Chapter XIV

501 21 9
                                    

Dahyun's POV

Pag katapos ng nangyare ay pumasok muna ako sa CR sa katabi ng room namin at nag hilamos.

Na una na si Chaeng sa baba dahil gutom na daw siya at gusto na din daw niyang makita ang pinakamamahal niyang si Tzuyu.

Wala naman akong nagawa at um-oo na lang kahit na ang balak ko talaga ay sabay kaming bumaba.

Trust me wala lang talaga yung nangyare sa amin kanina ni Chaeng. I kissed her on her forehead as a sign na naiintindihan ko siya at wala ng ibang meaning yun.

Pag katapos kong mag hilamos ay pumasok muna ako ng room namin at kumuha ng towel.

Nag palit na din muna ako ng damit dahil basa na ang shirt ko at pinagpapawisan na din ako kahit na naka-aircon naman kami.

Kumuha ako ng shirt at sakto namang couple shirt ang nakuha ko. Eto yung binigay sa akin ni Sana unnie nung pumunta kaming mall.

Pinilit niya pa nga akong suotin 'to kahit na kakabili pa lang namin eh. At syempre sinuot niya din ang kanya kaya naman tuwang tuwa siya buong araw na yun.

Namimiss ko na yung mga ngiti na binibigay niya sa akin lagi. Pangakong hindi na kita paiiyakin unnie. Mahal na mahal kita. Ikaw lang Squirrel na mamahalin ko! Saranghae <3

Sinuot ko na ang couple shirt namin at bumaba na ako, nakita ko naman silang nakatingin sa akin.

"Oh ano? Problema niyo? Nagagandahan ulit kayo sa akin?"

Tumawa naman si Chaeng kaya ayun nilapitan ko nga at binatukan.

"Tawa ka dyan? Pagkatapos mo akong iwan sa taas para lang makita yung pinakamamaha--"

Hindi ko na natuloy ang dapat kong sabihin dahil sinubuan niya ako ng kung anong luto pero masarap ah. In fairness idol ko na nag luto nito.

"Ano unnie? Gutom ka na? Sige upo ka na."

Nakita ko namang umirap si Tzu sa amin kaya naman natawa na lang ako. Kita mo 'tong maknae na 'to may hidden desire din pala kay Chaengie haha.

"Oh? Bakit ikaw naman ang tumawa?"

"Wala naman may nakita lang ako hahaha."

"Si Sana unnie may kasamang iba iniwan ka na. Harot mo daw kasi." sabi ni Tzu sa amin haha. Parang may nag seselos. Hmmm sino kaya? Hahaha.

"Aba oo nga nasaan na yun? Hindi ba bumaba na siya kanina? Tsaka asa ka namang iiwan ako nun noh. 'Dubu koooo~' lang ang pwedeng maging charger niya."

Gaya ko naman sa sinasabi ni unnie sa tuwing tatawagin niya ako lagi haha.

"Sus harot mo din eh noh? Hindi mo kasi hinabol kaya ayun pumunta kay Jihyo unnie at umiyak." sabi naman ni Chaeng.

"Huh? Umiyak? Umiyak kay Jihyo unnie? Nasaan si Jihyo unnie?" nataranta naman ako sa sinabi ni Chaeng.

"Ay grabe Dahyun bingi? Oo nga umiyak siya kay Jihyo. Lumabas na lang sila bigla kaya hindi din namin alam kung saan sila eh. Hindi pa nga yun sila kumakain eh." sinabi ni unnie habang sinusubuan si Jeongyeon unnie.

Nag alala naman ako kaya hindi ko na pinansin si Nayeon unnie at binalak na lumabas na.

Kumuha lang ako ng cap at ng mask para hindi ako makilala ng fans. Mahirap na at baka hindi ko sila makita dahil baka dumugin ako.

Pumunta ako sa mga posibleng lugar na maaari nilang puntahan. Pero wala eh, hindi ko pa din talaga sila mahanap.

Ang tagal tagal ko ng nag iikot dito pero wala pa din talaga. Hayst saan na kaya sila unnie?

💖💖💖

Saan na kaya sila Sana at Jihyo? Mahanap pa kaya sila ni Dahyun? Thank you sa mga nag babasa <3 mahal ko kayooooo!

Truth: SaiDa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon