Chapter 54

1.3K 35 0
                                    

Chapter 54

(Author's Note: Warning: Ang mga susunod na chapters ay napakarami nang mura kaya kung masyado kayong sensitive, wag niyo nang ituloy ang pagbabasa pero kung okay lang sa inyo, edi go. Yun lang. Wag niyo akong sisihin dahil binalaan ko na kayo. You take the risk. Thank you!)


Isabelle's Point of View

Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang madilim na paligid. Tanging ang mga sulo lang sa haligi ang nagbibigay liwanag sa madilim na lugar kung nasaan ako. Pamilyar na ako sa mabahong amoy ng lugar at basa nitong semento. Nasa dungeons ako. Nasa dungeons ako na akala ko ay kaharian ko. Akala ko ay ako ang prinsesa sa kaharian na ito, pero lahat pala yun ay kasinungalingan at panloloko.

Pinilit kong maupo kahit ramdam ko ang panghihina ng aking katawan dahil sa ginawang pagkagat sa akin ni Calixto. Kinapa ko ang aking leeg kung saan ako kinagat ni Calixto at naramdaman ko ang pagtagas ng paunti-unti ng malapot na pulang likido mula sa malalaking butas nito. Nanghihina pa rin ako at hindi ko magawang tumayo.

Nanatili akong nakaupo habang tinitingnan ko ang buo kong katawan. Puro ito sugat at gasgas. Namumuti din ang buong katawan ko na parang wala na akong dugo dahil sa pagsipsip ni Calixto ng dugo ko sa katawan. Naramdaman ko ang malamig na kadenang bakal na nakatali sa aking mga kamay at mga paa.

Tumulo bigla ang aking mga luha sa aking pisngi ng mapagtanto ko na nasa parehong kalagayan na naman ako. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Kailan ba matatapos ang mga paghihirap ko?

Mas tumulo ang mga luha ko nang muli kong maalala ang lahat. Naaalala ko na ang lahat. Naaalala ko na ang mga taong nakikita ko sa isipan ko sa tuwing sumasakit ang ulo ko. Kilala ko na kung kaninong mga boses ang naririnig ko sa loob ng utak ko at kilala ko na kung sino ako. Ang totoong ako. Ako si Athena... ako si Athena.

Mas lumakas ang iyak ko ng maisip ko ang lahat. Ang itinuturing ko palang kalaban ay ang aking totoong pamilya at ang itinuturing kong totoong pamilya ay siya pa lang kalaban. Ilang taon akong naniwala at nagpagamit sa kanila. Ilang taon din akong naniwala sa kasinungalingan. Ang akala kong katotohanan ay siya palang kasinungalingan at ang akala kong kasinungalingan ay siya palang katotohanan.

Napaluha muli ako ng mapagtanto ko na ang totoo kong mga magulang ay sina King Caesar at Queen Celestina. Hindi na lungkot at galit ang nagpapaluha sa akin ngayon kung hindi dahil na sa saya. Mahal na mahal ni King Caesar at Queen Celestina si Athena dahil patuloy nila itong hinahanap at hindi sinusukuan. Ako ang saksi kung gaano nila kamahal si Athena...kung gaano nila ako kamahal. Ako si Athena...ako ang nawawala nilang anak.

Napangiti din ako ng mapagtanto ko na may kapatid ako. May kapatid ako. Si Sean. Kapatid ko si Sean. Napaluha ulit ako dahil pangarap kong magkaroon ng kapatid at nagkatotoo nga. Pero mas napangiti at mas napaluha ako ng sobra ng maalala ko si Gabriel.

Sobrang napaluha ako nang mapagtanto ko na matagal ko na palang kilala si Gabriel at siya ang unang pag-ibig ko. Siya si Gabriel na minahal ko simula pa nung bata pa kami hanggang ngayon. Siya si Gabriel na ipinagkasundong ipakasal sa akin. Siya ang Gabriel na nasa mga alaala ko. Siya ang Gabriel na nangako sa akin na ako ang mamahalin niya hanggang dulo.

"Gabriel..." Bulong ko habang patuloy ang pag-iyak ko at sinimulan ko nang yakapin ang mga tuhod ko kahit nakatali sa isa't isa ang mga kamay ko. Masaya ako dahil kami pa rin ang itinadhana para sa isa't isa kahit malayo at nakalimot ako ng mahabang panahon. Masaya ako dahil ako pa rin ang minahal niya kahit sa ibang pagkatao.

Natigil ako sa pag-iyak ng may marinig akong mga yapak ng paa na papalapit sa kulungan ko kung saan ako nakakulong. Tumingala ako at inaninag ko kung sino ang taong nakatayo sa tapat ng kulungan ko kahit madilim ang dungeons.

Princess IsabelleWhere stories live. Discover now