CHAPTER LXIII

1.2K 21 0
                                    

Gabriel's Point of View

"Natatakot ka ba?" tanong ko kay Isabelle habang nakasandal kami pareho sa pader ng dungeons at tinitingnan ang liwanag na nagmumula sa sulo. Alam kong malungkot at nasasaktan pa rin siya dahil sa nangyari kay Sean. Walang kasing sakit makita ang iyong kapatid na mamatay sa iyong harapan.

Pero wala ring kasing sakit makita ang babaeng iyong minamahal na umiiyak, nahihirapan at nasasaktan at wala kang ibang magawa para maibsan kahit kaunti ang kaniyang kalungkutan at sakit na nararamdaman. Tanging mga maiinit kong yakap ang kaya kong ibigay sa kaniya ngayon.

Pero tutuparin ko ang pangako ko kay Sean bago siya mawala, na poprotektahan at ililigtas ko si Isabelle sa impyernong kaharian na ito. Gagawin ko ang lahat masigurado ko lang na ligtas siya kahit buhay ko ang kapalit. Mahal na mahal ko si Isabelle at kahit ano ay gagawin ko para sa kaniya.

"Natatakot ako Gabriel sa lahat ng mangyayari. Baka mapahamak sina Mommy at Daddy dahil sa akin kung pagbibigyan nila ang kagustuhan ng Dark Side. Natatakot ako na maraming magbubuwis ng buhay para sa madugong digmaan na mangyayari. Natatakot ako na baka mapahamak ang mga mahal ko sa buhay," tugon niya sa akin habang kita mula sa mga mata niya ang pag-aalala at takot.

Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya nang diretso sa mata. Kung kaya ko lang kunin ang lahat ng pangamba niya ay ginawa ko na. Gusto kong ibsan lahat ng pangamba niya pero wala akong magawa.

"Huwag kang matakot, Isabelle. Nandito ako, hindi kita pababayaan," saad ko sa kaniya. Ngumiti ako sa kaniya para iparating na magiging madali ang lahat. Ngumiti rin siya pabalik.

Masaya ako dahil medyo lumakas na si Isabelle. Masaya ako dahil nakakangiti na rin siya kahit paano. 'Wag kang mangamba Isabelle dahil hangga't nasa tabi mo ako, ligtas ka.

"Malapit nang dumilim. Magiging asul na ang buwan. Hudyat na magsisimula na ang digmaan," saad niya sa isang tonong malungkot. Hindi talaga maaalis sa kaniya ang pangamba sa lahat ng mangyayari.

Kahit ako ay takot dahil mauulit na naman ang malagim na nakaraan. Tama ang nasa propesiya. Ang malagim na nakaraan ay magbabalik dahil sa lihim na paghihimagsik. Dadanak na naman ang napakaraming dugo at marami na namang inosenteng buhay ang madadamay.

"Handa ako sa mangyayari. Ako ang puno't dulo nito kaya ako ang magwawakas. Hindi ko hahayaang may mawala at may magbuwis na naman ng buhay para sa akin. Kaya kong isakripisyo ang lahat para sa kaligtasan ng lahat kahit ang kasiyahan ko. Isa akong prinsesa kaya iyon ang dapat kong gawin," saad niya habang tulala sa mga rehas ng selda namin.

"Handa rin ako, Isabelle. Hindi kita iiwan. Sabay tayong lalaban. Mangako ka na hindi ka bibitaw," saad ko sa kaniya at muli kong hinawakan ang kaniyang mga kamay. Tumingin siya sa akin.

"Pangako Gabriel," tugon niya sa akin.

Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kaniya at ipinikit ko ang aking mga mata. Muli ko na namang naramdaman ang kaniyang labi sa aking labi. Kumabog ang puso ko. Kakaibang pakiramdam ang dulot sa akin ng kaniyang marahan at malambot na mga halik. Matagal iyon at punong-puno ng pagmamahal.

"Mahal na mahal kita, Isabelle," saad ko sa kaniya habang magkapatong ang mga noo namin.

"Mahal na mahal din kita, Gabriel," napangiti ako sa tugon niya.

__________________________________________________________

I wanna hear your thoughts.

Tweet me: Engr. Lara (@royxlara)

Princess IsabelleWhere stories live. Discover now