The Story Behind

5.5K 110 6
                                    

Jhoana

"Bea?!"

Napalingon sa gawi namin ni Jia ang isang matangkad na babae at si Bea nga ito.

"J-jho? Jia? Anong ginagawa niyo dito? Gabi na ah." Lumapit siya sa'min pero nag-aalangan siyang tignan ako.

"Nagdadrama si Jho eh." Sagot ni Jia

"Uy! Hindi ah." Tinitigan muna ako ni Bea bago umupo sa tabi ni Jia.

"Ikaw? Ba't andito ka?" Tanong ni Ju kau Bea.

"Just wanna breath some fresh air."

Dito pa rin pala siya pumupunta kapag gusto rin niyang mag-isip isip. Well, we always do this when we're still together. Tuwing pagod sa training, stressed sa acads, may problem sa family, itong Araneta ang lagi namang takbuhan.

Dumaan na ang ilang minuto pero wala pa ring nagsasalita sa amin. Si Jia ay pabalingbaling naman ang tingin sa'min ni Bea. Mukhang pinapakiramdaman kung ano ang dapat gawin.

"Hindi sa nanghihimasok ako sa lovestory niyo pero feeling ko kailangan niyong mag-usap ng kayo lang." Tumayo si Jia at sinenyasan akong pupunta lang siya sa kotse bago umalis.

Tinignan ko si Bea at sinusundan lang niya ng tingin si Jia na papaalis.

Paano ba 'to? Hindi ko pa nga alam ang gagawin ko sa mga nangyayare tapos ito na, andito na si Bea ngayon sa tabi ko. Hindi naman ako prepared sa dapat kong sabihin sa'kanya.

"Matagal na kayong magkakilala ni Rex?" Nagulat ako at siya ang unang nagsalita, akala ko rin ako ang mag-oopen ng topic about kay Rex.

"Medyo. 2 years na rin siguro."

"Close kayo?"

Napatawa naman ako ng konti. Kung kami pa rin hanggang ngayon, iisipin kong nagseselos siya kay Rex. "Nagkikita lang kami tuwing may family gathering. Laging iniimbita ni mama. Nagulat nga ako at close na close sila."

"Close din sila nina Ja at Auds?"

"Hindi masyado. Hindi raw nila feel eh."

"Eh ikaw, feel mo ba siya?"

"Hindi naman kami close kaya ewan ko at tsaka mahirap naman atang magbigay ng opinion about kay Rex sa harap mo baka sabihin mo pang judgmental ako."

Tumahimik muli ang paligid. Rinig na rinig ko 'yung pagbubuntong hininga niya, mukhang siya rin ay gulong gulo na sa mga nangyayari.

"Yes." Bigla niyang sabi. Napakunot naman ako noo dahil wala naman akong tinatanong sa kanya.

"Yes, Rex is partly the reason why I left you." She said. Napanganga ako kasi para bang nababasa niya ang iniisip ko. Parang alam niya yung kanina pang gusto kong itanong.

"Well, I guess, you really need to know the truth. Hindi man ito ang buong dahilan pero sana sa mga sasabihin ko sa'yo eh mabawasan ang mga tanong at iniisip mo." Tumango na lang ako at hindi na sumagot.

"Years ago, dad's company is dying. Nagwoworry na si mom kasi of course, it is the only living legacy of dad. He worked hard and sacrificed a lot for that company. I offered her my services pero ang sabi niya hindi rin naman ako makakatulong dahil accountancy graduate ako kung sana business major ako gaya ng gusto niya eh di sana may magagawa ako. Hindi ko na ipinilit ang sarili ko, hindi ko na kailangan palalimin pa ang away namin ni mom. Until one day, nagulat ako na she invited me sa house at ang sabi niya may important daw na paguusapan. When I went there, I saw your mom, hindi ko inexpect na close pala sila ni mom. They had an agreement na ipakasal sa'yo si Rex and in exchange, your company will help my dad's company. My part is to leave you. They asked me na layuan ka kasi they know hindi ka papayag na ikasal sa iba when you're with me. I am sorry if I agreed. I know my decision is so selfish. I did it for dad, to save his company. I also did it for mom. Grabe, first time niyang humingi ng favor sa'kin and the thought na baka maging ok kami after non pushed me more to do what she wants. Yun lang, hindi rin naman nangyari. Ang selfish ko no? Lahat ng benefit ay para sa akin at sa family ko. Ayoko talagang sabihin yung rason kasi alam kong kamumuhian mo ako pero nagawa ko na eh and I deserve lahat ng galit mo." She looked at me, waiting for my reaction. I can say, a violent one.

"Eh bakit si Rex? Pwede namang ikaw." Tinignan niya ako na parang nagulat sa tanong ko o nagulat na hindi ako galit sa mga sinabi niya.

"Rex loves you, so much. Hindi mo man siguro naalala pero you were childhood friends." Hindi na ako nagsalita at inisip ko lahat ng sinabi niya. Sinasabi niyang selfish siya eh alam ko naman na mahal na mahal lang niya ang family niya kaya niya ginawa iyon. And besides, hindi rin naman siya nakinabang sa ginawa niya. Lahat ng iyon ay para sa family niya. Ngayong alam ko na ang reason, mas inadmire ko siya.

"I'm sorry." Ts. Isa na nga siya sa nasaktan pero siya pa rin itong nagsosorry. Akala niya siya ang nanakit, unaware na siya rin ay nasasaktan na.

"Whatever your decision will be, I will support you. It's ok if you'd turn down the wedding, I'll find other ways to save the company. Basta, sana you won't get mad with your mom and with Rex." Tignan mo 'to, ipinagtanggol pa niya 'yung humadlang sa happiness niya. Knowing Bea, uunahin niya ang hapiness ng mga mahal niya. For sure, nagparaya siya para kay Rex.

"I'll do it." Nagulat siya nang sabihin ko ito. Alam ko, masyado na siyang maraming pinagdadaanan at ito, this is my only way to help her. I know, magulo itong papasukin pero okay lang for Bea naman and sa tingin ko, hindi ko na rin mababago ang desisyon ni mama. Mukhang decided talaga siyang ipakasal ako kay Rex. Medyo nagugulhan lang ako kasi noon naman sobrang boto siya kay Bea tapos ngayon ipapapakasal na ako kay Rex.

"Just one favor, Beatriz." Nilingon niya ako. Tumingin siya sa mata ako at ganoon rin ako.

"Just let me love you. Hayaan mo akong mahalin ka kahit ikakasal na ako kay Rex." Hindi ko na siya hinintay na magsalita at naglakad na ako palayo.

"Jho!"

Nilingon ko siya at nakita kong hawak niya ang pair ng binigay niyang ring sa'kin. Meron pa rin pala sa'kanya ito. Kumakapit pa rin pala siya.

"Let me love you, too."
I just smiled and walked away.

-----

Beatriz

"Let me love you, too."

Again, I don't know what I was thinking when I said that but clearly, it was my heart who overruled my brain.
Baka this is what's the best for us. Doing what needs to be done but not pushing away our feelings. Hahayaan lang namin na mahalin ang isa't isa kesa naman araw araw ay pipilitin namin ang aming mga sarili na hindi namin mahal ang isa't isa. That would be more painful. Sinasaktan lang namin ang sarili namin kung ganon.

And pushing away Jhoana wouldn't be so easy. I actually expected her to be mad at me after telling her my reason. Akala ko masasampal niya ako sa galit niya pero I was surprised na she was calm and inintindi niya talaga ang situation. Ts. How can I even unlove that woman?

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now