[94] Girls' Night Out

780K 18K 3.8K
  • Dedicated kay Armivel Braza Cachuela
                                    

CHAPTER 94: GIRLS' NIGHT OUT

KAYE ANNE’S POV

Nanunuod ako ngayon sa youtube ng cooking show ni Rachel Ray. Mag-aaral akong magluto. Wala kasi akong magawa dito sa bahay. Hindi pa pati required sa course ko na mag-OJT kaya for the whole summer vacation ay nag-be-baby sit ako kay Baby Axel. Wala talaga akong magawa dito, swear! Si Chloe sana yayayain kong mag-sleepover dito kaso busy na siya sa pag-sasaayos ng kasal nila ni Dustin. Hayy :(

Si Gail naman, ewan ko dun. Hindi ko nararamdaman ang presence niya pati na rin ang presence ni Kurt. Parang may something? 

Bigla nalang may nag-pop sa chatbox ko sa FB kaya pinause ko muna yung youtube video. Pagkakita ko, si Nathan pala nag-message. Napangiti tuloy ako. Namiss ko ‘tong si pandak. :)

NATHAN: Hi, kulet. :)

Eeeeeppppp! Makita ko lang ang pangalan niya sa notifications ko kahit game requests pa yan, kinikilig na ako. :”>

ME: Oh?

NATHAN: Musta?

ME: Ayos lang. Ikaw?

NATHAN: Ayos naman kahit papaano.

Kumunot ang noo ko sa reply niya. Bakit may ‘kahit papanu’ pa?

ME: Uhm, may problema ka ba?

NATHAN: Wala naman. May namimiss lang ako.

 

Napalunok ako ng sunod-sunod. Hindi k-kaya…. Ako yun??? Waaaaaaahhhhh! ‘Di imposible kasi lagi naman silang magkasama ni Gail. My heart is somersaulting. I’m shuddering. :””>

 

ME: Really? 

NATHAN: Oo, matagal ko ng hindi nakikita e.

Shoot. Ako nga yon. Two weeks na rin kaming hindi nagkikita eh. The last time we saw each other was when we watched a movie together with Gail, Kurt and him. OMO! I missed him, too!!!

Me: Psh. Bat ayaw mong bisitahin? Miss mo na pala. I’m sure, miss ka na rin nun.

Playing innocent. Hahaha!

Nathan: Hmm, hindi pa pwede. Humingi muna siya ng space sa akin. Nakakausap mo ba si Gail?

WAPAK. Never assume, disappointment is the result of it. Akala ko… ako na :(

Me: nope, teka. Why did she ask for space?

Nathan: She needs time to think things over. Ikaw ba, nakapag-isip ka nab a tungkol sa relasyon niyo ni Kurt? 

Ahh, so that’s what he’s trying to say. I get it. Sa amin ni Kurt? About siguro sa engagement thingy namin. Ako kasi okay lang sa akin na ma-call off ito. In the first place, ayaw ko naman talaga nun eh. Si Kurt lang talaga ang inaalala ko. But apparently, it’s in the hands of Gail. Nasa sa kanya kung ipagpapatuloy ba namin ni Kurt ito. Come to think of it, iisa lang kami ng pamilya at pwedeng pwede na sila ang magpakasal nalang instead of me. Sabi nga ng parents ni Gail, hindi nila kokontrolin ang buhay ni Gail kaya nga hindi siya ang napain sa arranged marriage na ito.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon