Chapter XXIX

394 12 3
                                    

Sana's POV

Nasa kwarto pa din ako hanggang ngayon, ang tagal naman kasi ni Dub eh. Nakakashock si Mom ha, I wasn't really expecting for her to come.

Ang sabi niya lang naman kasi sa akin nun 'be ready' daw. Kahit na di ko alam kung saan ako mag reready ay di ko maiwasang hindi kabahan.

Ayokong matulad sa mga ibang idols na pina-arrange marriage noh. Kung ipapakasal man ako ni Mom gusto ko kay Dahyun lang. Asa silang papayag ako pag sa iba haha no way!

Bigla namang may kumatok sa pintuan kaya bumangon na ako sa pagkakahiga ko.

Inopen ko ang pintuan at natetense na Dub ang nakita ko haha. Kinakabahan ba siya na ma-meet si Eomma?

Pero kung sabagay kung ipapakilala niya din ako sa mga magulang niya ay kakabahan din naman ako.

Hinawakan ko na lang ang dalawang pisnge niya at pinisil ito. Kahit kailan talaga parang tofu ang skin ni Dahyunnie sa sobrang lambot.

"Kinakabahan ka nanaman. Everything's going to be alright, okay?"

Tumango lang siya at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Unnie you don't know how nervous I am right now. Hindi ko naman kasi ineexpect na pupunta ang Mom mo." pabulong na sabi niya sa akin habang nakayakap pa din siya.

"Hindi ko din naman ineexpect Dub. Pero promise mabait si Eomma. Tanggap tayo nun. Okay? Fighting!"

Medyo okay naman na siya ngayon dahil siguro kampante na siya dahil sa sinabi ko. I'm pretty sure Mom would really like her.

Sobrang bait kaya ni Mom tsaka I know that she is the first person who would probably support me in having a relationship with Dahyun.

"Halika na Dubu kooo, baba na tayo. Ayaw mo din naman sigurong pag hintayin si Mom noh?"

Isang ngiti at tango lang ang ipinakita niya. Sabay kaming bumaba habang mag kahawak ng kamay.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak dito.

Habang pababa kami ay nakita kong nakaupo si Eomma sa sofa at nakikipagkwentuhan kayla Momo at Mina.

Lumingon naman sa amin yung dalawa kaya pati si Eomma ay napalingon din.

Tinanguan lang kami ni Momo at Mina tsaka naman pumunta sa kitchen. Nandun yata sila Nayeon unnie nag luluto.

I can see a grin on my mother's face kaya medyo naguluhan din ako sa inakto niya. Bumaba ang tingin niya sa magkahawak na kamay namin ni Dahyun at nag iba ang expression niya.

Napansin yata yun ni Dahyun kaya hinawakan ko na siya sa bewang dahil halata naman na hindi na 'to makalakad deretso kay Eomma haha.

"Mom bakit mo naman naisipang pumunta dito?"

I kissed her on her cheek tsaka nag bless na din ako sa kanya. Nasa tabi ko lang si Dahyun at nag bow lang siya.

"My baby Sana, ganyan ba ang bungad mo sa Mom mo? Hindi ba dapat tanungin mo muna kung kamusta ako?" sabi niya tapos tumawa.

Nag alangan naman ako kung tatawa ako o hindi. Ayoko namang ma-left out si Dub dito kaya pinaupo ko na lang si Mom sa sofa.

"Uh so kamusta Mom? Si Dad okay lang? Kamusta ang business?"

"Well it's okay. Your Dad is fine pero medyo busy that's why he's not here with me today. May client kasi siya dito sa Korea that's why naisipan ko na lang din sumama at sabihin sayo ang balita!"

Balita? Ano nanaman kayang trip ni Mom. Ayoko sa mga balita niya promise huhu. Because you really don't know if it's good or not based on her expression.

"That's good. By the way Mom, I'd like to introduce Dahyun to you. You obviously know her already."

Tumango lang siya at ngumiti kay Dahyun.

"Annyeonghaseyo je ireumun Dahyun imnida. I'm your daughter's co-member, uh obviously I mean--"

I cut her off and held her waist again. Sobrang natetense na talaga 'tong si Dubu. Di na makapag-introduce ng maayos haha.

"Well Mom, she's already my girl. And yeah you heard it right. She's my girl which means my girlfriend, my future wife and the girl that I'll probably live with for the next 10, 20, 30 or more years to come. Hope you support us Mom."

Nag iba ang expression ulit ni Eomma kaya doon na ako kinabahan.

"Let me be honest here anak. I don't want her for you."

What the hell? Nararamdaman ko na din ang panginginig ng kamay ni Dahyun. Anong gagawin ko? Bakit ayaw ni Eomma?

💖💖💖

ang sad huhu ano na kaya mangyayare? ㅠㅠ thank you readeeeers! Mahal ko kayoooo <3

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now