Chapter 30

1.5K 36 0
                                    

Chapter 30

Gabriel's Point of View

Lumapag na ang sinasakyan naming carriage at napagdesisyunan na naming bumaba. Naunang lumabas sina Ezekiel at Calvin. Inalalayan naman nila sina Ariana at Zoe. Wow! Ang bilis talagang dumamoves ng dalawa kong gagong kaibigan. Natira naman kami ni Isabelle sa loob ng carriage. Bumaba na rin ako at inintay siyang bumaba kasi aalalayan ko siya. Tumingin naman siya sa akin.

"Ano pang ginagawa mo diyan?" Tanong niya sa akin. Ang taray talaga nito pero okay lang na magtaray siya kaysa makita ko siya na umiiyak.

"Hinihintay kang lumabas." Sabi ko sa kaniya habang ipinapakita sa kaniya ang aking killer smile at inilahad ang aking mga palad para kapitan niya pagbaba niya pero inisnob niya lang yun at patuloy na bumaba.

"I can manag... Ayyyyyyyyyyyy!" Sigaw niya ng bigla siyang na out of balance dahil natisod siya sa isa sa mga step ng carriage. Nagulat naman ako at agad ko siyang sinalo.

Parang nagslow motion ang buong paligid ng sinalo ko siya. Ang pagkakahulog niya ay parang bumagal. Nakita kong iminulat niya ang kaniyang mga mata at kahit yun ay slow motion. Hala? Anong nangyayari? Anong nangyayari sa akin? Bakit parang bumagal ang takbo ng nasa paligid ko? Nakita ko naman siya na nakatingin sa akin at parang tulala. Ilang segundo rin kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa at ilang segundo rin kaming nanatili sa ganoong posisyon. Karga-karga ko siya habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa batok ko. Natulala ako at hindi na nakagalaw ng bigkasin niya ang mga salitang nagpalukso at nagpatibok ng abnormal kong puso.

"Nahuhulog na ako sayo, Gabriel..."

Ilang segundong paulit-ulit ang mga salitang sinabi niya sa utak ko at parang ilang ulit ring priniproseso ng isipan ko ang mga sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Sinabi niya ba talaga ang mga salitang yun? Baka mali lang ako ng pagkakarinig o kaya baka kulang lang ako sa tulog? Nanatili kami sa ganoong posisyon at walang gumagalaw sa amin. Natauhan naman ako at biglang ngumiti sa kaniya. Sinabi niya ba talaga yun o nababaliw na ako?

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kaniya para ulitin niya kasi baka mali lang ako ng pagkakarinig pero alam ko, yun talaga ang sinabi niya sa akin.

Para naman siyang natauhan at nagulat ng magsalita ako.

"Huh? Wala akong sinasabi." Sabi niya sa akin na parang kinakabahan at nahihiya.

"Talaga? May narinig kasi ako eh. 'Nahuhulog na ako sayo, Gabriel...' Yan ata yung sinabi mo eh hahaha" Sabi ko sa kaniya at ginaya ang boses niya kanina para inisin siya. Tumawa pa ako ng mas malakas para mas lalo siyang mainis.

"Huh? Sinabi ko ba yun? Ang sabi ko ata ay 'Mahuhulog ako Gabriel.' Yun ang sabi ko. Ang bingi nito." Sabi naman niya sa akin.

"Eh bakit nagbablush ka?" Sabi ko sa kaniya kahit hindi naman. Kinapa naman niya agad ang pisngi niya at parang nagulat.

"Hindi naman ah." Sabi niya sa akin habang hawak-hawak pa rin niya ang pisngi niya. Ang cute niya ngayon hahaha.

"Hahahahaha." Tawa ko sa kaniya kasi para siyang ewan na nakatakip ang mga kamay sa mukha niya. Binibiro ko lang naman siya eh. Naniwala agad. Sabi na eh, sinabi niya talaga yun. Hindi ganiyan magiging reaksyon niya kung hindi niya sinabi yun diba, girls? Mag-agree kayo.

"May balak ka naman sigurong bumaba sa pagkakakarga ko sayo o baka gusto mong buhatin na lang kita buong araw? Ayos lang sa akin." Sabi ko sa kaniya at parang nagulat at natauhan siya sa sinabi ko. Agad-agad siyang bumaba at ibinaba ko naman siya.

Pagkababa niya ay inayos niya ang sarili niya tapos bigla niya akong tiningnan.

"Bakit hindi mo ako ibinaba agad at bakit mo ako hinahawakan?" Tanong niya sa akin habang masamang nakatingin sa akin.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon