[90] Intruder

762K 17.7K 3.1K
                                    

CHAPTER 90: INTRUDER

NATHAN’S POV

Nasa office ako ni Yam ngayon kasi nagrequest siya na dalhan ko siya ng lunch. Medyo, hindi na kami nagkikita ng madalas kasi naging busy na kami. Lalo na siya, naging busy siya dito sa trabaho for these past three weeks. Ako naman itong busy sa farm namin sa Sitio Maligaya. Nakakamiss si Gail, kaya naisipan kong lumuwas muna para bisitahin siya.

“Nagluto ako ng Beef Teriyaki, Yam. Kumakain ka naman nyan diba?” Tanong ko habang binubuksan yung lunch box na dala ko. Tumango lang siya at nagpatuloy na naman sa paglalaro ng temple run sa iPad niya. Tsk. =__________=

“Uy, Gail. Yan lang ba ang ginagawa mo dito? Ang maglaro ng games?”

Napahinto naman siya sa paglalaro tapos ay tinignan niya ako at nagpout.

“I’m bored in here, Yam, kung alam mo lang!” Inilapag niya muna ang iPad sa couch at kinuha niya sa akin yung lunch box na dala ko sa kanya. “Anyways, last day ko na rin today kasi nagpaalam na ako kay Dad.”

“Ayos yan,” kinuha ko ulit sa kanya yung lunch box. “Subuan nalang kita. Maglaro ka nalang ulit, Yam,” sabi ko tapos sinubuan ko na siya.

“Yam, spoiled talaga ako sayo! Kaya love na love kita eh..” She giggled while pinching my left arm. Naging isip bata na talaga siya, simula nung first heartbreak niya. -_-

Nakakarami na ako ng subo sa kanya habang siya naman nag-eenjoy sa pag-tetemple run. Gusto ko talagang laging nilalambing si Gail. Alam kong weird yun, pero siya kasi yung tipo ng babae na masarap lambingin. Nakasanayan ko na rin siguro yun sa loob ng dalawang taon.

Knock knock knock…

Hindi pa man namin pinagbubuksan ng pinto ang kung sinumang kumakatok ay pumasok na siya. Si Kurt na nakasimangot ang mukha.

 “Tulungan daw kita sa paggawa ng powerpoint presentation para daw hindi ka na pumasok bukas,” sabi niya sabay upo sa tabi ni Gail on the left side. Bale, napagitnaan namin si Gail. Dun ba talaga dapat pumwesto?

“Kay Arthur ako magpapatulong eh. You know, he’s the smartest guy among X10.”

“Busy siya,” mabilis na sagot ni Kurt.

“Ah, sige. Lumabas ka muna. Lunchbreak pa naman eh,” humarap sa akin si Gail tapos nagpasubo ulit, tapos ay binalingan ulit ang iPad niya.

“Tss. Parang baby,” narinig kong bulong ni Kurt. Halata namang sinadya niya yung pagpaparinig. Tss.

Binalingan naman ako ni Gail sabay bulong ng ‘hayaan mo siya. Inggit lang yan’ , tapos nginitian niya ako kaya napangiti na rin ako.

“Ehem… Eherm…” Kurt faked a cough.

Humarap naman si Gail kay Kurt at tinulak-tulak siya. Sa totoo lang, naiirita ako kay Kurt dahil sa paglapit-lapit niya kay Gail. Ikakasal na siya, bakit pa siya nagpapapansin? “Labas ka muna, Kurt. Kumakain pa ako.”

“Ayoko.” -___-

“Isa..”

“--dalawa.. tatlo.. apat.. lima..” -___-

“Aishh! Bahala ka dyan!” Yung mukha ni Gail, halatang napipikon na nung hinarap niya ako. “Yam, bukas movie marathon tayo sa unit ko? Magdala ka ng DVD’s ah?”

“Ah, sige. Bibili ako mamaya. Anong oras ako pupunta sa unit mo bukas?”

“Anytime of the day! It’s up to you.” 

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon