Try

7.1K 133 0
                                    

Jhoana

"Good Morning, Ms. Jho and Madam Ella." Bati ni Jen pagpasok namin ng office. Napailing na lang ako sa 'Madam Ella'. Ang dami talagang pauso ne'tong matandang 'to.

"Good Morning, Jen! Oh, mukhang maagang pumasok si De Leon ngayon ah." Sabi ni Ate Ells kaya naman napatingin ako sa office at nakabukas na ang mga ilaw ne'to. Oo nga, maaga siyang pumasok ngayon.

"Naunahan pa nga po akong pumasok eh." Sabi ni Jen. Aba! Himala ata. Change is coming na'ba?

"Naks. Bagong buhay ba 'yang si De Leon. Baka ginanahang magtabaho dahil sa kiss niyo kagabi." Tinignan ko naman ng masama si Ate Ells.

Nang buksan namin ang pinto ng office ko, tumambad ang isang De Leon na nakaupo sa swivel chair ko. Mukhang busyng busy siya dahil hindi niya kami napansin ni Ate Ells. Naalala ko nanaman 'yung nangyari sa amin kagabi. Hirap naman ne'to. Ang awkward. Galit galit ako kagabi tapos ngayon kailangan kong maging mabait sa'kanya kasi siyempre professional tayo bes. Hays.

"Mukhang sineryoso 'yung pagtulong sa'yo sa reports mo ah." Bulong ni Ate Ells sa'kin.

"Dapat lang. Kasalanan din naman niya kung bakit naparami ako ng nainom kagabi."

"Ganorn. Kasalanan nanaman niya? Hay nako, Jho. Palambutin mo rin 'to ha." Sabi niya sabay turo sa puso ko. "Mukhang bumabawi naman eh." Dagdag pa niya.

Napatingin naman ako ulit kay Bea. Kung titignan mo siya ngayon, napakainnocent niya. Mala-anghel 'yung aura. Sino bang di lalambot ang puso pagdating sa'kanya? Hay nako, ano ba 'tong sinasabi ko. Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin, Bea?

"GUUUUUUYS! Bat niyo ako iniwan sa parking lot!" Biglang sigaw ne'tong Jia kaya naman nawala ako sa malalim na pag-iisip. Nakakarindi talaga 'tong boses ni Jia.

"Ay! Anak ng asset and liabilities!" Gulat na gulat naman itong is Bea at napatingin sa kung nasaan kami.

"Ay! Anjan na pala kayo. Good morning po." Bati niya at binalik ang kanyang focus sa mga reports.

Nagkatinginan naman kami ni Ate Ells na mukhang pinipigilang matawa. Ang cute mo, De Leon ha.

"Mukhang enjoy na enjoy mong maging Maraguinot ha. Ayaw mo na atang umalis sa table niya." Pang-aasar ni Ate Ells at umupo sa may sofa dito sa office.

"Ay! Sorry." Bigla namang napatayo si Bea.

"Ano ka ba? Kanina ka pa 'Ay!' ng 'Ay!' ah. Kulang sa tulog? Nasobrahan sa kape? Nasobrahan sa pag-iisip kay Jho? Sabi naman sa'yo, B.I. talaga 'tong si Jho." Sabi ni Jia at tinignan ko naman siya ng masama.

"Ang hirap kasi ayusin ng mga reports na'to" Sabi niya habang tinitignan ang isang file. Ts. So adorable, De Leon. "Pero nahalf ko naman na" Sabi niya sabay alanganing smile sa akin.

"Sige na. Umalis na kayo, Ate Ells at Jia para matapos na 'yung reports." Utos ko naman sa dalawa.

"Naks, gusto solohin si Bea." Pang-aasar ni Jia.

"Palaklakin kaya kitang beer para matahimik ka. Alam mo, nung lasing ka kagabi, ang peaceful ng kapaligiran." Sabi ko naman.

"Grabe, bes. Beastmode? Tara na kasi Ate Ells. Ang taba mo kasi eh!"

"Ano nanamang kinalaman ng taba ko dito?"

"Wala. Gusto ko lang sabihin." At ayun nga, kumaripas na ng takbo 'yong si Morado. Umalis na rin naman si Ate Ells na mukhang gigisahin na si Ji.

Naiwan kami ng Bea na'to na may nilalarong ballpen sa kamay niya habang tutok na tutok pa rin sa isang file.

"EHEM!" Napatingin naman siya sa'kin.

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now