Kabanata II

5.5K 114 3
                                    

"Welcome to Academy of Elemental Magic," mahinang bulong ko sa aking sarili.


Napagtanto ko sa aking sarili na ito na ang destinasyon ko. Ang unang hakbang ng aming mga plano. Pinagmasdan ko muna nang mabuti ang kabuuan ng kastilyo bago ako tuluyang pumasok dito.

Dahan-dahan akong pumasok sa napakalaking gate ng kastilyo at bumungad sa akin ang napakalawak na ground ng kaharian. Berdeng-berde ang kulay nito. May napakahabang daan din na gawa sa semento at aspalto na may disenyong mga bricks na papunta sa isang malaking pinto na sa hula ko ay gawa rin sa ginto dahil kahit malayo ako mula rito ay natatanaw ko ang kislap nito.

Nakatayo ako ngayon sa mahabang daan papunta sa pinto at nagsimula nang maglakad. Napakarami na ring tao rito na kasing edad ko lang at ang iba ay mas bata sa akin. Naglalakad silang lahat papunta sa pintong gawa sa ginto na sa tingin ko ay pinto papunta sa loob ng kastilyo.

Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ko ang nagtataasang puno na nakatayo sa bawat gilid ng lakaran. May mga lakaran din na may bubong sa gilid ng kastilyo na papunta rin naman sa napakalaking pinto. Ang mga tao ngayon dito ay nakasuot ng iba't ibang kasuotan.

Hindi ko na inaksaya ang panahon at naglakad na nang mabilis papunta sa pinto kung saan papunta ang lahat. Taas-noo akong naglakad habang umaalon ang mahaba kong buhok na hanggang baywang. Nakalugay ang mga ito kaya't sumasabay ito sa galaw ng aking paglalakad.

Nakikita ko naman gamit ang peripheral vision ko na nagtitinginan ang iba sa akin lalo na ang mga lalaki. Tiningnan ko sila at ngumiti ang iba sa akin. Hindi ako nag-aksaya ng lakas upang ngitian sila pabalik. Nakita ko namang iniirapan lang ako ng ibang babae. Hindi ko sila masisisi.

Ang sabi nga sa akin ni Dad ay ako ang pinakamaganda sa lahat. Mala-dyosa ang aking kagandahan. Maaaring namana ko raw ito kay Mom.

Nang makarating ako sa pinto ay napatulala ako dahil ginto nga ito, hindi ako nagkamali. Hinipo ko ito at ang bawat detalyadong disenyo na naka-ukit dito. Pinong-pino ang pagkakagawa.

Napabuntong-hininga ako. Kinakabahan at kinikilabutan ngunit masaya ako dahil matutupad na ang unang hakbang ng aming mga plano. Inayos ko muna ang sarili ko. Huminga nang malalim bago pumasok sa loob.

Binuksan ko na ang pinto at tumambad naman sa akin ang mas malaking pinto na napakalaki at napakataas.

Naglakad ako papunta rito at hindi maitatanggi na mas maganda at mas madetalye ang mga disenyo nito kumpara sa naunang pinto. Lumingon ako sa kaliwa bahagi ng kastilyo at nakita ko ang isang mahabang lakaran na hindi ko alam kung saan papunta. Ganoon din sa kaliwa ko, isang mahabang lakaran din.

Binalik ko ang tingin ko sa pintuang nasa harapan ko. Muli ay napahinga ako nang malalim.

Inangat ko ang kamay ko at akmang bubuksan na ang pinto pero nabigla ako nang may humawak sa pulso ko at iniharap ako sa kaniya.


"Athena?"


Nabigla ako nang may biglang nagsalita sa likod ko at iniharap ako. Natulala ako sa nakita ko. Parang may kuryenteng gumapang mula sa pulso ko na hawak-hawak niya papunta sa buo kong kawatan. Isang lalaki ang humawak sa kamay ko.

Nanatili kami ng ilang segundo sa ganoong posisyon. Walang nagsasalita sa amin at tanging paghinga lang ang maririnig sa pagitan naming dalawa. Nakatitig siya nang diretso sa mga mata ko na para bang sinusuri niya ang mukha ko. Nakatitig din ako sa mga mata niya at masasabi kong, napakagwapo niya.

Napakaganda ng kaniyang mga mata, matangos ang kaniyang ilong, makapal ang kaniyang kilay at may mahahabang pilik-mata. Manipis din ang kaniyang mga labi at mapupula ito. Malago rin ang buhok niya na mas lalong nagbigay ng kagwapuhan sa kaniya. Maputi siya at matangkad kung kaya't nakatingala ako sa kaniya habang nakatingin sa mukha niya.

Princess IsabelleWhere stories live. Discover now