Last Note

2.5K 38 56
                                    

Hello mga Moonlights! 'Yan na raw ang tawag ko sa mga readers ko, may nagsabi sa akin since mahilig daw ako sa moon and other celestial bodies. Anyway, mahaba-haba ang sasabihin ko at madrama ito so sana hindi kayo ma-bored hehe.

FINALLY! Natapos ko na rin ang story na 'to. Ito ang pinaka-unang story ko sa wattpad na natapos ko kaya sobrang fulfilling sa pakiramdam. Isang napakalaking achievement para sa akin na isang beginner/aspiring na author/writer. Pero hindi ko 'to matatapos kung hindi dahil sa inyo.

First of all, gusto kong magpasalamat kay God for giving me strength and imaginative mind. Thank you po sa gift and talent na ipinagkaloob Niyo sa akin. I promise that I'll hone it and share it. I'll use it to inspire other people to pursue their passion in life.

Then, to all my friends and classmates for motivating me na tapusin ko 'to. Actually, marami akong naging inspiration na author, isa na do'n si Ms. Tina Lata (blue_maiden) kasi nabasa ko 'yong The Four Bad Boys and Me niya which is the first ever story na nabasa ko here in Wattpad tapos 'yong iba pa. Parang nabigyan niya ako ng idea and courage to do my own story. Parang na-inspire, ika nga hehe.

Then lastly sa inyong lahat na nagbabasa nito, mapa-active or silent readers. Thank you so much sa inyo! Sobra-sobrang thank you! You're all the reason why I still continue to update this story. From the bottom of my heart, salamat po!

Fifty chapters lang talaga ang balak ko sa story na 'to plus the prologue and epilogue pero dahil marami pa akong gustong mangyari sa story kaya humaba. Kaya umabot ito ng 65 chapters. Imagine? Hindi ko akalain na makakabot ako ng 65 chapters kasi sobrang nag-sstrugle ako sa bawat update ko.

'Yong maluha-luha na ako kasi hindi ko alam kung ano ang isusulat ko sa bawat update ko. 'Yong kailangan ko pang mag-search ng mga mythical creatures at iba pa para maging kapani-paniwala ang story ko though fantasy niya. Lahat po ng nilalagay ko rito ay may basis. Naglalagay naman po ako ng note after each update.

Mamimiss ko ang bawat characters sa story ko na ito. Sina Isabelle at Gabriel. Kung paano sila mag-asaran at magmahalan, yung mga gano'n. Saksi ako at tayo sa love story nila kaya nakakalungkot na tapos na at hanggang do'n na lang sila. I don't know if satisfied kayo sa ending pero para sa akin ay okay 'yon. 'Yon kasi ang sinabi ng puso ko. I prefer sad endings kapag sa mga stories. Sorry if hindi kayo naging masaya sa ending. Mamimiss ko ang lahat ng characters.

Totoo pala 'yong sinasabi nila na kapag nagsusulat ka, naisusulat mo ang sarili mo. I could say that half of the story is all about myself. Yes, may mga traits ako na nailagay ko kay Isabelle, kay Gabriel, kay Sean at sa iba pa. I love sunset, stars, moon, sky lanterns and music. I love nature kaya siguro napapansin niyo na paulit-ulit ko itong nababanggit.

Then, about sa typographical errors, please paki-intindi po hehe. Hindi ko naman kasi nakikita lahat ng pagkakamali ko kaya may nakalalagpas pa rin. But I promise na kapag may time ay aayusin ko lahat ng typos dito. Beginner pa lang po ako kaya hindi gano'n ako ka-perfect gumawa ng story.

Marami pa akong gustong sabihin. Hindi ko rin alam kung nagustuhan niyo 'yong story ko. Hindi ko alam kung corny pero pinaghirapan ko ito kaya masaya ako na finally, natapos ko rin ito. Siguro may mga scenes na boring, corny pero part 'yon ng story. Parang buhay, hindi lahat dapat exciting at puro thrill , dapat may boring din para balance.

So, thank you so much mga Moonlights! Thank you for 3.3K reads and 300+ votes of the story. Masaya na ako do'n atleast may nagbabasa. This is all for us guys.

Kailangan na nating isara ang kwento nina Isabelle at Gabriel. Hanggang do'n na lang talaga sila. Pero sana sa tuwing makakakita kayo ng sunset, stars at moon ay maalala niyo sila. Sana maalala niyo sila sa mga maliliit na bagay sa story.

I'm so happy and grateful that we made this story so far. I owe all of these to you mga Moonlights! I'm now closing the book.

PRINCESS ISABELLE
Written by: royxlara

Date Started: April 2017
Date Finished: April 19, 2018

All Rights Reserved.

__________________________________________________________

Edited Part: July 8, 2019

Hello mga Moonlights! Kamusta kayo? It's been a long time hehe. Miss ko na kayo. Anyway, may gusto lang sana akong sabihin sa inyo hehe.

Gusto kong magpasalamat muli sa inyong lahat sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta sa kwento ko. Thank you dahil mas lalong dumadami ang nakakabasa nito. Natutuwa ako kapag laging may mga notifications akong natatanggap. Parang reward sa akin ang bawat reads at votes niyo kaya sobrang thank you. Thank you sa inyo, mapa-active or silent reader ka man, ang importante binasa mo hehe.

Minsan, kapag may nagtatanong sa akin na kakilala ko kung ano 'yong story ko, nahihiya akong sabihin hehe. Para kasing corny haha. Nevermind that.

Then, gusto ko rin sabihin na under editing na 'to. Masyado na akong technical sa pagkakamali hehe. Kung napansin niyo, iniba ko na 'yong pagka-spell ng ibang salita like yun na naging 'yon tapos ganun na naging gano'n. Conscious na kasi ako sa spelling at paggamit ng mga salita tapos tamang punctuations. So kapag may nakita kayo na maling spelling, punctuations, maling paggamit ng nang at ng or any kind of technical errors, don't be hesitant to correct me hehe. Comment kayo, I'll be grateful. Para rin naman 'yon sa ikagaganda ng kwento. Thank you. (P.S. Other chapters are not yet edited.)

Lastly, I want to hear your thoughts, feelings or kahit ano tungkol sa story. Leave your comments here or tweet it on Twitter. I'll leave my twitter account haha. You can also add me on Facebook, find me na lang hehe. Recommend niyo rin sa iba niyong kakilala 'tong story if nagustuhan niyo para mabasa rin nila hehe. Thank you.

'Yon lang naman hehe. Maraming salamat! Love you, Moonlights!🌙

-Senπ

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon