[80] A Trip With Him Alone

1M 19.9K 5.3K
                                    

CHAPTER 80: A TRIP WITH HIM ALONE

NATHAN’S POV

“Eeehhh! Naguguluhan ako, naguguluhan ako! Ugh!”

“Huy, ako na kaya ang mag-drive, Yam? Nanggigil ka sa manibela eh, maaksidente pa tayo,” sabi ko ng nag-aalala. Kanina niya pa bukambibig ‘yang naguguluhan siya.

“No, I’m f-fine.” Saglit niya akong tinignan at ibinalik ang tingin niya sa daan. “Yam, dun ka nalang matulog sa unit ko. Maayos na ang guest room, may air-con dun.” Malambing na sabi niya sa akin.

“Gail, anong pinag-usapan niyo ni Kurt at nagkakaganyan ka?” Sabi ko na hindi pinakinggan ang huling sinabi niya. Nakita ko kasi silang nag-uusap sa pavement kaso hindi ko nalang inistorbo. Mukhang kailangan din nilang mag-usap eh.

“Nathan, talaga? Dun ka na matutulog? Wow! Salamat!”

Ay, patay malisya -____- 

“Hindi ako papayag na mag-stay sa unit mo hangga’t hindi mo sinasabi ang pinag-usapan niyo, potek!” Bulalas ko. Nakakainis! Bumalik na naman siya sa pagiging secretive.

“Aish..”

“Oh ano?”

“Tinanong ko kung bakit hindi natuloy ang kasal nila. Hindi kasi natin alam ang nangyayari dito diba? We were out-of-reach for two years. Dineactivate ko na nga ang FB account ko para out-of-reach na tayo eh,” sabi ni Gail habang nakatingin pa rin sa daan. Traffic naman kaya nakahinto kami.

“Sort of. Nakalimutan mo na ba na kinontak mo sila nang hindi ko alam?” Napangiwi siya sa sinabi ko. Usapan kasi namin, nung nasa cruise pa lang kami ay walang kokontak sa mga kaibigan namin dito sa Pinas. Ibinato pa nga niya sa dagat ang cellphone namin eh. Kaso ang tigas ng ulo, kumontak pala siya after 6 months.

“Eh, napigilan mo naman ako diba? Caught in the act eh. At saka, well, sinabihan ko si Chloe na wag magkwento sakin ni katiting about kina Kaye Anne at Kurt. Kaya all this time, ang alam natin ay kasal na sila. Almost two months lang kami nakapag-chat tapos wala na.. Nahuli mo na ako eh. Kaya nawala ako sa kanila bigla.”

“Fine.. Now back to the topic. Ano na?” 

“Remember, the day we saw Kurt and Kaye Anne in Venice during our cruise? Diba, inakala natin na honeymoon nila yun kasi ang kasal nila ay supposed to be on Kaye Anne’s debut?”

Hindi na ako sumagot. Hinintay ko lang na ipagpatuloy niya ang sinasabi niya. Natahimik siya saglit habang focus na focus sa pagdadrive.

“…Tumakas daw sila sa kasal para daw sa akin. But we saw them having a good time in Venice right? So, what was that?”

***FLASHBACK***

Our next stop is Venice, Italy. European cruise ito kaya lumilibot kami sa ibang parts ng Europe. Kaso nakakasawa din eh, kada-stop ng cruise ship, bababa kami at mamasyal sa buong lugar at magpipiktyur lang. Paulit-ulit lang. Kung hindi lang napapasaya si Gail nito, mas gugustuhin ko pang matulog. TAKTE! -___-

“Sige na, Nathan! Venice ito oh! Iba na ito sa ibang cities dito. Maganda dito, promise! Makikita natin yung Grand Canal, yung Piazza San Marco at La Fenice. Eeeeeeeehhh! ” Hila-hila niya ako palabas ng cabin. Magkaiba kami ng cabin pero magkatabi lang.

“Oo na, hila mo na ako eh.”

“Yey!”

Parang bata. Ganun pala ang epekto ng heartbreak sa kanya? -___-

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon