[52.1] Kurt's Birthday Party

820K 18.6K 4K
                                    

CHAPTER 51: KURT’S BIRTHDAY PARTY

KAYE ANNE’S POV

Nandito na kami nila Chloe at Gail sa labas ng Midas Bar. Nasa parking lot pa rin kami, ayaw pa kasing pumasok ni Gail. Kinakabahan daw siya sa regalo niya >.<

“Dali na Gail. Okay lang yan kung ano man yan. Hinihintay na tayo dun oh~”- Chloe

“Eh kasi naman nakakahiya eh.”- Gail

“Asus, mas nakakahiya kung pumasok na tayo kung kelan malapit ng matapos. Let’s go.” Pinagtutulungan na namin siyang hilain.

“Mauna na kayo~ Susunod na ako. Aray! Ang sakit!” Nabitawan namin siya causing her to fall down on the ground.

“Sh*t! Sh*t! Look what you have done!” Ngayon lang namin napansin na natamaan niya pala yung LADY IN RED. Idol ata si Red Riding Hood eh. Ang arte! Wala naman nangyari.

Tinulungan namin si Gail na tumayo. 

“Ah sorry Miss. We didn’t mean it..” sabi ni Gail. Napataas lang yung kilay namin ni Chloe sa babae dahil sa b*tchy look niya sa amin. Tinitignan ko si Lady In Red, wala namang nangyari sa kanya.

“Sh*t! You’re going to pay for this. Nagusot yung dress ko. Arghh! Ang pangit na ng suot ko sa harap ni Kurt! Tabi nga dyan!” Sinanggi kami nung bruhang walang alam sa buhay kundi ang umarte. Leche siya! Pasalamat siya, Leche is the only bad word I can say. ~_~

“Ang arte naman. Kala mo kung sino. Hmp!” Iritadong sambit ko. 

“Oo nga. Tsaka sabi niya, you’re gonna pay for this. Ang pangit na ng suot ko sa harap ni Kurt. Nyah nyah! Cheverlu eklavu! May gusto ata sa boyfriend mo sissy!” Sabay roll eyes pa ni Chloe. 

 Nagkasalubong naman ang kilay ni Gail.

“Pero in fairness, ang sexy niya at ang ganda pa. Gail, matatalo ka ata dun.” Asar ko kay Gail.

Natawa ako sa reaction niya. Her reaction is so priceless XD

“So what? Ako naman ang girlfriend ni Kurt! Tara na nga sa loob.” At ngayon kami naman ang hinila ng bruha. Tss, yun lang pala katapat niya =__=

“Hahahaha! I knew it, naiintimidate si Gail kay Lady in red ohh~ ayyiiee!”-Chloe

“Shut up, Chloe~!” 

GAIL’S POV

“Hi,girls~ Bakit ngayon lang kayo?” Bati sa amin ni Derrick. Nakapwesto sila sa isang looooong table. Lahat ng X10 pati na rin sina Nathan and his friends. Naks XD close na sila.

Binati nila Chloe si Kurt tapos lumapit siya sa akin. He smiled at me. “Happy birthday, Kurt~!” I greeted him. Ang gwapo ni Kurt ngayon. Makalaglag panga lang! EHhhhhhh >///< Ang ganda ng porma.  

He hugged me. “Kiss ko?” Bumitaw ako sa kanya and gave him ‘remember the no kiss policy’ look. Sumimangot tuloy siya =__=++ Okay lang yan. Buti nga para magsumikap sa pag-aaral. Sabi niya kasi sa akin before wala daw siyang ganang mag-aral. Kung hindi lang daw sa kin, hindi na raw siya papasok. I know, sweet. Tamad naman =__=

“Tara na nga. Upo na tayo. Ang tagal niyo.” Sabi ni Kurt. Nawala yung ngiti niya. Umupo na ako sa tabi niya, sa left side ko ay si Wayne. “Crystalangot, gift ko? Don’t tell me wala kang gift? Wala na ngang kiss, wala ka pang gift?” Reklamo niya.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon