What To Do

5.8K 114 3
                                    

Beatriz

"Hay, what to do, Deanns?" I said as she sat down beside me.

"Easy, do what makes you happy, Paps." She said habang kinakain ang chips na dala ko. After work, I went to Deanna's unit para naman maliwanagan 'tong isip ko ngayon. Aside from Maddie, Deanna had always been there for me. Isa siya sa lagi kong nilalapitan kapag ganitong may problema ako.

"Saan ba ako sasaya? Argh. Hindi ko na talaga alam." Though I wasn't surprise with Rex being Jho's fiancé, nagulat ako na ngayon nila sasabihin kay Jho. Mukhang malapit na silang ikasal and all I can feel is guilt and sadness.

"Masaya ako with Jhoana pero masaya din naman ako kung masaya ang family ko. Bakit ba kasi hindi pwedeng lahat na lang masaya? Bakit hindi pwedeng masaya ako kay Jho habang masaya ang family ko."

"Saan ka ba mas masaya? You need to choose, Paps."

"I already did. I chose my family, right? I chose to leave her." Mahina kong sabi.

"At nagsisisi ka na ngayon."

"Deanna, not helping."

"Oh eh kung masaya ka sa pinili mo eh di hindi mo sana ako ginugulo ngayon." Alam ko naman sa simula pa lang na mahihirapan ako at sobrang masasaktan pero ano pa bang magagawa ko?

"Dapat maging masaya ako sa'kanya kasi alam kong sasaya naman siya kay Rex."

"Ayan ka nanaman, masyado kang feeling manghuhula. Sa tingin mo talaga sasaya si Jho sa kapatid mo? Hay nako, Paps. Ikaw lang happiness non." Tinignan ko naman siya ng so-ikaw-hindi-ka-nanghuhula-niyan look.

"I know na alam mo, Paps. Ramdam mo 'yan, for sure, masaya siya at masaya kayo tuwing magkasama kayo. At di'ba nga, it's all in the eyes at kitang kita ko sa mga mata niya na ikaw at ikaw lang ang gusto niya."

"Ewan ko, Deanns. I wanna fight for her kasi iyon ang promise ko sa'kanya and duh ganoon naman kapag mahal mo ang isang tao pero I can't, I mustn't." Napatingin ako sa ring na pair ng promise ring na bigay ko kay Jho.

"Ewan ko sa'yo, Paps. Masaya naman kayo sa isa't isa, mahal niyo ang isa't isa pero hindi pwedeng maging kayo. If only love can be a little bit less complicated."

"If only, Deanns." Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi sapat ang pagmamahal para sumaya kayo? Bakit nga ba love pa ang hadlang sa pagsasama niyo?

After that talk, I decided to go to a place where I consider my ~home~, Araneta.
-
Jhoana

Kanina ko pa tinititigan itong engagement ring namin ni Bea. Naaalala ko pa noong araw na iyon, she told me na mamahalin niya ako kahit ano pang mangyari. She said it as if she knew na ganito ang mangyayari sa'min ngayon. I know and I can feel naman na she still loves me.

Ang gulo gulo na ng situation namin. Kanina, noong sinabi ni Mama na ipinagkasundo ako kay Rex ni wala na akong naramdaman, naubos na ata ang feelings ko. Siguro, dahil sa alam ko rin namang kahit ayoko magpakasal ay wala rin naman akong magagawa and worse, hindi rin naman ako ipaglalaban ni Bea. I have a feeling na si Rex ang reason kung bakit niya ako iniwan. Gusto ko siyang tanungin about dito pero parang ayoko rin dahil hindi rin naman niya ako sasagutin. It's for the better lang naman ang lagi niyang sagot. Hindi ko tuloy alam kung ipaglalaban ko ba 'yung pagmamahal ko sa'kanya kasi mukhang para sa'kanya hindi na dapat. Sumuko na ba siya?

"Ano bang dapat kong gawin, Ju?" Kasama ko si Julia dito sa kung saan ako laging nagmumuni muni. Minabuti kong isama siya dahil baka mamaya kung ano na lang maisipan kong gawin.

"Pray." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero kung oo, hindi nakakatuwa. "Wala na kasing igaganda 'yang situation mo, bes. Miracle na lang ang solution."

"Hays. Ano bang gagawin ko sa'kanya?"

"Kanino? Kay Rex o kay Bea?"

"Both isama mo na rin 'yung nanay ko at nanay nila."

"Gusto ko ng maliwanagan sa lahat ng nangyayari. Obviously, ako lang ang walang alam dito eh ako naman itong sobrang affected sa lahat ng actions and decisions nila." Dagdag ko.

"If only we could have the answers para hindi na tayo nagugulhan at nangangapa sa situation." Sabi niya.

"If only there are no questions then we won't need an answer." I sighed. Mukhang, hahayaan ko na lang si Lord kung anong gusto niyang mangyari sa buhay ko.

Napahiga naman ako dito sa may entrance ng Araneta. Madalas ko itong gawin lalo na kung sobrang stressful na ng situation. Dito kasi talaga ako nakakapagisip, dito ako narerelax. This place became my comfort zone since my home left me. Napaupo naman ako bigla nang paluin ako ni Ju.

"Jho! Si ano ba 'yun?" Tumingin ako sa kung saan siya nakatingin.

"Bea?!"
-----
A/n: What should Jho and Bea do?

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now