[14] Drag Race

1.3M 26.8K 11.4K
                                    

CHAPTER 14: Drag Race

NATHAN’S POV

Nandito kami nina Sheen at Jenny sa bahay nina Danica. Araw-araw naman ganun ang ginagawa namin eh. Hindi talaga kavibes ng mga tropa ko si Danica kahit nga yung kuya niya na si Darryl medyo inis sa kanya eh. Ang ugali niya kasi ay what-she-wants-she-gets. Step-sister lang ni Darryl si Danica, yung mama kasi ni Darryl ay namatay when he was only 12 years old. Tapos years passed, nakahanap naman ng bagong love of her life ang Daddy niya. Their parents are living in the States habang silang magkapatid ay nandito sa Pilipinas kasi ayaw nilang iwanan ang Pinas. Kung baga nakasanayan na nila dito.

Pupunta pala ako mamayang 5pm sa bayan, dadalawin ko kasi si Nicole.

“Danica, alis muna kami ha? Sheen, Jenny, kayo muna bahala kay Danica dyan habang wala si Darryl.”

Nasa may bandang bundok kasi yung bahay nila Danica, walang masyadong kapit-bahay sila dito kaya delikado rin pag nag-iisa siya.

“Aish.. kaya niya naman yan eh,” narinig kong bulong ni Sheen.

“Sheen, may sinasabi ka?”

“Wala. Ang sabi ko may pupuntahan kasi kami ni Jenny eh. Diba Jenny?”

Wala daw,pero may sinabi naman. Tsk, ang ugali talaga ni Sheen oh.

“Oo, pinapapunta kasi sila ng coach nila,may meeting yata sila,” sabi ni Jenny. 

Yumakap naman si Danica sa braso ko. Tsk, clingy talaga. “Babe, I’m okay naman eh. Sanay na ako ditong nag-iisa. At saka babe, wala ako sa tuktok ng bundok noh? Ingat nalang kayo,especially you babe. I love you.”

“eew..” React ni Jenny.

“Jenny?” Tinaasan tuloy siya ng kilay ni Danica.

“Ah wala, kasi tignan mo si Sheen oh, puro pawis na. Kaya napa-eew ako.”

“Ahh, akala ko kung ano na. Sheen,gayahin mo kasi ang babe ko, may good hygiene unlike you. Eew!” 

Ayoko pa naman ng ginaganyan yung tropa ko. Basta ewan ko,feeling ko ako yung napipikon eh. =_____=

“Danica,wag ka ngang ganyan. Sige na, aalis na kami.”

Lumabas na kami ng gate nina Jenny at Sheen.

“Dre, sa susunod nga, pigilan niyo yung mga sarili niyo sa pagbulong-bulong pag nasa harap kayo ni Danica. Ako yung naiinis eh.”

“Hindi namin mapigilan eh. Sa amin ka ba naiinis?” Sheen

“Hindi, naiinis ako sa reaksyon ni Danica. Tama na nga, magstroll muna tayo. Mamaya pa naman alas singko ang punta ko sa bayan eh.”

*broooooom brooooom*

Naglibot-libot muna kami sa Sitio Maligaya. Napansin kong si Gail yung nasa may waiting shed ah. Tumigil sina Sheen sa tapat ni Gail, si Jenny kasi nakaangkas lang kay Sheen.

*broooooom brooooom*

Huminto na rin ako sa harap ni Gail, ang panget naman kung dirediretso ako diba? Medyo nagulat siya nung nakita niya kaming huminto sa harapan niya. Maybe because hindi niya kami nakilala kasi mga nakahelmet kami.

Pag tanggal namin ng helmet, halata sa mukha niya na nagulat siya.

“Oh, ate Gail! San ang punta mo?” Jenny asked.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon