Chapter XIII

493 20 9
                                    

Sana's POV

Tapos na kaming mag luto nila Nayeon unnie at Jihyo kaya naman pumunta muna kami sa Living room dahil pagod din kami.

Nanood muna kami at hinintay na bumaba ang iba para sabay sabay na lang.

"Sana unnie kailan mo balak kausapin si Dahyun?"

Inisandal ko na lang ang aking ulo kay Nayeon unnie.

Balak ko naman na talaga siyang kausapin pero hindi ko alam kung saan mag uumpisa.

Kaya ko lang naman na sabi na hindi ako siguro dahil natatakot lang talaga ako sa sasabihin ng iba.

"Uy unnie grabe hindi man lang ako sinagot."

"Ay sorry di ko alam pero kakausapin ko din siya."

Ang sabi niya sa akin ay ipaglalaban niya ako kaya hindi dapat ako matakot. Hindi na dapat maging kampante na ako sa kung ano man ang mangyare sa amin.

Kaya naman napagdesisyonan kong tumayo na at akyatin siya. Paniguradong tulog pa din yun.

Pero anong oras na din kasi kaya dapat kumain na din siya.

Sakto naman na ang ibang members ay bumaba na at dali daling pumunta sa Dining area at pumwesto na. Baka mag umpisa na din sila kumain kaya naman umakyat na agad ako.

Hindi na ako kumatok dahil alam ko namang tulog si Dahyun.

"Dubu koooo baba ka na para makakai--"

Pero mali yata ako. Nakita ko silang dalawa ni Chaeng. Nakayap si Dubu kay Chaeng at parang masinsinan talagang nag uusap.

Pero mas nagulat ako dahil hinalikan ni Dub si Chaeng sa noo. Sa akin niya lang dapat ginagawa yan. Dubu ko nag seselos ako :(

Naalala ko ang pwesto nila sa amin kagabi ni Dubu. Ganyan din yung ginawa ni Dub sa akin kagabi.

Hindi kaya niloloko lang ako ni dahyun? Hindi naman siguro.

Dubu ko nag seselos ako pero may tiwala ako sayo.....

Nakita niya naman ako at biglang nanlambot ang mga titig niya. Kasabay na din ng panlalambot ng aking mga tuhod.

Hindi ko na napigilan at napaluha na agad ako.

"Ah sige baka nakakaistorbo ako. Baba na ako haha." Yun lang ang nasabi ko at bumaba na lang.

Pag dating ko sa baba ay nakita ko si Jihyo na nakatayo sa hagdanan kaya niyakap ko lang siya at umiyak sa kanya. Mukhang hinihintay niya yata kaming bumaba.

Nabigla yata siya pero niyakap niya lang din ako at hinagod ang likod ko.

"Sige Sana unnie iiyak mo lang yan. Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang nangyare sayo pagka-okay ka na okay?"

Tumango lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pag iyak ko.

Hinila niya naman ako sa labas ng dorm at naglakad lakad na lang muna kami.

"Unnie okay ka na ba? Pwede mo na bang ikwento sa akin? Sorry nga pala kung hinila pa kita palabas. Baka kasi makahalata yung ibang members kahit na halata naman na talaga haha."

"Jihyo naman eh. Pero thank you lagi ah? Salamat dahil lagi kang nandyan sa tuwing kailangan ko ng kasama."

"Hahaha sorry unnie pinapatawa ka lang. Pero sus wala naman yun sa akin unnie noh haha. Kahit na mas matanda ka ay kailangan ko pa ding gampanan ang pagiging leader ng group natin. Kaya okay lang na iiyak mo lang sa akin lahat."

Nginitian ko lang siya at kinwento na sa kanya lahat habang nag lalakad pa din kami.

Hinigpitan niya ang hawak niya sa akin dahil narinig nanaman niya siguro ang mga hikbi ko.

Hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak eh. Dapat ay mag tiwala ako kay Dahyun pero hindi ko pa di talaga mapigilang hindi umiyak.

"Unnie naniniwala akong hindi gagawa ng masama si Dahyun. Baka naman nag uusap lang talaga sila ni Chaeng. Hindi kaya may problema lang talaga si Chaeng kaya siya kinausap ni Dahyun."

"Pero necessary ba yung halik sa noo Jihyo?"

"Hindi naman unnie. Pero hindi mo naman kailangang mag isip ng iba dahil mag bestfriend lang sila. Tandaan mo na magkasing-edad sila kaya sila lang din ang pwedeng mag-kaintindihan. Dahil minsan nahihiya din yun sa atin diba?"

"Tama ka nga. Salamat Jihyo. Dapat maging matatag ako at ipaglaban ko din siya. Hindi na dapat ako nag iisip ng iba."

"Tama yan unnie! Kaya dapat stay strong lang kayo ha? Fighting Sana unnie! Fighting Dahyun! Fighting SaiDa!"

Nang dahil kay Jihyo ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Salamat sa kanya at okay na din ako.

💖💖💖

Ang late na ng update ko :( sorry readeeeers! Pero eto gagawa ako ng pambawi sa inyo haha! Please continue supporting Truth: SaiDa! Abangan ang mga susunod na mangyayare :)

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now