Chapter XLI

422 11 17
                                    

Dahyun's POV

From: 💕 Shy Shy Shy, Knock Knock? 💕

Dahyunnieee! I forgot to tell you a while ago. Tutal mag papalit ka naman na ng damit at nandyan din si Mina pwedeng kausapin mo siya about sa nangyare kanina?

Nagulat ako sa text ni unnie. Hindi naman kami ganun ka-close ni Mina unnie pero nag uusap pa din naman kami. Cold kasi eh nakakatakot.

Nag beep ulit ang phone ko at nag text ulit si unnie sa akin.

From: 💕 Shy Shy Shy, Knock Knock? 💕

Alam mo naman kasi yun huhu baka sapakin ako kapag ako ang lumapit sa kanya. Kaya please ikaw na lang Dahyunnieee! Saranghaeee~~!!

Sus wala naman na akong magagawa eh haha. Tsaka nandito naman na din ako kaya susunduin ko na lang si unnie huhu.

To: 💕 Shy Shy Shy, Knock Knock? 💕
Sige unnie :( ako na bahala huhu nado saranghae 💕

Sakto naman ang pag dating ni Mina unnie. Ang masama nga lang hindi niya yata ako napansin at natamaan niya ako ng siko niya.

"Ouch!" napasigaw ako dahil sa sakit. Yung ilong ko kasi yung dinali ni unnie huhu.

"Dahyun! Sorry hala! Okay ka lang? Hindi ko sinasadya."

Nagsitinginan naman ang mga staff at ang ibang members namin sa aming dalawa. Ngumiti lang ako sa kanila at humarap kay unnie.

"Uh ne, I'm fine unnie haha. Nagulat lang ako kasi biglaan yung nangyare haha."

"Ahh okay...sorry pa din Dub."

Paalis na siya pero hinawakan ko ang braso niya. Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Uhm bakit Dub? May kailangan ka?"

"Wala naman unnie. Gusto ko lang malaman kung okay ka lang din ba sa nangyare kanina."

Napayuko lang siya pagkatapos kong banggitin ang tungkol sa nangyare kanina. Pansin ko ding namumula ang mata niya pero hindi naman na masyado.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hinawakan ko ang likod niya at pinatahan siya. Nararamdaman ko na basa na ang balikat ko dahil sa luha niya.

"Unnie iiyak mo lang yan. Hindi masamang ilabas ang tunay mong nararamdaman."

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang kanyang luha. Inayos niya ang buhok niya na nakakalat na sa kanyang mukha.

"Dubu hindi naman dapat ako masaktan diba? Wala naman kasi kaming label ni Momo. Hindi katulad niyo na talagang kayo na ni Sana unnie....alam kong wala akong karapatang mag selos pero nasasaktan ako."

Tumulo nanaman ang mga luha niya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mga mata niya.

"Alam kong hindi madali unnie. Nangyare na din yan sa amin ni Sana unnie noon. Hindi kami, pero sobra akong nasasaktan sa tuwing may lalapit sa kanyang iba. Malay mo unnie talagang balak na ni Momo unnie na angkinin ka...pero hindi niya lang magawa dahil hindi pa siguro ngayon ang tamang oras para doon."

Pinunasan niya ang mga luha niyang hindi matigil sa pag agos. Na-aawa ako para kay Mina unnie pero at the same time ay na-aawa din naman ako kay Momo unnie.

Wala naman siyang ginawang masama. Sadyang binigyan lang talaga siya ng bouquet ni Heechul Oppa.

"Tsaka unnie sigurado naman akong walang namamagitan kay Momo unnie at Heechul Oppa."

Iniwas niya ang tingin niya sa akin at tumahimik.

".....Dongsaeng niya lang kami unnie. Hindi ba't kaming dalawa lang naman ni Momo unnie ang ka-close niya sa Twice?"

Tumango siya sa akin at medyo tumahan na.

"Binigyan din ako ni Oppa ng chocolates noh! Nag papasabi lang na congrats daw sa successful comeback ng Twice. Sa tingin ko ay yun lang din ang ginawa niya kay Momo unnie."

Napabuntong hininga siya at bigla na lang akong niyakap.

"Sa tingin mo ba masyado akong naging harsh kay Moguri?"

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin dahil medyo awkward na ang posisyon namin ngayon.

Ayoko namang makita kami dito ni Squirrel at kami naman ang mag away haha. Hinawakan ko siya sa balikat at tiningnan sa mata ng seryoso.

"Unnie hindi. Masyado ka lang nadala sa nararamdaman mo kaya mo nagawa yun. Wag mong sisihin ang sarili mo okay? I think it's best for the both of you to talk to each other na lang. Pero wag muna ngayon dahil alam kong masakit pa din sayo ang nangyare. Just please listen to her explanation, I promise you magkakaayos din kayo."

Tumango lang siya at ngumiti ng napakalawak. Yung cold na Mina unnie na kilala ko biglang nawala haha.

"You know unnie? You should smile often."

Nagulat ako ng bigla nanaman niya akong yakapin. Hays ang kulit talaga ni unnie.

"Yeah sana nga mabalik na lang sa dati..."

Nagulat nanaman ako sa sinabi niya dahil parang may kahulugan ito. Pero ang mas na ikinagulat ko ay ng sabihin niya na...

"Dubu sana nga ikaw na lang ulit. Sana tayo na lang ulit...."

💖💖💖
what? Ano daw? Sana siya na lang daw ulit? Bakit huhu...pero haha yun thank you readeeers! mahal ko kayo <3

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now