Chapter XXXVIII

413 9 11
                                    

Dahyun's POV

Nandito na kami sa loob ng dressing room. Nag aayos para sa event namin mamaya. I guess it's already 1:35 pm and 2:30 pm pa ang start ng event namin.

Medyo matagal pa naman kaya chill pa lang ang mga staff haha. Nag hiwalay na kami ng landas ni Sana unnie dahil nag paayos muna siya ng make up habang ako naman ay nag bihis na.

Dahil medyo maiksi din 'tong skirt na pinausot sa amin ay sinuot ko muna ang hoodie ni unnie. Medyo mahaba 'to sa akin kaya naman aakalain mong dress na ang suot ko haha.

Pumunta na ako sa pwesto ng mga nag aayos ng buhok. Nandito si Mina unnie at mukhang patapos na din siya kaya hinintay ko na lang muna.

Umupo muna ako sa couch na malapit lang sa kanila at pinikit ang mata ko. Ang comfy talaga ng hoodie ni unnie haha ang sarap matulog.

Nakaramdam naman ako ng beep sa
phone ko kaya agad ko namang tiningnan. Imposible namang may mag text sa akin ngayon dahil alam naman nilang busy lahat.

From: 💕 Shy Shy Shy, Knock Knock? 💕

(yan po talaga yung nasa contacts ni Dahyun nung tumawag si Sana sa kanya sa vlive niya :>)

Ganda ng hoodie ah~~!! Kanino kaya galing yan? hahaha

Ay wow haha tinext lang ako ni unnie para dun haha. Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin siya at ayun nakatingin na pala sa akin.

Tapos na siyang mag pa make up kaya tumayo na siya at lumapit papunta sa akin.

"Kanino kaya galing Dahyunnieeee? haha."

Niyakap niya ako at umupo sa tabi ko. Hindi ko siya sinagot dahil nahihiya ako, di ko alam kung bakit huhu.

"Proud na proud ka na talaga na maging Minatozaki ah? Haha hayaan mo mag papakasal din tayo as soon as possible Dubu-yah..saranghae."

Alam kong pulang pula na ako sa kilig dito pero himala yata at hindi niya ako niloko ngayon haha.

Except sa alok ng pag papakasal as soon as possible kuno haha.

Hinalikan niya lang ako sa noo at nilagay ang ulo niya sa balikat ko.

Bigla namang dumating si Mina unnie at tumayo sa harapan namin.

"Mamaya na landian, ikaw na Dahyun ang sunod. Dalian mo madami pang sunod sayo."

Umalis na siya at pumunta kay Chaeyoung na nakaupo sa kabilang dulo ng sofa dito. Ang cold naman nito ni Mina unnie...lagi naman eh haha.

"Ang cold nanaman ni unnie haha. Sige na Sana unnie una na ako maya na lang ulit."

Hindi siya sumagot kaya tumingin ako sa kanya, kasabay naman ng  pag pout niya.

"Eh huhu sige na nga. Dalian mo ha?"

"Oo naman haha para namang mawawala ako sa tingin mo
Squirrel. Nasa harapan mo lang ako oh."

Tinuro ko ang pupuntahan kong pwesto. Tumawa naman siya ng mahina at sinenyasan ako na pumunta na doon dahil siya daw ang sunod. Kinuha niya ang phone niya at hindi na ako binalingan ng tingin.

Mina's POV

Hi, I'm Myoui Mina at una sa lahat hindi ako ganun ka cold katulad ng sinasabi ni Dubu sa akin lagi huhu. Bad trip lang talaga ako dahil kay Moguri.

Iniwan ba naman kasi ako kanina papunta dito sa dressing room dahil nandun sa labas si Heechul sunbaenim.

Alam ko namang close sila dahil may mga variety shows din naman na siya lang ang nandoon at minsan din ay kasama niya si Heechul oppa.

Hanggang ngayon ay hindi pa din siya bumabalik. Kanina pa kaya kami nandito. Tsaka siya na lang yata ang hindi pa nakakapagayos ng kahit na ano.

Katabi ko si Chaeng ngayon at sige na alam ko namang may mga MiChaeng shippers kami at alam ko din na madami sila pero sorry talaga dahil iba ang gusto ni Chaeng.

Inaamin kong dati ay nag ka-gusto ako sa kanya at na develop na lang yun unti-unti hanggang sa mawala din naman agad hayst.

Speaking of Moguri, bigla naman siyang pumasok at lahat kami nag tinginan sa kanya dahil bigla ba naman niyang binuksan ang pinto at kumalampog yun ng kaunti sa pader.

Bigla naman silang nag tilian at napatingin naman ako kay Chaeng na nag kibit balikat lang din sa akin.

Hindi kasi namin siya ganun makita dahil nasa dulo kaming dalawa. Dito lang kasi may couch na pwedeng umupo ng maayos haha.

"Ayieee omg Momoring! Kanino galing yan? Ikaw ha!" rinig kong sigaw ni Sana unnie sa kanya kaya napatayo na ako para mas lumapit sa kanila.

Nakita kong may hawak siyang bouquet of roses kaya napatigil ako sa paglalakad. Bigla namang tumigil ang tingin niya sa akin, at ang kaninang nakangiti ay napalitan ng seryosong ekspresyon.

I don't know if masasaktan ba ako o ano. Dahil ba sa nag iba ang ekspresyon niya ng makita ako? O dahil sa may hawak siyang bouquet na paniguradong galing kay Heechul oppa.

Tinitigan niya lang ako at hindi nag salita. Hindi nila pinansin ang titigan namin ni Momo unnie. Patuloy pa din ang panunukso nila sa kanya.

Hindi ko kayang mag tagal dito sa loob ng dressing room kung puro panunukso lang ang maririnig ko dahil kinikilig sila.

Naisipan kong lumabas na lang kaya tinahak ko na ang daan palabas at hindi ko naman sinasadyang mabunggo siya.

Napa-aray siya sa pagkakabunggo ko sa kanya, pero mas masakit pa yata ang nakita ko. Doble pa sa sakit na naramdaman niya. Hindi na ako lumingon pa at lumabas na lang.

💖💖💖

I'm gonna let my ships sink for a moment haha para masaya kunwari char. Kawawa naman si Mina noh? Nananahimik lang tapos bigla na lang sasaktan hayst. Anyways, kamsahamnida readeeers! Maiba naman HAHA SARANGHAEEEE <3

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now