Chapter XXI

500 15 2
                                    

Dahyun's POV

May nakita akong maliit na white and black themed na box. Bago ko 'to buksan ay tumingin muna ako kay unnie.

"Dali na buksan mo na."

Sinunod ko lang ang sinabi niya at binuksan na ito.

Wow! White gold na crown shaped necklace. Ang ganda ng necklace! Idagdag mo pa na favorite color ko ang white gold.

Nilapag ko ito at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Unnie thank you so much. Alam mo talaga ang mga gusto ko."

Ngumiti lang siya at tinanggal na sa box ang necklace. Tumayo siya at pumunta sa likod ko.

Nilagay niya ang buhok ko sa harapan at kinabit na ang necklace sa leeg ko. Kinilabutan ako sa hawak niya.

Bumalik na siya sa upuan niya sa harapan ko at ngumiti ng napakalawak.

"Actually couple necklace yan Dubu kooo. Tingnan mo oh parehas tayo haha."

Pinakita naman niya sa akin na suot niya din ang necklace. Tumawa naman ako dahil ngayon ko lang din talaga na realize na puro pang couple ang binili namin sa isa't isa.

"Eh unnie yung ring din, couple ring din yun eh haha." Pinakita ko naman sa kanya ang daliri  ko at tumawa lang din siya.

"Oo nga eh pati suot natin pang couple din eh noh?"

Bigla naman akong napatingin sa suot namin at parehas nga haha iba lang ang kulay ng sweater namin pero parang pang couple talaga haha.

"Dubu ko thank you sa lahat lahat ha? Sorry nga pala dahil nag selos ako ng sobra kaninang umaga. Pero mas okay na din yun diba? Kasi atleast nagkaayos din tayo ngayong gabi at mas romantic pa haha."

"Thank you din unnie. Alam mo namang wala talagang namamagitan sa amin ni Chaeng eh. Bestfriend ko lang yun, ikaw ang mahal ko unnie. Kay Tzu na yun eh haha."

Pinatayo niya ako at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Ah ganun ba? Edi maganda yun atleast solo na kita diba?"

Hindi na ako sumagot at tumango na lang. Hinayaan ko na lang siyang mag back hug sa akin habang nakatingin kami sa langit.

Nagulat naman ako ng halikan niya ako sa leeg. Kinilabutan ako sa ginawa niya kaya naman tumawa siya. Naramdaman niya yata ang pangingilabot ko haha.

"Dub di ka ba nagugutom? Date tayo dali na. Labas tayo kahit saglit lang kain lang tayo dinner tapos uwi na din tayo."

"Okay lang naman sa akin unnie. Halika na? Iakyat na muna natin mga gamit natin."

Tumango lang siya at bumitaw na sa akin. Nag ligpit din muna kami at pumasok na sa loob.

Nag thank you lang kami sa lahat at sinabi nilang sila na lang daw bahala sa ibang mga gamit sa labas.

Umakyat na kami ni unnie at pumasok na muna sa kanya kanya naming kwarto.

Kinuha ko lang ang wallet at phone ko. Nag palit na lang din ako ng white shirt at black na shorts pagkatapos at lumabas na. Mukhang nasa kwarto pa si Unnie kaya bumaba na muna ako.

Na abutan ko naman si Chaeng na mag isa sa kitchen kaya naman pumunta ako sa kanya.

"Oh unnie? Aalis kayo? Saan punta?" Sabi niya sa akin habang kumukuha ng chips.

"Mag didinner lang sa labas. Mag dadate ganun haha. Eh kayo? Kumain na ba kayo?

"Sus date haha kilig naman ako sa inyo. Sana kami din ni Tzu. Kumain na din kami habang nag uusap kayo sa labas haha wala eh gutom na eh."

"Sabihin mo lang sa akin kapag kailangan mo ng tulong ha? Nandito lang ako."

Tumango lang siya at nag pasalamat sa akin. Tinitigan niya ako ng matagal at bumaba yun sa leeg ko.

"Bakit may red mark yung leeg mo unnie?"

"Ha? Ah e-ewan."

Naalala ko naman na hinalikan pala ako ni unnie kanina sa leeg. Hindi ko naman alam na mag mamarka yung halik niya eh.

"Nako unnie ah. Ikaw ha! Haha nandyan na yung girlfriend mo oh. Annyeong unnie!"

Lumingon naman ako sa likod ko at nakita kong nag palit na din si unnie.  Naka pink shirt lang siya at nakablack din na shorts haha.

Tiningnan niya lang ako ng matagal at alam ko namang nag seselos nanaman 'to kaya hinila ko na siya palabas habang hawak ko siya sa bewang.

"Unnie sadya bang nagkaparehas nanaman ang suot natin o talagang meant to be lang talaga tayo?" bulong ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.

💖💖💖

Grabe huhu puro halikan ang ganap haha. Puro moment muna nila ngayon dahil alam kong nakakamiss ang sweetness ng SaiDa huhu. Thank you readers! Mahal ko kayooooo!

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now