Chapter XVII

472 22 7
                                    

Nayeon's POV

Pag dating nila Sana at Jihyo ay nag taka naman ako dahil wala pa si Dahyun. Saan kaya pumunta yun?

Nagulat naman ako ng kalabitin ako ni Chaeng.

"Unnie si Dub kaya nasaan na?"

"Aba malay ko text mo na lang kaya?"

"Sungit naman neto. Huhu eto na nga oh."

Pagkatapos itext ni Chaeng ay kinalabit niya nanaman ako.

"Bakit nanaman?"

"Pauwi na daw siya. Excited na nga daw siya."

"Excited saan?"

"Ewan ko nga sa kanya eh."

Sakto namang nag beep ang phone ko at nakita ko ang text ni Dahyun.

From: Dahyunnie ⭐️✨
Unnie! Hello! Pwede pa favor? Dali na ngayon lang naman eh! Please thank you haha. Pwedeng pa set up naman ng kahit anong romantic ewan sa likod ng dorm?

Romantic na set up? Ano kayang plano niya? Nakakakilig naman haha.

To: Dahyunnie ⭐️✨
Ano nanaman ba gagawin mo? Oy hinahanap ka na ng Squirrel mo dito! Uwi ka na! Pero sige mukhang may hinanda ka yata eh hehe. Kilig tuloy ako! Anyways yun lang ba? May iba ka pa bang kailangan? :)

Nag isip naman ako ng pwedeng gawin para sa set up na gusto niya.

Hingi kaya ako ng tulong? Aba syempre di ko naman kaya yun ng mag isa noh haha.

From: Dahyunnie ⭐️✨
Opo unnie meron nga! Uuwi na din ako. Pa blind fold na lang din siya para exciting haha. Mga 10 minutes nandyan na ako.

10 minutes? Kaya yan. Fighting!

To: Dahyunnie ⭐️✨
Oh sure sige! Ingat ka ha? Kami na bahala dito :) goodluck Dub <3

"Chaeng may tinext sa akin si Dahyun."

"Ano yun unnie?"

"Gawa daw ng Romantic set up sa likod ng dorm."

"Huh? Set up? Paano? Kailangan natin ng tulong."

"Yun nga eh dali sabihin mo na sa kanila."

Sinabi naman na ni Chaeng sa kanila at tumango naman sila. Kumuha na kami ni Jeongyeon ng table at upuan pagkatapos ay nilagay na namin sa labas.

Ang iba naman ay nag decorate na. Si Tzuyu naman kumuha ng table cloth na puro heart. Ang cute naman neto haha.

"Tzu saan mo nakuha 'to? Ang cute naman."

"Nakita ko lang yan sa mga box doon sa loob eh haha. Okay ba?"

"Ang ganda nga eh haha."

"Unnie may heart na balloons din dun. Di ko nga alam kung bakit meron eh."

Bakit kaya merong mga gamit doon? Haha buti na lang may mga ganun doon.

"Ah ganun ba sige pwedeng pakuha? Palobohin na natin."

Tumango lang siya sa akin at pumasok na sa loob.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na din kami. Ang ganda ng set up namin dito haha. Ang romantic nga tingnan.

May candlelight dito at ang mga balloons namin ay nakasabit na din. Sa string naman ng balloon ay naisipan naming lagyan ng mga pictures nila.

Kaso parang may kulang.

"Jeongyeon parang feeling ko may kulang?"

"Ano yun? Parang meron nga."

"Unnie! Rose Petals!" singit naman ni Momo sa amin habang umiinom ng strawberry milk.

Ayun! Yun nga! Saan naman kami makakakuha nun?

"Saan tayo makakakuha nun?"

Sakto namang pumunta si Mina sa amin na may hawak na roses.

"Unnie nakita ko lang din 'to dun sa may box haha."

"Wow sakto haha. Nice naman so kumpleto na?"

"Yes unnie! Galing natin!"

"Thank you sa pag tulong sa akin ha? Para 'to kay Dahyun at Sana kaya thank you talaga!"

"Basta sa kanila unnie. Masaya kami para sa kanila." sabi ni Mina sa amin.

"Sana Fighting! Dahyun Fighting! SaiDa Fighting! Twice Fighting!"

Cheer namin at pumasok na sa loob. Nakita ko naman si Jihyo na nasa kitchen at kumakain. Ang iba naman ay nag pahinga na sa Living room at pinagpatuloy ulit ang panonood ng kdrama.

"Oh? Saan kayo galing? Akala ko umalis kayo."

"Sa labas lang haha may hinandang set up para sa SaiDa."

"Ay nice bakit di niyo ako ginising sayang di ako nakatulong."

"Okay lang yun Jihyo haha alam naming pagod ka. By the way, si Sana tulog pa din ba?"

"Oo eh pagod na pagod yata."

"Ah Jihyo pwedeng pakibantayan si Sana? Pag nagising siya lagyan mo siya ng blindfold okay?"

"Sige sige. Pero pwedeng palagyan din si Dahyun mamaya kapag ready na siya haha. Si Dahyun nga pala saan na?"

Sakto namang pumasok si Dahyun na may dalang bouquet of red and pink roses at may hawak na dalawang maliit na paperbag. At may plastic bag din.

"Ay ayan na pala oh. Haha basta unnie ah lagyan mo din."

"Bakit para saan?"

"Eh kasi may surprise din si Sana unnie sa kanya eh haha nakakatawa nga dahil wala silang kaalam alam."

"Ah sige haha exciting naman! Anyways thank you Jihyo!"

"Para sa SaiDa! Dahyunnieee! Fighting!"

Nginitian lang siya ni Dahyun at umakyat na. Excited na ako sa gagawin ni Dahyun para kay Squirrel!

💖💖💖

Sorry kung puro preparations yung update haha. Siguro may isa pang maikling update sa preparation ni Dahyun at Sana. Tapos yung moment na mismo nila! Be ready! Thank you readeeeers! Mahal ko kayooo <3

Truth: SaiDa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon