[9] Talagang talaga?! Ows? Weh?

1M 24K 1.9K
                                    

CHAPTER 9: TALAGANG TALAGA?! OWS? WEH?

 

NATHAN’S POV

 “NATHAN!!!! DI KA BA GIGISING DYAN?!?!”

Parang boses ni Ate Nathalie yun ahh. Ano ba yan? Inaantok pa ako eh. Napuyat ako kagabi kasi ayaw pa akong pauwiin ni Danica, yung girlfriend ko.

“uhh.. hmm.”

“NATHAN!!”

Nagbalot ako ng kumot, yung buong katawan ko pati ulo. Nakakarindi kasi ang boses ng ate ko na yan.

“Nathan! Ano ba! Isa… dala---“ Hinila niya yung kumot ko.

“Inaantok pa ako eh, ano magagawa mo ate?” Nagtakip naman ako ng unan sa mukha.

“Sige Nathan, matulog ka lang. Ang ganda pa naman ng surprise gift sayo ni Papa. Kaso ayaw mo naman eh, sige bababa na ako.”

Ano daw? Surprise gift ni Papa?

Agad agad akong  bumangon at patakbong lumabas ng kwarto. Nakakagulat  kasi ngayon lang ako bibigyan ni Papa ng gift.

Nang makarating na ako sa may garahe, hinihingal ako. Hindi lang si Papa ang nandito sa may garahe. Nandito rin si Mama at ang buong tropa na sina Warren, Angelo, Darryl at syempre ang pinakamatalik ko na kaibigan na si Sheen.

“Dre! Akala namin hindi ka na magigising. Aarborin na sana namin yung mo---“ putol na sabi ni Sheen.

“Ano ba Sheen? Walang preno ang bibig? Parang pagmomotor mo lang,ganun?” Warren

“Ano ba yun, Pa?” Naeexcite na ako eh. Ayoko ng mga surprise surprise, maikli ang pasensya ko sa mga ganitong sorpresa.

“Nathan, dahil naging valedictorian ka.. you deserve a gift.” May inabot sa akin na susi si Papa.

“ano ho ito?”

“Dre, wag tanga! Edi susi.. ano pa ba?” Pamimilosopo ni Sheen. Naku! Kahit kailan talaga tong si Sheen puro kapilosopohan ang alam sa buhay. Tsk tsk tsk.

“Sheen, ikaw na pala si Papa ngayon???”

“Hehehe.. go ahead tito.. ituloy mo na po yung speech mo.”

“wala ng speech speech. Buksan mo na ito nang malaman mo.”

Tinuturo niya yung nakacover na malaking bagay. Tinanggal ko kaagad yung nakatakip. Pagkatanggal ko sa cover, nanlaki ang mga mata ko. Isa itong 2005 YAMAHA R6. Ang pinapangarap ko na race track motorcycle. Gray yung kulay niya.

“OHHHHH! Salamat, Pa. Pangarap ko itong bilihin eh.”

“Wala yun, basta pagbutihin mo lang yung pag-aaral mo. Sige, aalis muna ko. May bibisitahin lang ako. I-drive test mo na yan.”

“Dre! Drive test mo na! Ang ganda talaga ng model na ito!” Angelo.

“Ugok! Inggit ka lang.” Sheen

“Dre, mamaya pasubok ako nyan ah?” Darryl

“Sige dre, pero bago kayo, syempre ako muna ang magbibinyag dito.”

Umalis na ako ng bahay. Sa sobrang excitement, nakalimutan ko ng mag-almusal.

Pinaandar ko na ang motor.. wooooooooooohhhh! Grabe ang bilis nito, masubukan nga yung pinakaturbo!

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon