Chapter XXVIII

470 15 0
                                    

Dahyun's POV

Nagising ako ng nakayakap si unnie sa akin. Hanggang sa pag tulog ba naman ayaw niya akong pakawalan? haha joke lang huhu.

Hindi muna ako bumangon dahil wala pa din naman ako sa mood na bumaba.

Pinagmasdan ko lang muna si unnie. Masasabi kong para siyang anghel sa tuwing natutulog siya.

Yung side profile niya sobrang ganda.
Sobrang kinis ng mukha niya. Tapos yung cheeks niya sobrang fluffy naman haha ang cute cute kaya.

Hindi pa din talaga ako makapaniwala na nandito na kami sa puntong tanggap na kami ng ibang members at kung saka-sakali man ay pwede na din naming i-open up sa ibang tao.

I'm sure na tanggap kami ni Eomma kapag sinabi na namin sa kanila. Tutal lagi naman nila akong sinusuportahan sa lahat ng gusto kong gawin.

Tsaka kahit na hindi man nila kami tanggapin ay okay lang sa akin. Gagawa ako ng paraan para matanggap nila kami.

Dahil sa kahuli-hulihang hinga ko man, ay si Sana pa din ang tinitibok ng puso ko.

"Unnie alam mo bang na eexcite na akong sabihin sa parents ko ang tungkol sa atin. I'm sure tatanggapin ka din ni Oppa. Sobrang bait nun promise. Wag mo lang talagang susubukan na ipagpalit ako dun sa unggoy na yun haha mas bagay tayo noh."

Nagulat naman ako ng ngumiti siya kahit na nakapikit ang mata niya. Kaya naman tinakpan ko ang mukha ko ng buhok ko para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko.

Huhu grabe nakakahiya. Nag momoment ako dito tapos bigla na lang ngingiti. Kita niyo ba yun? Gising pala siya! huhu nakakahiya kaya yung mga sinabi ko.

"Baliw ka talaga unnie. Nagulat ako sayo ah."

Nakapikit pa din siya pero ngiting ngiti naman ang mukha. Huhu lolokohin nanaman ako neto mamaya.

"Oyy bangon na kayo! Kain na may event ulit mamaya baka gusto niyong ma-late o ano?"

Grabe bakit ang daming nang gugulat ngayon! Alam naman nilang matatakutin ako eh tapos ganito.

Tsaka hindi ko namalayang pumasok pala si Jihyo unnie sa kwarto haha. Si Squirrel talaga may dahilan eh huhu.

Bumangon na si Sana unnie pero hindi pa din ako lumilingon sa kanya. Nakatingin lang ako sa pintuan kasi nandun pa din si Jihyo unnie haha.

Wala ba 'tong balak umalis haha. Sorry unnie! Istorbo ka sa moment namin ni Sana unnie eh.

Nakita ko namang sumesenyas si Jihyo unnie kay Sana unnie na hindi ko naman maintindihan.

Sa huli ay tumango lang si Sana unnie at nilingon ako. Syempre dahil mabait akong bata ay bumangon na din ako.

Nagulat nanaman ako dahil pagkabangon ko ay hindi ko naman inaasahang mag lalapat ang labi namin.

Kahit na ilang beses na akong halikan ni unnie ay nagugulat pa din ako at syempre slight na kilig haha. Hindi niyo naman ako masisisi eh.

Hinampas ko lang siya sa braso dahil paniguradong namumula nanaman ako. Lolokohin nanaman niya ako pag ganun eh huhu. Pangalawa na 'to huhu.

"Squirreeeel! Ang kulit mo talaga eh noh! Isa pang halik mo sa akin hindi na kita pag bibigyan."

Syempre joke lang yun haha. As if namang palalagpasin ko ang isang araw ng hindi ako hinahalikan ni unnie.

Eh halos masanay na nga ako sa bawat segundo at minu-minuto niyang halik sa akin eh.

"Hindi mo naman kayang hindi kita halikan eh. Sige nga try natin haha. Ako pa ang dinedare mo ha?"

Ngumiti nanaman siya ng nakakaloko. Okay alam ko ng ako ang talo pag dating sa mga ganitong kulitan naming dalawa.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko as a sign of defeat. Panalo siya at talo ako haha. Oo na ako na lang lagi ang talo.

Eh kahit naman kasi mas matanda si unnie ay mas isip bata pa yata siya sa akin eh. Tsaka of course ayoko din namang hindi niya ako halikan haha.

"Unnie you're my energy throughout the day. Without your kisses my day would be a colorless rainbow haha."

May ganun ba? Siguro naman meron haha. Black and white na rainbow kunwari haha.

Tumawa lang siya at niyakap ako ng mahigpit. Lagi kaming ganito ni unnie. Sa tuwing natatalo ako ay yayakapin niya lang ako at mag lalambing nanaman siya.

"Come on let's go down stairs. Ipapakilala kita kay Eomma."

Wait. Tumigil yata ang kilig system ko haha. Tama ba rinig ko? Eomma? Her Mom? Really? Seryoso?

Tinawanan niya lang ako. Siguro dahil na din sa expression ko huhu. Kakasabi ko nga lang na ipapakilala ko siya sa Eomma ko eh tapos ganito.

"Kaya ba sumesenyas si Jihyo unnie sayo kanina?"

"Napansin mo pala yun haha akala ko kinikilig ka pa din kanina eh."

"Wow ha. Di ako ganun ka oa haha. Pero yun nga haha."

Tumango lang siya at pilit na hinihila ako. Kinakabahan ako sa di malamang dahilan huhu.

"So ano na? Halika na baba na tayo."

Hala wait di pa ako ready Squirrel saglit lang i-aabsorb ko muna haha.

"Ah saglit pwede bang mag ayos muna huhu tingnan mo oh naka-shorts lang tayo. Dali na."

Nag isip muna siya ng malalim at bigla din namang ngumiti sa akin.

"Sige na nga haha pasikat ka naman masyado kay Eomma nako haha. Promise magugustuhan ka nun."

Lumakas naman bigla ang loob ko kaya hinila ko na siya agad palabas ng kwarto at pumasok na kami sa loob ng bathroom.

Wala kaming ginawang ano ah. Para mabilis lang kasi haha joke lang. Nag toothbrush lang kami ng sabay at nag bihis ng mas maayos kahit na shorts pa din naman.

Hindi po kami nauubusan ng shorts sorry haha. Bumalik muna si unnie sa kwarto nila dahil kukunin niya lang daw phone niya.

Habang ako bumalik lang din muna sa kwarto naming mga maknae para mag ayos ng sarili.

Kahit na ganun ang sinabi ni unnie ay kinakabahan pa din ako sa Eomma niya huhu. Alam ko namang pinapalakas niya lang talaga ang loob ko.

Pero dahil ako si Dahyun dapat malakas ang loob ko! Woooh! Hwaiting Dahyunnie! Hwaiting SaiDa! SaiDa is the best ika nga!

💖💖💖
Great news! I've made up my mind! May plot na ako HAHAHAHA hindi na magiging sabog ang update! Thank you readeeers! Mahal ko kayoooo <3

Truth: SaiDa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon