Chapter 15

2.1K 50 0
                                    

Chapter 15

Isabelle's Point of View

Naglalakad na ako ngayon papunta sa kwarto namin. Hindi pa rin maalis sa isip ko na muntikan na kaming mahuli ni Cassandra kanina. Nagulat talaga ako ng sobra sa pagsulpot niya bigla-bigla. Akala ko katapusan na naming.

After umalis ni Cassandra kanina, umalis na din ako at sinabihan ko si Athan na mag-ingat at wag magpahalata ng kahit na ano dahil mainit na sa amin ang mga mata ni Cassandra. Baka mahuli kami pero di ako papayag na masira ang lahat ng plano ko.

Bumukas ang pinto ng kwarto namin bago pa ako kumatok. Bumungad sa akin ang mga mukha nina Ariana at Zoe.

"Why?" Inosente kong tanong.

Alam ko naman kasi kung bakit ganito ang mukha nila. Dahil ito dun sa pag-iwan ko sa kanila kanina. Kahit hindi nila sabihin, alam ko namn yun.

"Saan ka galing?" Seryosong tanong ni Ariana.

"Ah, diyan lang." Tipid kong sagot.

"Saang diyan? Ang daming diyan?" Tanong naman ni Zoe.

"Basta, diyan." Sabi ko.

Hindi sila umalis sa daan. Nakaharang sila sa pintuan, bale nasa labas pa din ako ng kwarto.

"Guys, padaanin niyo na ako please. Sorry na." Sabi ko at pagmamakaawa sa kanila.

Kinapitan ko sina Ariana at Zoe sabay yugyog sa mga balikat nila. Hindi pa rin nagbago ang emosyon ng mukha nila.

"Sorry na nga eh. Patawarin niyo na ako." Pagmamakaawa ko.

"Sabihin mo muna kung saan ka galing at bakit iniwan mo kami kanina?" Utos ni Ariana.

"Ano kasi ee, may hinabol ako kanina na student kasi akala ko kakilala ko. Hindi naman pala." Paliwanag ko.

"Bakit di mo sinabi kanina?" Tanong ulit ni Ariana.

"Kasi nga nagmamadali ako kanina kasi malayo na siya sa akin at baka hindi ko na siya maabutan." Paliwanag ko.

"Totoo?" Tanong ni Zoe.

"Oo, totoo." Sagot ko. Naguilty ako ng konti.

"Promise, yun lang?" Tanong ulit ni Zoe.

"Oo nga." Sagot ko para kumbinsihin sila.

"Feeling kasi namin may inililihim ka na sa amin. Di ka nagsasabi o nagshishare." Pag-eemote sa akin ni Ariana.

"Wala akong nililihim sa inyo promise!" Sagot ko sabay taas ng kanang kamay ko as sign of pledge.

Habang tumatagal ako dito, mas nahihirapan akong magsinungaling kina Ariana at Zoe kasi mabubuti silang tao at niloloko ko lang sila. Nagiguilty ako ng slight? Ugh! Pero hindi dapat akong magpadala sa emosyon ko, kailangan kong maging matigas para sa mga plano ko. Kung magiging mahina ako, masisira ang lahat ng mga planong gagawin ko at hindi ko iyun mapapayagan.

"Promise mo yan huh! Sige na, hindi naman kami galit sayo eh. Nagtatampo lang, akala kasi namin may itinatago ka na." Sabi nila sa akin na nag-eemote pa din.

"Wala nga. Ang kulit talaga ng mga lahi niyo." Sabi ko sa kanila kahit may nililihim talaga ako.

"O siya, tara na sa baba. Kakain na tayo ng dinner." Sabi nila sa akin.

"Hoy! Di niyo ba ako papapasukin? Di pa po ako nakakapagpalit ng damit kasi harang kayo sa daan." Sabi ko sa kanila at ngayon ay sila naman ang pinapagalitan ko.

Princess IsabelleWhere stories live. Discover now