[46.1] Weekend With Him

1M 24.1K 4.3K
                                    

CHAPTER 46: WEEKEND WITH HIM

 

GAIL’S POV

Nakauwi na ako kahapon galing Davao City. Wala naman akong masyadong ginawa kundi mag-greet and smile. Buti nalang kasama ko yung secretary ng mom ko to accompany me. Well, that wasn’t my first time going to a conference meeting or whatever they call that. Pang fifth time ko na ata yun.

Anyways, Kurt texted me last night, reminding me that we’re going to have a date today. Saturday na nga pala ngayon. He will pick me up at 11am daw at kanina pa ako natutuliro kung anong susuotin ko? Malay ko ba kung anong klaseng date yun? Hindi pa ako nakakaranas ng date eh. Sorry naman T_T

Habang namimili ako ng susuotin ko, ikukuwento ko kung anong nangyari nung gabing hinatid ako ni Kurt. I’m sure na-cucurious kayo kung anong reaction ni Kuya Louis noh?

 

 

FLASHBACK

Nang makapasok na ako,sinarado ko na agad yung pinto and laid on the sofa in the living room. Sa sobrang kilig ko, nagpapadyak pa ako at nag-cover ng throw pillows sa mukha.

Habang kinikilig ako, narinig kong may tumikhim.

“Ehem.. I FORGOT TO SAY I LOVE YOU..”

Napaupo ako bigla. Boses lalaki yun ah?

Pagtingin ko, nakita ko si Kuya Louis. PATAY! Narinig niya?!?

“Ahh, kuya.. hi!!” Kinakabahang batik o.

Nakasimangot lang siya sa akin. Umupo siya sa tabi ko kaya umayos na ako sa pagkakaupo. “Kuya, I missed you.” I hugged and kissed him on his cheek. Baka pagalitan ako ni kuya at isumbong kina mom at dad T_T

“Baby girl, may boyfriend ka na pala?” Ayan na! Tinitigan niya lang ako. Yung titig na parang sa imbestigador. Ramdam na ramdam ko tuloy yung nerbyos ko :3

“Ahh, kuya.. kasi.. ano---“ Nauutal na ako. Ano bang palusot ang pwedeng kong masabi? Eh narinig niya na nag-I love you kami sa isa’t isa. Alangan namang sabihing kong ‘we’re just friends, kuya’. FRIENDS NAG-A-I LOVE YOU?!

Nanginginig na ako sa sobrang kaba.

Nagtaka ako nang bigla siyang ngumiti. “Naks, baby girl, tumibok na ang puso mo ha? Akala ko abnormal yan.” Nagtataka naman ako. Hindi siya galit? ~Gail,may galit bang abot hanggang tenga ang ngiti?

“Kuya? Are’nt you---“ Ginulo niya lang yung buhok ko at inakbayan ako.

“No, I’m not angry. Why would I? That’s normal. Alangan namang pigilan ko yang feelings mo diba? Hahaha!” He laughed and then eventually let out a sigh. “Naisip ko lang, ganap ka ng dalaga. Dati ako lang ang nang-aakbay sayo ng ganito, ngayon hindi na. Dati ako lang sinasabihan mong lalaki bukod kay Dad ng I love you. Ngayon, yung boyfriend mo na. Haysst!” Nag-dra-drama lang si Kuya?! :O

“Kuya, OA kung makadrama ha? Para namang ikakasal na ako. Boyfriend lang yun kuya. Haller! At saka love pa rin naman kita.” Niyakap ko na siya.

I missed my brother so much. Siya na kasi ang kasama ko eversince. Lagi naman kasing wala ang parents ko kaya siya na ang tumayo bilang guardian ko. I love the way he calls me baby girl. Feeling ko, baby ako wahehehehe (~~,) Walang kokontra.

“Basta you must know your limitations okay? Ayokong malaman one day na I’m having a niece or a nephew.” O______O Hinampas ko naman siya sa braso. “Joke lang, osya, umakyat ka na. Aalis pa ako eh, may date ako. Don’t worry, yung mga pasalubong mo galing Italy, nasa room mo na. Matagal ng naghihintay sayo.” Tumayo na siya and he smiled at me.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon