[73-74]

1M 20K 10.4K
                                    

CHAPTER 73: EXCHANGE STUDENT

GAIL’S POV

Usap-usapan sa buong E.H.U ang pagkabuwag daw ng X10. Ano kaya ang dahilan? Well, I’m not in the position anymore to know what’s the real score. 

Nasa locker room na naman ako ngayon. Actually, natakot na akong pumunta dito nung makita ko yung lapida sa loob kaso kailangan eh. Nandito yung refill ng binder ko. Pagkasarado ko ng pinto ng locker ko, nagulat ako sa mukhang tumambad sa akin.

“AY, KABAYO!” 

“Like Eww?! Kami kabayo?! How dare you!” Bella retorted. Tumaas naman ang kilay ko. “Anyways, hindi kami pumunta dito para makipag-away. We’re here to give you a very nice friendy advice and to show you something as well.”

Napakunot ang noo ko. Bakit naman may pa-friendly advice pang nalalaman ang isang ito? Close ba kami para gawin niya yun?

“I don’t have time for you, sorry.” Naglakad na ako palayo. Umiiwas lang ako sa gulo. Malamang tungkol yan sa chismis about the engagement cheverlu eklavu  =__=

“Kahit na ipakita namin itong picture na ito??” Bella said. Na-curious ako sa sinasabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Naglakad sila papalapit sa akin at ibinigay sa akin ni Cassey ang isang maliit na envelope. I gave them a ‘WHAT IS THIS’ look and they answered me with ‘TAKE A LOOK WITH IT’ look.

Kaya binuksan ko ang envelope ng dahan-dahan at halos magsalubong na ang kilay ko sa nakita ko. Hinigit ko ang hininga ko sa pagkabigla. Nag-iinit ang dalawa kong mata.

Picture nina Kurt and Kaye Anne na nag-kiss!

“Is she really your bestfriend? Why is she betraying you? It clearly shows that they both kissed. Where? Saan pa, edi sa labas ng building na ito,” Bella exclaimed.

“Gail, we feel sorry for you. We showed you this picture for you to know that our sympathy is on you. Don’t worry, we’re here. Trinaydor ka ng cousin slash bestfriend mo. Inahas ka niya! You should have--------” Cassey retorted but I cut her off.

“TAMA NA!!”

 Hindi ko na kayang pakinggan ang sinasabi nila kaya nabitawan ko yung picture at tumakbo na ako. Nagpunta ako sa pinakamalapit na powder room. Naghilamos at nag-powder para ‘di mahalatang umiyak ako. Nakatitig lang ako sa reflection ko sa salamin. Maybe, this is the sign.

 

THIRD PERSON’S POV

 

Papunta ngayon si Alex sa dean’s office ng College nila. Sa katunayan, kakagaling lang niya sa dance studio para kausapin ang Suishou Empire tungkol sa nangyayari sa Master nila. Kahit hindi kailangan ay humingi siya ng tungkol sa mga ito para makagawa ng plano. Gusto nilang malaman ora-mismo kung anong nangyayari sa Master nila. And fortunately, willing ang Suishou Empire na tulungan sila lalong-lalo na na concern din si Liam sa half-brother nito.

Malapit na siya sa office nang makita niyang lumabas mula dito si Gail. Hindi siya nakita nito dahil nakayuko ito. Ano kayang ginawa niya sa loob ng dean’s office?

“Gail, anong ginawa mo sa loob?” tanong niya.

Tinignan naman ni Gail si Alex. She seemed so uneasy. “Ahh.. Ahhm.. W-Wala..Sige, una na ako, Alex..”

Napabuntong-hininga nalang si Alex habang sinusundan niya ng tingin si Gail na naglalakad na palayo. Sa palagay niya, si Gail ang pinakanasasaktan sa pagitan nilang dalawa ni Kurt. Gail doesn’t deserve to be treated this way. Hindi man niya alam ang pangyayari pero mas nag-aalala si Alex para kay Gail kesa sa g*gong master nila.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon