Chapter XXVII

454 16 0
                                    

Sana's POV

Umakyat na ako sa room nila Dub. Naabutan kong lumabas si Nayeon unnie sa room nila Jeongyeon unnie.

"Unnie saan ka pupunta?"

Lumingon naman siya sa akin. Di niya yata ako napansin.

Bago niya ako sagutin ay sinarado niya muna ang pinto nila.

"Iinom lang ng tubig sa baba. Nakalimutan kong i-refill yung tumbler ko eh."

"Ahh sige unnie una na ako."

Nag lakad na ako deretso sa kwarto nila Dub pero tinawag niya ulit ako.

"Bakit unnie?"

"Saan ka matutulog? Lagpas ka na sa kwarto natin oh."

Tumawa lang ako sa sinabi niya. Ganito ba talaga si unnie pag bagong gising? haha. Hindi ba halatang kayla Dahyun ako matutulog?

"Sa kwarto nila Dub ako matutulog unnie haha. Baba ka na dun, mamaya magising si Jeongyeon unnie at hanapin ka."

Hindi na niya ako sinagot at bumaba na lang agad. Pumasok na ako sa kwarto nila Dub at nakita ko naman siyang hawak ang phone niya.

Lumapit ako sa higaan niya at napansin kong tulog na din si Chaeng at Tzuyu.

"Tagal mo unnie. Miss na kita agad."

Aww ano kayang nakain neto at sumusobra yata ang pagkasweet ngayon.

"Sorry Dubu kooo. Na salubong ko kasi si Nayeon unnie eh tsaka kumuha pa ako ng water sa baba."

"Ah si Nayeon unnie nanaman."

"So mag seselos ka nanaman ulit? Nako Dub ah. Nakasalubong lang eh."

Ayan nanaman siya. Hindi na matigil sa kakaselos. Kahit na pati ako ganun din naman hahaha sorry not sorry.

"Joke lang unnie eto naman haha. Bakit ko pa kailangang mag selos eh alam ko namang ako lang laman ng puso mo. Tsaka sus ang ganda ganda ko pag papalit mo pa ba ako?"

Alam niya naman pala eh haha pero lakas talaga medyo mahangin ah tinangay ako haha.

"Paano pag nakahanap ako ng iba? Paano pag pinalitan ka na niya sa puso ko?"

"Edi palitan kung palitan."

"Ipapamigay mo na lang ako ng ganun ganun lang?"

"Hala syempre hindi noh! Palitan na niya ako dyan sa puso mo pero kahit na ganun, kahit kailan nakatatak ka lang dito sa akin. Babawiin kita noh kahit buhay ko pa ang kapalit. Tsaka bakit ka pa mag hahanap ng iba eh nandito lang naman ako."

Ngiting ngiti naman siya sa akin ngayon. Kahit kailan talaga ang sweet niya.

Imposible namang may makakapalit sa kanya dito sa puso ko eh. Tsaka ako mag hahanap ng iba? Sus wag na. Masaya na ako kay Dahyun at sa tingin ko hindi ko na mararanasan 'to sa ibang tao.

"Dapat na ba akong kiligin Dub? Haha."

Sinamaan niya ako ng tingin pero nginitian ko lang siya haha. Sa huli niyakap niya na lang ako at inihiga.

Nakatalikod ako sa kanya dahil bigla niya na lang din naman kasi akong niyakap sa likod.

Gusto ko siyang harapin pero mas gusto ko 'to. Mas komportable ako sa mga yakap niya.

Sa totoo lang nilalamig na din kasi ako kanina kaya mas gusto kong nakayakap lang siya.

"Unnie ang lamig ng legs mo. Mag palit ka nga dun. Shorts pa kasi eh."

"Eh? Tinatamad na akong tumayo. Tsaka okay lang yun hot ka naman eh haha. Medyo hindi na din ako nilalamig."

Hinampas niya ako kaya naman nag kunwari akong nasaktan haha. Kapag ganyan yan siguradong kinikilig yan haha.

"Ewan ko sayo. Mag palit ka na kasi dun. Ayoko ngang nag shoshorts ka eh."

Humarap na ako sa kanya kaya lumuwag na ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

Tinitigan ko lang siya. Kahit kailan hinding hindi ako mag sasawang titigan ang mga mata mo.

Pakiramdam ko mahuhulog ako sa mga mata niya sa tuwing tititigan ko siya. Napakaganda talaga niya wala ng kokontra doon haha.

"Ayoko ng bumangon Dubu kooo. Hindi naman na ako nilalamig eh. Please Dubu kooo."

Hinalikan niya lang ako sa noo at alam kong ako nanaman ang panalo haha. Hindi niya naman talaga ako matitiis eh.

"Oo na Squirrel ko. Panalo ka nanaman haha. Tulog na tayo?"

Tumango lang ako at siniksik ang ulo ko sa leeg niya. Ako na ngayon ang nakayakap sa kanya.

Nagulat naman ako ng bumangon siya. Problema neto? Napabitaw tuloy ako sa kanya.

"San ka pupunta?"

"Kukuha lang ng kumot. Hindi ako mapakali sa lamig ng binti mo eh."

Tumawa lang ako at pumunta na siya sa cabinet niya. Kumuha siya ng kumot na may pikachu na design.

Di ko alam na may ganito pala siyang kumot haha. Bumalik na siya sa kama at nag kumot na kaming dalawa.

Humiga na siya at bumalik na ulit kami sa pwesto namin kanina. Kinantahan niya ako ng paboritong kanta niya.

Sinabi niya sa akin noon na gusto niya daw na ito ang ipapatugtog pag kinasal na kami.

Kahit na hindi ko alam kung mangyayare ba yun ay na eexcite pa din ako. Siya lang naman talaga ang gusto kong pakasalan eh.

Ang ganda ng boses ni Dub. Hindi ko na ipagkakailang mas nahuhulog ako sa kanya. Ang sweet ng boses niya. Parang anghel ang kumakanta kaya naman kinilabutan ako sa ganda ng pag kakakanta niya.

Sumiksik ulit ako sa leeg niya at naramdaman ko namang kinilabutan siya haha sorry Dub ang komportable ng pwesto ko sa leeg mo eh haha.

Pagkatapos ng ilang kanta niya ay hindi ko na din mapigilan ang antok ko. Tumigil na siya sa pag kanta kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka tumigil?"

"Eh inaantok na din ako eh haha."

Inaantok na din pala siya haha madaling araw na din naman kasi, kaya hindi ko siya masisisi haha.

Hinalikan niya lang ulit ako sa noo at niyakap ako ng mahigpit.

💖💖💖

sweet ba? HAHAHA sorry di ako magaling sa ganyan huhu. Anyways, thank you readeeeers! Mahal ko kayoooo <3

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now