Chapter XV

478 21 11
                                    

Dahyun's POV

Pinagmasdan ko ang paligid ko at grabe ang ganda dito. Hindi ko na napansin kong saan na ang mga napuntahan ko dahil si Sana unnie lang talaga ang nasa isip ko.

May nahagip naman ang mata ko. Yun ay ang isang store na nag titinda ng bouquet of roses.

Naisipan ko namang bilhan si Sana unnie kaya bumili na ako at pinili ang pink at red roses. Ang ganda ng kulay nito. Siguradong magugustuhan niya 'to.

Pink ang favorite color niya pero gusto din sanang haluan ng red dahil parang sweet tingnan haha corny ko.

Naglakad lakad lang ako matapos na bilhin yun.

At parang sinuswerte yata ako ngayon ah. May nakita nanaman kasi akong store na nag bebenta naman ng promise rings.

Of course I wouldn't mind buying anything if it's for Sana unnie. I entered the store at binati naman ako ng saleslady.

"Uhm Miss pwedeng patingin ng Couple rings niyo dito?"

"Sure Ma'am ano po bang klase? May Gold, Silver, Copper, White Gold at Rose Gold po kaming available."

Rose Gold ang paborito ng Squirrel ko kaya yun na lang ang pinili ko.

"Ma'am so here are the types of Rose Gold Promise Rings that we have. May mga pearls po na nakalagay at ang iba naman po ay beads."

Tumango lang ako sa kanya at nahagip naman ng mata ko ang isang Crown shaped-Diamond Ring.

Tumango lang ako sa kanya at nahagip naman ng mata ko ang isang Crown shaped-Diamond Ring

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Uhm Miss pwede bang makita 'to."

"Ah nice choice Ma'am. Sure po. By the way yan po ang latest na ring namin ngayon kaya naman ma-swerte po kayo dahil may discount po kayo."

Wala naman akong pakialam kung may discount o wala pero okay na din  siguro yun. "Learn to appreciate certain things." Ika nga. Masyado lang talaga akong nagandahan sa design nito.

Ngumiti lang ako sa kanya at nilagay sa Ring finger ko ang isang singsing. Wow! Ang ganda talaga nito.

Hindi na ako nag dalawang isip at kinuha na ito.

"By the way Ma'am may free engraving po sa ring na ito. Ano po bang gusto niyong ilagay sa dalawa?"

Kumuha siya ng papel at ballpen tsaka naman binigay sa akin.

1st Ring - DubuZaki

2nd Ring - SquiKim

Yan lang ang sinulat ko at binigay na sa saleslady ang papel.

Pumunta na siya sa e working area nila at nag paalam na aayusin niya lang daw ang pagka-engraved sa couple ring.

Hindi naman matagal ang pag gawa kaya hinintay ko na lang.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya at lumapit sa akin.

"Ma'am eto na po yung couple ring. Btw Ma'am dahil parang nakikita kong may gagawin ka yatang engrade ay ibibigay ko po sa inyo ang kaisa-isang special box na available."

Tumawa naman siya at tinitigan ang Bouquet na hawak ko.

Kung sinuswerte naman yata oh. Magandang idea yan Ate haha. Ngumiti lang ako at tinanggap ang ring at nag bayad na.

Sinuot ko na ang akin at lumabas ng store. May kamahalan pa din ang couple ring na 'to kahit may discount na but still, I have no regrets. Para sa babaeng mahal ko 'to eh.

Nagulat naman ako ng biglang mah beep ang phone ko. Nag text si Chaeng.

From: Chaengie Cub 🐯
Unnie uwi ka na! Girlfriend mo nakauwi na! Saan ka ba pumunta at di kayo nag kita? Dali na baka ma-beastmode 'to sa akin! Hinahanap ka na niya!!!

To: Chaengie Cub 🐯
Ahh mabuti naman at nakauwi na sila. Wag kang galit haha intense ng reply mo eh. Pauwi na din ako may dinaanan lang! Excited na ako!

Mabuti na lang at nakauwi na sila ng maayos para naman hindi kami pagkaguluhan pag sa labas ko 'to ginawa.

Nag text naman ako kay Nayeon unnie para humingi ng request.

To: Nabongs Rabbit 🐰
Unnie! Hello! Pwede pa favor? Dali na ngayon lang naman eh! Please thank you haha. Pwedeng pa set up naman ng kahit anong romantic ewan sa likod ng dorm?

From: Nabongs Rabbit 🐰
Ano nanaman ba gagawin mo? Oy hinahanap ka na ng Squirrel mo dito! Uwi ka na! Pero sige mukhang may hinanda ka yata eh hehe. Kilig tuloy ako! Anyways yun lang ba? May iba ka pa bang kailangan? :)

To: Nabongs Rabbit 🐰
Opo unnie meron nga! Uuwi na din ako. Pa blind fold na lang din siya para exciting haha. Mga 10 minutes nandyan na ako.

From: Nabongs Rabbit 🐰
Oh sure sige! Ingat ka ha? Kami na bahala dito :) goodluck Dub <3

Siguradong magugustuhan 'to ni unnie. Excited na tuloy akong umuwi agad!

💖💖💖

Ano kaya yung gagawin ni Dub para sa ating Squirrel? Excited na din ba kayoooo? Thank you sa mga nag babasa ng Truth: SaiDa! Mahal ko kayoooo <3

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now