You're Still Mine

7.2K 142 7
                                    

BEATRIZ

Time flies so fast, at dahil masaya ako sa lahat ng nangyayari ngayon, mas lalong hindi ko man lang namalayan na 1 month na pala mula noong bumalik ako.. kay Jho.. joke! Sa Pinas.

I'm doing good with my job, I'm happy with my friends, Jho and I are ok, well at least as friends, overall, I'm ok. Lahat naman ay ok kaya nakakatakot kasi feeling ko malapit na ako mamatay ay joke. Di, feeling ko may masamang mangyayari. Sorry, I'm just an overthinker pero ganoon lang siguro kung nasanay ka na sa pagiging sawi or in pain, para bang ayaw mo munang pakampante, parang inaabangan mo yung catch.

"Bea, labas ka daw muna. May announcement si Madam Jhoana." Napatingin ako sa door ng office at nakita si Ate Ells.

Pagkalabas ko naman ay nakagather ang buong team sa kung asaan si Jho. Nakita naman ako ni Jho na papalapit kaya nagsalita na ito.

"Good Afternoon, Guys! Alam ko medyo urgent ang meeting na'to pero wag kayong kabahan." Napatigil naman siya dahil napatawa ang lahat. "Mr. Tai and I, ay wow naks nagrhyme." Tumawa nanaman ang lahat. "Ayun, nag-usap kami ni boss and sabi niya naimpress siya sa team natin. Maraming natuwang clients kaya.." Tumigil siya na tipong napatigil din kami sa paghinga.

"Ano ba 'yan, Jho! Hindi naman 'to suspense movie eh. Sabihin mo na kasi nauubusan na ako ng hininga." Reklamo ni Ate Ella.

"Kaya.." Pambibitin nanaman ni Jho.

"Sabihin mo na, bes kung ayaw mong sabihin ko na mahal mo si--"

"Kaya magkakaroon tayo ng outing!" Sabi ni Jho kaya di natapos si Jia sa pagsasalita. HAHAHAHA.

Everyone was so excited lalo na si Ate Ella and Jia.

"Saan ba outing, bes?"

"Jan lang."

"Anong jan lang?" Sabi ni Ate Ells.

"Ilocos lang naman."

And everyone went wilder. Haha wilder. Ilocos? Mukhang ok naman. Medyo may masamang vibes lang ako doon pero it's ok.

-

JHOANA

We're on our way to Pagudpud, Ilocos Norte. Masaya ako at sa wakas pinagbigyan na kami ni Mr. Tai na makapagrelax muna. Ang stressful kaya magdebit at credit! Everyone deserves this vacation lalo na 'tong katabi ko dito sa bus na mukhang hindi man lang excited sa vacation na'to.
Ewan ko ba dito kay Bea, pinilit nga lang nina Ate Ells na sumama eh at ngayon sobrang tahimik.

Galaw naman ako ng galaw dahil hindi ko makuha 'yung tamang pwesto ko para matulog. Natigil na lang ako ng may nagtext sa'kin.

From: Beatriz 🐵
You can lean on my shoulder para comfortable ka matulog.

To: Beatriz 🐵
Wag na. Ok lang ako.

From: Beatriz 🐵
Ts. Sige na. Nahihilo na rin kasi ako sa kakagalaw mo.

Inilapit naman niya ang kanyang sarili sa'kin kaya naglean na rin ako sa'kanya. Grabe. Feels like home.

To: Beatriz 🐵
Thanks. Pero ang weird, bakit kailangan pang thru text? Dami mong pauso!

From: Beatriz 🐵
Kilig ka na niyan?

Hinampas ko naman siya sa braso at bumalik na sa pagkakalean sakanya.

From: Beatriz 🐵
Daya mo! Dapat thru text din hampas mo. You can use 🖐 or ✋ naman eh.

To: Beatriz 🐵
Para mas dama mo

Selfish Love (JhoBea)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora