoana.." Nanghihina niyang sagot.

"Ano? Beatriz? Tell me! Tell me your reason kung bakit kasi gustong gusto ko nang matapos 'tong pagtatanong ko sa sarili ko kung ano ba ang naging mali sa'tin? Gusto ko nang matapos ang araw ko nang hindi iniisip na ako yung mali kaya iniwan mo ako. Gusto ko nang ipagpahinga 'tong puso ko."

"Hindi ikaw ang rason, Jho."

"Then tell me kung ano, Beatriz. Please. Sabihin mo na."

"I love you kaya kita iniwan."

"Aba punyeta! Ano ba namang rason yan, Bea?"

"Ginawa ko lang 'yon dahil mahal kita at para sa ikabubuti mo rin. Ganoon kita kamahal na kahit masakit ang iwan ka eh ginawa ko pa rin."

"Tigilan mo ako sa pagmamahal na 'yan, sinasabi ko sa'yo. Maghanap ka ng mas magandang rason o kaya magtanong ka kay John Lloyd ng mas magandang linyang sasabihin at wag 'yang mahal mahal na 'yan."

Hindi ko na siya hinintay na may sabihin pa at naglakad na ako ng mabilis.

Hindi kita mainitindihan Bea. Mahal mo ako kaya ka umalis? Ang walang kwentang rason.

Hindi ko alam kung asan na ako at kung nakalabas na ba ako ng subdivision dahil sa sobrang pagiiyak ko at sa alak na din na ininom ko kanina. Napansin ko naman ang isang waiting shed kaya napagpasyahan ko na dito muna magpalipas ng gabi.

Reason lang naman, Bea. Bakit ganoon kahirap? I have the right to know naman, di'ba?

-

Nagising ako kinaumagahan at napatayo ako nang mabilis ng mapansing hindi familiar ang lugar na kung asan ako.

Ano bang nangyari kagabi? Grabe. Walang akong maala matapos 'yung lecheng sagutan namin ni Bea.

"Oh, mabuti naman at gising ka na bes." Biglang nagbukas ang pinto ng room at nakita ko si Jia.

"JIA?" Nanlaki naman 'yung mata ko. Paano? Paano ako napunta dito? Lecheng alak na 'yan wala tuloy akong maalala. Speaking of alak, napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit. Hangover ata.

"Nakikita lang ng multo, bes?" Umupo naman siya sa tabi ko.

"Oh, gising na ba 'yan?" Napatingin naman ako sa may pinto at nakita si Ate Ells.

"Oo. Mukha ngang di naligo ng 3 years sa itsura niya ngayon eh." Tumawa naman silang dalawa.

"Tigilan mo ako, Morado. Pasalamat ka at masakit 'tong ulo ko kung hindi tatamaan ka sa'kin."

"Ayan, inom pa more kasi. Halika na kayo para makakain na kasi malelate pa tayo."

Dali dali namang pumunta si Jia sa kusina at tinulungan si Ate Ells sa paghahain. Samantalang ako ay dahan dahan lang sa paglalakad dahil masakit pa rin 'tong ulo ko.

"Kumain ka na Maraguinot para makainom ka ng gamot." Utos ni Ate Ells.

Tuloy tuloy lang silang dalawa sa pagkain at mukhang walang balak iexplain sa'kin kung bakit ako nandito sa condo ni Jia.

"EHEM" Napatingin naman sila sa'kin dahil sa pagubo ko ng kunwari.

"So, paano nga pala ako nakarating dito?" Tanong ko dahil mukha talagang wala silang balak iopen 'yung topic.

"Ah. Hinatid ka ni Bea, bes." Dirediretsong sagot ni Jia kaya naman binatukan siya ni Ate Ella.

"B-bea?" Nagtatakang tanong ko. Eh paano naman niya ako nasundan tsaka matapos 'yung sagutan kaabi? Buti at may pake pa siya.

"Ah eh. Oo. Nagulat nga ako kasi tumawag siya at 'yun nga sinabi niya na nakatulog ka sa may waiting shed. Sinabi ko naman sa'kanya na idiretso ka na dito sa condo ni Jia total andito rin naman ako kagabi dahil inalagaan ko rin 'tong lasenggera na'to." Sabi ni Ate Ells sabay turo kay Jia. Oo nga. Wasted na wasted 'tong lasenggerang 'to kagabi.

"Ah." Iyon lang ang nasabi ko nang maalala ko nanaman si Bea.

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now