Chapter XII

556 21 7
                                    

Sana's POV

Lagi na lang kaming ganito ni dahyun. Nag aalala lang talaga ako sa mga posibleng mangyare.

At dahil nag tampo na yata talaga siya ng tuluyan ay hinayaan ko muna siyang matulog. Puyat din yun kagabi noh. Kailangan niyang matulog. Mamaya ko na lang siya susuyuin hayst.

Bumaba na ako dahil hininihintay na din ako nila Jihyo at Nayeon unnie. Umupo lang ako at pinanood silang mag luto.

"Oh? Nakabusangot ka yata dyan? Problema?" sinabi ni Jihyo at binitawan ang hawak niyang sandok.

Umupo lang siya sa harapan ko at tinitigan ako ng matagal. Kumunot naman ang noo niya kaya naman napatawa ako sa reaksyon niya.

"Eh medyo nagkamalabuan nanaman yata kami ni dahyun eh haha. Pero hayaan mo muna siya aayusin ko na lang mamaya." Ngumiti naman ako at tumango lang siya.

Nag salita naman si Nayeon unnie habang hinahalo ang niluluto niya

"Lagi naman kayong ganyan eh. Dapat huli na 'to Sana ha? Hindi maganda na lagi kayong ganyan. Okay lang sana kung paminsan minsan lang eh." Tinanguan ko lang siya at tinulungang na lang ding mag luto.

Pangako dubu ko pagkatapos naming dito ay aayusin ko na ang sarili ko. Ipaglalaban na din kita. Sana! Fighting!

Nayeon's POV

Nag away nanaman sila. Nako talaga lagi na lang silang ganyan. Hindi maganda sa isang relasyon na laging nag aaway. Hindi dapat inaaraw araw yun dahil nakakasama.

Mabuti pa kami ni Jeongyeon hihi kahit na nakukulitan siya sa akin minsan ay hindi naman kami dumadating sa puntong hindi na mag papansinan.

Hindi ko yata kayang mawalay sa mahal ko noh! Anyways kaya din ako sumasangayon at sumusuporta sa relasyon nila ay dahil parehas lang din naman ang sitwasyon namin.

Inaamin ko na kami talaga ni Jeongyeon. Kami din ang pinakamatanda dito kaya sobra din kaming nag iingat.

Kung kami ngang matanda na ay minsang nahahalata na dahil sa mga harutan namin ay paano pa kaya sila Sana at Dahyun?

Hindi naman maiiwasan na hindi makahalata ang ibang members. Dadating din talaga ang araw na malalaman din nila ang sa amin. Huwag muna sana ngayon. Hindi pa ako handa.

Dahyun's POV

Nagising din ako agad dahil nakaramdam na din ako ng gutom. Pansin kong wala na si Chewy sa higaan niya pero si Chaeng ay tulog pa din.

Tumayo na ako sa aking higaan at pumunta kay Chaengie.

"Chaeng gising na kain na tayo."

"Unnie saglit lang 5 minutes."

"Chaeng anong oras na oh. Kain na tayoooo. Tayo na lang yata ang hindi pa kumakain."

Umupo na siya sa higaan niya kaya naman tumayo na ako. Namamaga ang mata niya at mahahalata mo sa kanya na umiyak talaga siya.

"Chaeng namamaga mata mo. May nangyare ba?"

Tumango lang siya kaya naman nilapitan ko siya at niyakap.

"Chaeng sabihin mo sa akin at baka sakaling matulungan kita. Nandito lang si unnie para sayo. Makikinig lang ako sa lahat ng problema mo."

"Unnie mahal ko na yata talaga si Tzuyu."

Hindi na ako nagulat doon at tinanguan na lang siya. Sabi ko na nga at may something sa dalawang ito eh. Masaya ako para sa kanila.

"Chaeng makinig ka. Ipaglaban mo siya okay? Kahit na ano man ang mangyare ay kailangan mo siyang ipaglaban. Kung mahal mo talaga siya, gagawin mo ang lahat para mapasaya siya okay? Maliwanag ba chaeng?" Nakayakap pa din ako sa kanya.

"Yes unnie, may pinanghuhugutan ka yata ah! Uy sabihin na sa akin unnie. Pero pangako gagawin ko yun unnie."

"Hindi pa ngayon ang tamang oras chaeng." yun lang ang sinabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Chaeng patawad pero hindi pa talaga ngayon ang tamang oras para malaman mo ang tungkol sa amin. Kailangan ko munang masigurado na handa na din siya. Ayoko namang sabihin sayo ng hindi niya alam. Sorry chaeng pero wag muna.

"Dubu koooo baba ka na para makakai--" hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil nakita niya yata ang ginawa ko kay chaeng?

Pero wala namang meaning 'to eh. I'm just comforting her. Nadala lang ako sa emosyon ko dahil parehas lang kami ng sitwasyon.

Nakita ko namang napaluha siya. Unnie mali ka ng iniisip. Hayst.

"Ah sige baka nakakaistorbo ako. Baba na ako haha." Pag katapos nun ay lumabas na siya.

Hindi ko naman kasi napansin na nandun na pala siya sa pintuan. Tsaka wala namang meaning yung ginawa ko eh.

"Unnie sa tingin ko alam ko na yung sikreto mo hahahaha. Sige suyuin mo na siya paniguradong nag seselos na yun! Ikaw naman kasi eh! Daming alam may pahalik halik pa haha."

Baliw talaga 'to tinawanan pa ako pero kung sabagay medyo halata naman na yata haha okay lang yun bestfriend ko naman siya eh.

Woooh! Kailangan ako ni Sana unnie ngayon huhu. Chance ko na 'to para sabihin sa buong mundo kung sino ang mahal ko.

💖💖💖

Lame update haha sorryyyy :( thank you sa mga patuloy pa ding nag babasa! Mahal na mahal ko kayo 💕

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now