Chapter XI

550 22 7
                                    

Dahyun's POV

Ginising ako ni Sana unnie at pinaakyat. Sabi niya na sa taas na daw ako matulog para maging komportable ang pag tulog ko.

"Unnie okay ka na ba? May masakit pa ba sayo? at pwedeng sa kama mo na lang ako matulog?"

Pansin kong seryoso siya ngayong araw. May nagawa ba akong mali?

"Ah okay na ako. Sige lang."

Ang ikli lang ng reply niya at paniguradong may problema nga siya.

"Unnie samahan mo ako sa taas. Jebal squirrel ko."

Kumunot naman ang noo niya at tinanguan niya lang ako. Hayst ang unpredictable talaga ni squirrel.

Nasa kwarto na nila kami at wala na dito si Jihyo at Nayeon unnie. Si Mina unnie naman nakita namin kanina na pumasok sa room nila Jeongyeon unnie.

"Squirrel nasaan si Jihyo at Nayeon unnie?"

"Nasa baba nag luluto."

Niyakap ko na lang siya na siyang ikinagulat niya. Hinalikan ko din siya sa pisnge niya at hinila papunta sa higaan niya.

"Unnie may problema ba? Sabihin mo naman sa akin oh."

"Wala naman dubu ko." Ngumiti lang siya at yumuko.

"Squirrel alam kong meron. Dali na sabihin mo na sa akin."

"Dubu ko masakit lang ng konti ang ulo ko haha."

Alam ko namang hindi talaga yun totoo eh. Papalipasin ko muna 'to at hahayaan ko muna siya. Baka kailangan niya ng oras na mag isa.

Ngumiti lang ako at lumabas ng kwarto nila. Pero bago pa ako tuluyang lumabas ay nag salita siya.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa suporta nila o makulungkot ng dahil sa hindi pa alam ng iba at takot pa din ako sa mga posibleng mangyare."

Nonsense. Nag usap na kami kagabi tungkol doon. Sinabi kong ipaglalaban ko siya kahit ano man ang mangyare. Hindi ba siya nag titiwala sa akin?

"Bahala ka. Desisyon mo yan. Nag usap na tayo kagabi tungkol dyan unnie." Hindi ko namamalayang tumutulo na ang mga luha ko. Kahit naguguluhan na ako sa mga nangyayare sa amin ay pinipilit kong maging matatag.

Sana unnie bakit ka ganyan? Pag katiwalaan mo naman ako kahit ngayon lang. Pinangakuan kitang ipaglalaban kita. Sana naman ay mag tiwala ka.

Pumasok na ako sa kwarto namin at nakita kong natutulog si Chaeng sa higaan ni Tzuyu. Nakayakap silang dalawa sa isa't isa.

Aba may something pa yata itong dalawang 'to ah. Bagay naman sila eh. Smurf at Yoda haha. Smol bean at Giant din hahaha.

Kasama na kaya ako sa no jam bros? Hayst haha. Humiga na lang ako sa kama ko at nag isip isip muna.

Parang kagabi lang ang sweet pa namin sa isa't isa. Sa totoo lang first time ko yun. First time kong umamin. First time kong humalik. At first time ko ding mahulog sa isang babae.

Aaminin kong dati nagkaroon na ako ng past pero matagal ko ng ibinaon yun dahil hindi na siya mahalaga para sa akin. Kinalimutan ko na ang sakit na dinanas ko ng dahil sa kanya.

Hindi niya ako ipinaglaban kaya ngayon ay wala na kami. Kaya naman gusto kong gawin ito dahil una sa lahat ay gusto kong bumawi sa mga pagkakamali ko noon na hindi ko naman pinagsisihan.

Nangako ako na ang susunod at huling tao na mamahalin ko ay ipaglalaban ko, kahit na buhay ko man ang kapalit ay handa akong lumaban.

Pero mukhang mauulit nanaman yata ang nakaraan. Ang pinagkaiba nga lang ay noon hindi ako lumaban at hinayaan na lang siyang pakawalan ako.

Pero ngayon ako na lang yata. Ako na lang ang lumalaban. Sana unnie may tiwala ako sayong ipaglalaban mo din ako. Maging matatag ka unnie.

Mahal na mahal kita. Sa ngayon bibigyan muna kita ng kaunting oras. At tsaka natin haharapin ang mga pag subok na madadaanan natin. Sabay natin itong lalagpasan. Unnie lalaban tayo. Isusugal ko ang buhay ko sayo dahil alam mo namang sayo lang ang puso ko.

💖💖💖

Maiksi lang huhu kasi wala akong maisip na plot :( nabura lahat ng nasa isipan ko huhu. Sorry readeeeeers! Pero sa ngayon ay yan muna haha mag iisip muna ako ng maayos. Tsaka ayun nga pala nilagyan ko na ng cover haha skl :( Thank you nga pala ulit sa mga nag babasa! Please comment or vote if nagustuhan niyo! :)

Truth: SaiDa Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt