Chapter 48

1.1K 26 1
                                    

Chapter 48

Isabelle's Point of View

"Handa na ba ang lahat?"

Huminga ako ng malalim at inayos ang pana sa aking likuran. Nandito na kaming lahat malapit sa may Dark Forest at magsisimula na sa ilang saglit ang pinakahihintay ko – ang Elemental Quest Tournament. Nandito na ang lahat ng estudyante at mga professors. Nakapalibot kami kay Headmistress habang sinasabi niya ang mga rules sa magiging laban namin.

Nasa may tabi ko naman sina Ariana at Zoe na halatang kinakabahan dahil hindi magiging madali ang magiging laban namin dahil mapanganib sa Dark Forest. Maraming mga dark creatures at kapag hindi ka magiging alerto at matapang ay mapapatay ka. Hinawakan ko naman ang kamay nila pareho at ngumiti sa kanila. Ngumiti naman sila pabalik sa akin kahit ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay nila at alam kong kinakabahan sila.

"Wag kayong mag-alala. Nandito ako para sa inyo." Sabi ko sa kanila para kahit papaano ay maibsan ang kanilang nararamdaman na kaba. Ngumiti ulit sila sa akin pabalik.

"Salamat, Isabelle." Tugon sa akin ni Zoe at ngumiti naman si Ariana sa akin. Mas hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nila.

Alam kong nakakaba ang mangyayari mamaya dahil kalaban namin ang isa't isa. Kailan mong tumayo sa sarili mong mga paa at hindi ka dapat magtiwala dahil maaaring iyon ang ikapahamak ko. Natatakot din ako pero di ko pinapahalata. Walang mangyayari kung magiging mahina ako sa oras na ito. Kailangan kong manalo para may mapatunayan ako sa kanila.

Nakita ko naman ang kakaibang tingin sa akin ni Cassandra. Nakatingin siya sa akin ng matalim at sumilaw mula sa kaniyang mga labi ang isang ngiting makahulugan. Tiningnan ko rin siya ng masama. Hindi ako natatakot sayo, Cassandra. Hindi ako natatakot sayo kahit pagbantaan mo pa ang buhay ko.


*FLASHBACK*

Naglalakad ako ngayon pabalik sa kwarto dahil tapos na ang training namin. Naglalakad akong mag-isa dahil matapos ang training ay hindi ko na mahanap sina Ariana at Zoe at napagdesiyunan na pumunta na sa kwarto at baka nauna na sila. Huling training na namin ito para sa nalalapit naming Elemental Quest Tournament dahil sa susunod na araw ay mangyayari na ang malaking labanan.

Naglalakad naman ako at nakikipagsiksikan sa mga estudyante ng bigla akong napatigil ng may humawak sa braso ko. Trip ba nilang hawakan palagi ang braso ko? Nilingon ko ang humawak sa braso ko at agad kong binawi ang mga braso ko sa kaniya.

"Anong kailangan mo?" Mataray kong tanong sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin ng nakakainis na mga ngiti.

"Gusto ko lang sabihin sayo Isabelle na good luck sa Elemental Quest Tournament." Sabi niya at binigyan ako ng isang makahulugang mga tingin at ngiti. Anong ibig niyang sabihin?

"Sayo din. Mag-ingat ka." Sabi ko sa kaniya at tinap siya balikat niya para iparating ko ang wagas kong pag-aalala sa kaniya hahaha. Mag-iingat talaga siya.

Napatawa naman siya sa sinabi ko at napailing ng natatawa. Anong nangyayari sa kaniya? Nababaliw na ba siya? Lumapit siya sa akin at may binulong sa mga tainga ko.

"Ikaw ang mag-iingat, Isabelle. Baka huling araw mo na sa araw ng tournament natin hahaha. Kasi hindi ako papayag na makalabas ka pa sa Dark Forest ng...buhay." Bulong niya sa akin at narinig ko ang nakakainis niyang tawa sa may tainga ko. Tiningnan niya pa ako at tumawa muli. Naglakad na siya at hindi na ako nilingon pa.

Hindi naman ako nakagalaw dahil sa mga sinabi niya at patuloy akong nilalagpasan ng mga tao dito. Pinanood ko siyang maglakad palayo sa akin hanggang nawala na siya sa mga paningin ko. Nabalik ako sa sistema ko at inisip ang mga sinabi niya.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon