Chapter XLV

404 11 7
                                    

Sana's POV

Sabi nila Moguri sa susunod na araw pa daw sila aalis kaya naman hindi na ako makakasabay sa kanila.

Sabi kasi ni Mom, as soon as possible daw dapat bumalik na ako agad dahil namimiss niya na daw ako haha. Nung nasa event kasi kami kanina bumalik na sila ni Appa agad sa Japan.

Hindi pa nila alam na bukas ng gabi ako aalis. Kakatext lang din naman kasi ni Eomma yun. Nakapagpabook na daw siya ng flight bukas, 7:30 pm.

"Uhm guys may sasabihin ako." napalingon naman sila sa akin.

Nakaka-intimidate yung titig nila kaya di na muna ako nag salita huhu.

"Oh? Ano na Sana?" sabi ni Momoring sa akin.

"Kasi ano...bukas na ako ng gabi aalis...."

"Ah yun lang pala eh....Ah?! Ano?! Di ka sasabay sa amin??" galing talaga haha mga lutang tao dito eh noh haha.

"Bakit naman Sana? Edi pagod pagod ka niyan?" sabi naman ni Tzuyu.

"Ah so nakalimutan na ang Unnie? Galing eh noh haha. Ang sasabaw ninyo huhu. Ganyan ba talaga kayo pag pagod?"

Tumawa naman sila sa sinabi ko. Eh kasi naman eh haha ang lutang nila ngayong araw.

"Basta yun nga, sabi kasi ni Eomma na kung mas mapaaga sana yung flight ko, mas okay daw. Hindi ko nga alam trip niya eh haha." Tumango lang naman sila at nag sabing mag ingat ako dahil mag isa nga lang akong babiyahe.

Nakaramdam naman ako ng kalabit sa tagiliran ko. Tiningnan ko kung sino ang kumalabit.

Aba at bigla ba namang nag pout haha. Ano kayang problema neto at nag papalambing nanaman haha.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na bukas ka na pala ng gabi aalis? Ang aga naman huhu."

Niyakap ko siya at kinulong sa bisig ko. I tried my best not to say aww pero di ko din naman napigilan at talagang na sigaw ko pa yun haha.

"Nung nasa van kasi tayo kanina nag text si Eomma sa akin. Di ko naman masabi sayo dahil katabi nga kita pero kausap mo naman si Moguri kanina."

Hindi naman sa nag seselos ako kanina pero nag seselos nga talaga ako haha ano daw?

Tsaka pag tapos ko din namang mareceive yung text kanina ni Eomma, dapat ay sasabihin ko na sa kanya kaso nakita kong nag kukulitan sila ni Momoring kaya di ko na lang sinabi.

"Kahit na unnie. Sana naman kinalabit mo man lang ako o ano diba?"

Kumawala siya sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ako ng seryoso.

"So anong gusto mong gawin ko kanina? Mang istorbo sa inyo?"

Hindi naman ako galit eh. Nag tatampo lang ako sa inaasal niya ngayon. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na manggugulo pa kung alam ko naman ng masaya na siya.

(Hugot 101 ni Sana HAHAHA)

"Hindi naman sa ganun unnie. Ang gusto ko lang naman ay yung malaman ko muna bago sila."

"Alam mo namang hindi ako marunong mang istorbo kapag may kausap ka. Kilala mo ako Kim Dahyun. Hindi ako ganun."

Nakakainis lang na pinagpipilitan niya na dapat kinausap ko siya, na dapat siya ang unang makakaalam, na dapat kinalabit ko siya dahil okay lang naman daw.

"EH HINDI KA NAMAN NGA KASI ISTORBO PARA SA AKIN EH."

"Uy ano nanaman yan? Umayos nga kayo." sabi sa amin ni Jeongyeon unnie.

"Wala"

"Tss."

Pinapairal nanaman niya sa akin yang side niyang niyan. Sigawan ba naman ako. Mas gugustuhin ko na lang na mag pahinga kaysa naman sa mag stay dito sa tabi niya.

Tumayo na ako at pumunta sa kitchen. Kumuha na lang ako ng gatas at ininom ito para makatulog din ako agad.

Napansin kong nasunod sa akin si Jihyo kaya tinanong ko siya kung anong kailangan niya.

"Eh wala naman haha."

Hinila naman niya ako pabalik sa sofa at sinabing bonding daw yun ng Twice kaya dapat wag daw akong umalis.

"Kayo na nga lang kasi Jihyo. Inaantok na ako."

"Unnie naman eh. Minsan na nga lang 'to na mag kakasama tayo oh. Tsaka diba aalis ka na bukas? Dali na unnie."

Nawala na talaga ako sa mood na mag stay pa at makibonding sa kanila. Gustuhin ko mang mag stay ay wala na ako sa mood.

Hinawakan ko ang kamay ni Jihyo na nakahawak sa kamay ko at tinanggal ito. Alam kong nakatingin na silang lahat sa akin.

Hindi naman kasi ako ganito. Kahit kailan hindi ako naging KJ pag dating sa bonding ng Twice kaya bago 'to para sa kanila.

"Uhm ano kasi...masama pakiramdam ko. Sorry ah? Akyat na ako. Gusto ko na kasing matulog ha ha ha."

Tiningnan ko si Dahyun habang sinasabi ko yun. Alam kong hindi na siya natutuwa sa ginawa ko. Eh kaysa naman sa mag talo pa kami diba?

Alam kong hindi sila maniniwala sa alibi kong yun pero wala naman na silang magagawa dahil nakaakyat na ako

Humiga na ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko.

Bahala na kung anong mangyayare bukas sa amin ni Dahyun. Hindi naman kasi sa lahat ng oras kaya kong gawin yung gusto niya.

💖💖💖

War na ba itoooo? :(( ang sad naman huhu. Sana bago umalis si Squirrel mag kabati na sila 😭😭 btw thank you readeeers! mahal ko kayooo <3

Truth: SaiDa Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ