Chapter XXVI

452 13 6
                                    

Sana's POV

Nakadating na din kami sa dorm at na abutan namin sila Nayeon unnie at Jeongyeon unnie na nanonood pa din ng kdrama.

Kanina pa sila nandito ah. Talagang tatapusin nila yun? hahaha.

"Oh nandyan na pala kayo. Kamusta ang date?" sabi sa amin ni Jeongyeon unnie habang bubangon sa pagkahiga niya sa lap ni Nayeon unnie.

"Okay lang haha yung owner ng restaurant isang once. Nilibre niya pa nga kami ng pagkain eh kahit na gusto talaga naming mag bayad. Basta next time sama na kayo ah?"

Halata naman sa mga mata ni Nayeon unnie na inaantok na talaga siya haha tango lang siya ng tango kahit di naman talaga siya nakikinig.

"Ah ganun ba? Sige ba. Talagang hinintay lang namin kayong dalawa eh haha. Oy Dubu kanina ka pa kaya namin tinetext hindi ka man lang nag rereply."

Napatingin naman si Dubu sa phone niya. Syempre di yun malalaman ni Dubu eh hindi niya nga man lang inopen phone niya eh haha.

"Nag text pala kayo? Haha sorry busy ako eh di ko na check." sabi niya sabay tingin sa akin at nag wink pa.

Namula naman ako bigla sa sinabi niya haha. Dubu ko wag kang ganyan haha.

"Bahala nga kayong dalawa dyan haha. Sige na akyat na kami. Inaantok na 'tong isang 'to. Ang tagal niyo kasi eh haha. Nga pala yung ibang members kung sakali mang hinahanap niyo ay nauna ng matulog. Hindi na daw nila kayo kayang hintayin eh."

Binuhat na niya si Nayeon unnie sa likod niya at dinala sa taas.

Humiga muna ako sa sofa para mag pahinga ng konti. Anong oras na pero gusto ko pa ding mag shower bago matulog.

Naramdaman ko namang umupo si Dubu sa tabi ko. Hinawakan niya ang ulo ko at inangat ng konti.

Nilagay niya lang ang ulo ko sa lap niya. Nakapikit pa din ako hanggang ngayon.

Hindi naman talaga ako yung pagod na pagod pero medyo nakakaramdam na din ako ng antok.

"Unnie bakit ang ganda ganda mo?"

Binuksan ko naman agad ang mata ko haha. Hindi ko mapigilang hindi mamula dahil sa sinabi niya. Ugh lagi siyang ganyan sa akin huhu.

She suddenly caressed my hair. Kaya pinikit ko ulit ang mata ko. Sana lagi na lang kaming ganito. Ayoko ng may mag bago pa sa aming dalawa.

"Squirrel ko."

"Hmmm?"

"Akyat na tayo? Dun ka sa kwarto namin. Gusto kitang katabi."

I opened my eyes and I saw her staring at me. Feeling ko mahuhulog ako sa mga mata niya.

"Okay Dubu kooo. Wait for me arasso? Mag shoshower lang ako."

"Unnie madaling araw na mag shoshower ka pa? I want to sleep already."

Kahit ako gusto na ding mag pahinga haha at makasama ka. Pero nakasanayan ko na yatang mag shower before matulog.

I just kissed her forehead and went upstairs. Kinuha ko lang ang bathrobe ko at ang lalagyan ng mga essential needs ko haha.

Bumaba ako at nakita ko siyang nakasandal sa sofa at nakapikit ang mata. Wala naman sigurong masama kung halikan ko siya diba?

I sneakily kissed her lips at nakita ko namang ngumiti lang siya kahit na nakapikit pa din ang mata niya haha.

Dubu I know you liked it haha. Dumiretso na lang ako sa CR at nag shower na.

After kong mag shower ay nag toothbrush na lang din ako. Nakita kong ganun pa din ang pwesto niya. Hindi naman din kasi ako nag tagal sa bathroom.

Pumunta ako sa kanya at pinagmasdan siya.

You never fail to make me fall for you over and over again Dub. I love you so much.

Tinapik ko ang cheeks niya at medyo nag open na ang mga mata niya. She stared at me at ngayon ko lang na realize ang suot ko.

Damn I'm really embarrassed right now. Well as you can see I'm just wearing a really short bathrobe gosh.

"Unnie ang ganda mo talaga kahit na ano pa ang suotin mo haha."

I smiled again. Kahit gaano ka corny lahat ng sinasabi mo ang sweet ng dating sa akin haha.

"Ewan ko sayo. Kung ano ano nanaman yang sinasabi mo. Akyat na tayo. Mag bibihis lang ako tapos punta na ako sa kwarto niyo."

Hinawakan niya lang ang kamay ko at umakyat na kaming dalawa. Pumasok na ako sa kwarto at ramdam kung sumunod siya.

"Oh? Bakit? Mag bibihis lang ako."

"Ay ah sabi ko nga."

Namula naman siya ng sabihin niya yun haha. Pumunta na siya sa room nila at bago pa niya buksan ang pintuan ay nag flying kiss muna siya haha. Nag kunwari naman akong sinalo yun at nilagay sa puso ko.

Hay nako Dubu ko haha ang kulit kulit mo talaga.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko namang si Momo ang nasa higaan ni Nayeon unnie.

Sure akong nasa kwarto nila Jeongyeon unnie si Nayeon unnie haha.

Dahan dahan na lang akong nag bihis para hindi ko na sila magising.

Nag suot lang ako ng orange na shirt na may charmander na design haha.

Hindi ko din alam kung bakit nung nakita ko 'to cute na cute ako at hindi na nag alangan na bilhin 'to haha.

Wala eh si Dahyun naaalala ko eh haha.

Hindi ko naman trip mag pajama kaya nag suot na lang din ako ng grey na shorts.

Wala naman sigurong masama diba? haha tsaka halos araw araw yata akong nag shoshorts dito sa dorm wala namang bago.

Kinuha ko ang phone ko at chineck kung may bagong messages ba galing kay Mom.

Ang sabi niya lang mag ingat ako lagi at be ready daw. Yeah I know I should be ready. Sus si Mom pa? Puro surprises na lang lagi.

Tumayo na ako sa higaan ko at lumabas na ng kwarto. Kumuha muna ako ng water sa baba at umakyat na din agad.

Hinihintay na ako ni Dahyun for sure haha. Inaantok na din ako gusto na din talagang matulog.

💖💖💖

be ready saan? huhu ayoko pa ng problema next week na lang Squirrel huhu. Sulitin mo muna moment niyo ni Dahyun haha. Thank you readeeeers! Mahal ko kayoooo <3

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now