Chapter 18

1.9K 43 2
                                    


Chapter 18

Lilingon na sana ako para tingnan kung bakit sumara ang pintuan kaso may kamay na tumakip sa bibig ko.

Gosh! Rape! Rape! Help me please! Ayy, ang landi ko.

Dinala niya ako sa gilid at nanatili ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Hindi ko alam kung sino ang poncio pilatong nakatakip sa bibig ko kasi di ko siya makita kasi nasa likuran ko siya. Pero infairness, ang bango ng kamay niya.

Help me please! Rape talaga ito kasi naman nandito na kami sa gilid ng shelves ng libro. Hindi pa ako handaaa!

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nahagip ng mata ko si Professor Augustus. Nanlaki ang mata ko kasi muntikan niya akong makita buti na lang ay nahila agad ang ulo ng taong nakatakip sa bibig ko. Grabe yung pagkakahila niya sa ulo ko, parang nabali ang brain stem ko, char!

Sumilip si Professor Augustus sa loob at parang may hinahanap.

"Bakit bukas ito?" Rinig kong sabi niya.

Nanatili ako, kami pala sa posisyon hanggang umalis na si Professor Augustus. Dahil hindi na rin ako makahinga kasi natatakpan niya na rin ang ilong ko, ubod lakas ko siyang kinagat sabay siko sa tiyan niya.

"Arayyyyy!" Sigaw niya.

Umalis ako agad sa likuran niya at nagposisyon na parang manununtok. Nakatalikod siya sa akin at nagtatatalon dahil sa pagkagat ko.

"Sino ka?" Tanong ko.

Humarap siya at nanlaki ang mata ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit mo ako kinagat?!" Pasigaw niyang sabi sa akin.

"Bakit mo kasi tatakpan sa bibig kung hindi ka sira ulo?" Sagot ko sa kaniya.

"Bwiset ka! Ang sakit!" Sigaw niya habang pinapagpag at hinihipan ang kamay niya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo dito huh?" Sabi niya ng matalim pa rin ang tingin sa akin.

Ah, oo nga pala. Kilala niyo naman na siguro kung sino ang nasa harapan ko. Tama kayo, si Gabriel na masungit. Siya yung poncio pilatong tumakip sa bibig ko.

"Wala kang pake kung bakit ako nandito. Tapos kailan pa sinagot ng tanong ang isa pang tanong huh?" Pagtataray ko sa kaniya.

"Pasalamat ka sakin dahil kung hindi dahil sa akin, hindi ko alam kung saan ka pupulutin." Sabi niya.

"Wow! At bakit naman?" Tanong ko.

"Hindi mo ba nabasa ang sign sa labas? This old library is OFF LIMITS! OFF LIMITS!" Pag-uulit niya with hand gestures pa.

"Oo nabasa ko yun. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin kasi marunong akong magbasa." Sabi ko sa kaniya sabay irap.

"Oh yun naman pala eh, bakit pumasok ka pa kung nabasa mo na?" Tanong niya ng may pagkasarkastiko.

"Masarap kayang itry ang bawal, duh? At bakit kailangan kong mag explain sayo?" Sabi ko sabay irap sa kanya at talikod. 360 degrees lagi ikot ng eyeballs ko kapag itong Gabriel na ito ang kaharap ko. Sarap anuhin... sapakin!

"Masarap ba talagang itry ang bawal?" Sabi niya.

This time is mahina ang pagkakasabi niya ng mga salitang sinabi niya kaya humarap ako sa kaniya. Kinabahan ako kasi pagharap ko, titig na titig siya sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

Princess IsabelleWhere stories live. Discover now