Honest

5.7K 114 4
                                    

JHOANA

Naisipan kong umuwi ngayong weekend sa bahay nina mama. Matagal na rin mula noong umuwi ako doon, namimiss ko na sina Ja at Auds. Aside from to catch up with the two, I really want to talk to mom about the wedding. Sabi ko nga, parang may dapat pa akong malaman.

Nasa labas pa lang ako ng main door namin, rinig ko na ang kulitan ng dalawa.

"Sinong namiss niyo?" I said. Nagulat sila at natigil sa paghaharutan nila. Inilahad ko ang kamay ko dahil hinihintay kong tumakbo sila sa kung asan ako pero para silang hindi makagalaw sa pwesto nila.

"Ay. Di niyo ako namiss?" Nagkunwari akong nalungkot at nagjoke pa na kunwaring aalis na.

"Halla. Hindi niyo man lang ba talaga ako namiss?!" Hindi pa rin kasi sila umaalis sa kinakatayuan nila. Nakakapanibago, anong meron?

"Ba't ka nandito a-ate?" Finally, nagsalita na rin si Jaja.

"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka, pinsan."

"Mukhang ayaw niyo talaga akong nandito, ah."

"Uy. Hindi ah, namiss nga kita eh." Niyakap naman ako ng dalawa.

"Bakit ka nga andito?" Tanong ni Auds.

"Hindi niyo ba ako papasukin sa bahay natin." I said emphasizing the word natin.

"Eh kasi ano ate um bale ano" Hindi mapakaling sabi ni Jaja.

"Ano lalabas kasi kami ni Jaja. Um, sama ka para naman makapagbonding tayo." Sabi ni Auds habang sinisiko si Jaja sa tagiliran nito.

"Ay, gusto ko 'yan! Kaya nga ako umuwi eh kasi namimiss ko na kayong dalawa." Kinurot ko naman ang mga pisngi nila. "Pero magpapakita muna ako kay mama. Asan ba siya?" Papasok na sana ako sa labas ng bahay pero pinigilan ako ng dalawa.

"Wag!" Sigaw nilang dalawa.

"Huh?!" Nagtaka naman ako. Bawal na ba talaga akong pumasok sa loob ng bahay ngayon?

"Ano kasi ate eh uhm ate ano"

"Ano ba, Janel! Kanina ka pa hindi makapagsalita ng maayos, ha."

"Kasi ano, pinsan. May bisita si Tita eh ang sabi niya sa amin, wag daw sila istorbohin. Napagalitan pa nga kami kanina kasi rinig 'yung ingay namin sa loob, diba Ja?" Inakbayan naman ni Auds si Jaja.

"Oo, ganoon nga. Nashookt lang kami sa pagkabeastmode ni mama kanina kaya hindi ako makapagsalita ng maayos."

"Hay nako, hindi pa ba kayo nasanay kay mama. Sige na nga, tara na. Ililibre ko kayo."

...

"Blooming ka ngayon, Jho. Anong meron? Nakahanap ka na ba ng tamang sabon para matanggal ang pagka-haggard mo?" Pang-aasar ni Auds habang kumakain ng ice cream.

"Bastos kang bata ka, ha." Pinahiran ko naman siya ng ice cream sa mukha.

Hindi naman ito nagpatalo at pinahiran rin ako ng ice cream sa mukha. Pahiran lang kami ng pahiran hanggang sa hindi namin napansin na ubos na pala 'yung hawak naming ice cream. Binato ko ng tissue si Auds para mapunasan 'yung mukha niyang punong puno ng ice cream. Nagtatawanan lang kami hanggang sa nagsalita sa Jaja.

"Hay nako, mga bata."

Nagtinginan naman kami ni Auds at akala mo may connection ang mga utak namin dahil alam kong pareho kami ng nasa isip ngayon. Napatingin sa'min si Ja dahil natahimik kami ni Auds kaya naman tinignan lang namin siya ng -may masamang balak- look.

"Wag niyong ituloy!" Sabi ni Ja at inilayo ang ice cream na hawak niya sa amin.

"Oops. Too late, Ja." Sabi ko at pinahiran siya ng ice cream. Wala siyang kawala dahil hawak siya ni Auds habang ako naman ang pumapahid ng ice cream sa cheeks niya.

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now