Great Love (Flashback)

6.1K 107 0
                                    

Jhoana

"Hey, Dad. Musta ka na 'jan? Sorry ha. Ngayon lang ulit kami nakadalaw ni Jho." Sabi ni Bea habang sinisindihan ang kandila sa may puntod ni Tito Elmer.

Tinitignan ko lang siya habang kinakausap niya si Tito. Daddy's girl talaga 'tong mahal ko eh kaya nga kung may time, bumibisita kami dito. Bea never told me the reason why her dad died. Sabi niya it is still painful kaya wala pa rin siyang lakas ng loob na sabihin ito kahit 5 years ng wala si tito.

"Ay, dad. Alam mo ba 'tong si Jho napakaselosa. Ang hirap talaga ihandle ng mga babae. Tips naman jan dad." Sabi niya kaya binatukan ko siya.

"Wag kayong maniniwala sa anak niyo tito. Siya kaya 'tong sobrang nagseselos sa kaklase ko kaya muntik pang nakipagsuntukan nung isang araw. Grabe. Kala mo si Pacquiao eh." Sabi ko naman at umupo sa tabi niya.

"Kasalanan ko bang lapit siya ng lapit sa'yo. Ang annoying kaya niya."

"Kasalanan ba niyang partners kami sa project kaya siya lapit ng lapit."

"Kasalanan ko bang di ako nainform agad."

"Kasalanan ko bang iba ang interpretation mo sa paglapit niya. Ikaw 'tong selosa lang talaga."

"Kasalanan ko bang territorial ang mga De Leon? Kasalanan 'to ng genes mo dad eh." Sabay turo sa puntod ni Tito.

"Huy. Dinamay mo pa lahi niyo ah."

"Eh. Totoo naman kasi!" Ayan. Wala na kasing masising iba eh.

"Pagpasensyahan niyo na 'yang anak niyo, tito. Ewan ko nga rin kung ba't ko 'to minahal eh." Tinignan ko naman si Bea at napansin kong namumula siya.

"Oh? Hindi makapagsalita? Masyadong kinilig ang bata?" Pangaasar ko sa'kanya.

"Oo eh." Ay wow. Ang straightforward natin love ha.

"Nakakakilig pala kapag sasabihan ka ng mahal mo na mahal ka niya sa harap mismo ng magulang niya. Isa pa nga, love." Niyakap naman niya ako sidewards at nilagay ang ulo niya sa balikat ko.

"Ayoko nga baka sabihin pa ni tito masyado akong patay na patay sa'yo. Baka akalain niya na easy to get ako ah."

"Bakit? Hindi ba?"

"Tito, wag kayong maniwala sa anak niyo. 7 months din niya po akong niligawan kaya siya po talaga ang patay na patay sa akin." Napatawa na lang siya at napailing.

"Siyempre, alam na ni dad ang bagsik ng mga De Leon kaya maiintidihan niya naman kung patay na patay ka sa'kin. Sige na, wag ka na mahiya, Jho." Aba at mapang-asar talaga.

Pinalo ka naman siya ng mahina.

"Hay, sayang talaga dad. Kung nagtagal ka pa sana eh di nakilala mo 'tong isa pang great love ko. Siyempre, ikaw 'yung isa kong great love. I'm sure, magkakasundo kayo. Cute sana ng situation na'yon kaso.. mukhang hanggang dito lang kayo magdedate eh." Nakita ko ang lungkot sa mata ni Bea. Ramdam ko rin 'yung sakit at bigat na nararamdaman niya. Hay, kung kaya ko lang akuin yan love para mabawasan naman 'yang pain mo.

"Don't worry, dad. Ok naman kami ng in-laws ko." Sabi niya sabay ngisi. Tignan mo 'to kanina nagdadrama ngayon naman ang lakas na ng trip.

"Magkasundo po sila ni papa sa paglalasing tito eh tsaka magaling manuhol 'tong anak niyo."

"Nagmana lang naman ako sa damoves mo dad di'ba?"

Kumawala naman si Bea sa pagyakap sa'kin at may kinuhang box sa bag niya.

"Um, love." Inabot niya sa'kin 'yung box.

"Oh. Bakit 'yan?" Hindi ko naman kinuha 'yung box.

"Um. Gift?"

"Love, di'ba sabi ko naman sa'yo.."

"Wag magbibigay ng regalo na mahal." Pagtutuloy niya sa sinabi ko.

"Mismo. Nakuha mo naman pala."

"Pero love.."

"Napagusapan na natin 'to, Beatriz. Ayokong gumagasto ka sa mga material na bagay. Dapat ipunin mo na lang 'yan para sa future natin."

"Pero hindi lang na-" Aangal pa eh.

"Beatriz."

"Sabi ko nga, ipaparenta ko na lang o kaya bebenta ko na lang. Baka ibalik ko na lang din. Depende sa mood." Sabi niya habang binabalik 'yung box sa bag niya.

"Hay nako. Bakit lagi mo na lang ako dinadaan sa paggaganyan mo."

"Anong paggaganyan?" Asus. Galawan mo De Leon.

"Sabi ko nga.." I said mimicking her.

"Effective naman eh, di'ba?" Sabi niya sabay puppy eyes.

"Hays, amin na nga 'yang box."

"YES!"

Binuksan ko ito at nakita ko ang isang casio watch. Napansin ko rin na hawig nito ang suot na relo ni Bea.

"Kahit hindi man kita araw araw kasama, sana alam mo at nararamdaman mo na bawat segundo, ikaw lang ang tinitibok ng puso ko." Sabi niya habang sinusuot sa akin 'yung watch.

"Naks. May malalim naman palang meaning. Thank you, love. Isusuot ko 'to lagi." Sabi ko at hinalikan siya ng mabilis sa lips.

"Ang bilis naman nun love! Isa pa." Sabi niya sabay nguso. Ito talaga. Napaka-addict sa kiss. Gusto ko rin naman kaya gorabells besh.

Hinalikan ko siya at naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya. Sinabayan ko naman siya sa bawat galaw at sa bilis nito. Habang tumatagal ay lalong lumalaim at bumibilis ang kanyang mga halik. Hinila rin niya ako palapit sa'kanya. Gustong gusto ko'to pero kailangan ko ng itigil kasi naman dito talaga sa sementeryo mga besh?

"Sabi ni dad sa'kin noong nabubuhay pa siya, dapat walang sasayanging oras sa pagmamahal. Kung mahal mo, ipakita mo at ipadama mo. Sana lang sapat 'yung oras na magkasama kami ni dad para maiparamdam ko 'yung pagmamahal ko sa'kanya. Kaya ikaw.." Napatigil siya at pinisil ang cheeks ko.

"Hayaan mo na akong magbigay ng mga ganitong bagay sa'yo kasi isa lang naman 'yan sa ways ng pagpaparamdam ko ng pagmamahal ko sa'yo. Gusto ko damang dama mo eh. Tsaka, wag kang mag-alala sa future natin, keri ko 'yun." Hay, Lord, salamat po dahil binigyan niyo ako ng isang Isabel Beatriz. Ako na talaga ang pinagpala. Maswerte ako't ako ang mahal niya.

"I love you, love." Sabi ko.

Ngumiti naman siya. "I love you, sobra pa sa sobra."

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now