Chapter LX

1.2K 19 0
                                    

Queen Celestina's Point of View

Nandito ako ngayon sa terrace ng aming kwarto. Hinahampas ako ngayon ng malamig na simoy ng hangin mula sa labas na nagpapalipad ng aking gown at buhok. Papalubog na ang araw. Malapit nang sumapit ang gabi.

Tinutuyo rin nang malamig na hangin ang mga luha kong tumutulo mula sa aking namumula at pagod na mga mata pababa sa aking pisngi. Patuloy ako sa pagyakap sa litrato ni Sean at Isabelle. Nakapikit ako habang dinadama ko sila.

Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko nang tahimik. Walang ingay ng hikbi na nagmumula sa akin. Tanging ang hampas lang ng hangin mula sa mga sumasayaw na puno ang maririnig.

Gustong-gusto ko nang makita ang mga anak ko. Gustong-gusto ko na silang mayakap at mahawakan. Gusto kong maramdaman ang maiinit nilang yakap sa akin. Muling bumuhos ang mga luha ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang kinahinatnan ng anak ko, ni Sean. Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya sa tabi at piling ko at kahit kailan ay hindi ko na siya makakapiling at mayayakap pa.

Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko at bakit nangyayari ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung masama ba akong ina sa mga anak ko kaya nangyari ang lahat ng ito? Hindi ko alam kung naging magulang ba ako sa kanila.

Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyayari. Hindi ko nagawang protektahan ang mga anak ko. Wala na si Sean habang nasa panganib naman si Athena. Matagal siyang nawalay sa akin at ngayon ay nasa kapahamakan naman siya at wala akong magawa para do'n.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko nagampanan nang maayos ang pagiging ina ko sa kanila. Hindi ako naging mabuting magulang sa kanila dahil kung nagawa ko nang maayos ang tungkulin ko sa kanila, hindi mawawala si Sean at hindi mawawalay sa amin ng matagal na panahon si Athena.

Mahal na mahal ko ang aking mga anak at milyong sakit sa puso ang nadarama at nararanasan ko ngayon. Ako na lang dapat ang nawala. Ako na lang dapat ang nagdurusa. Masyado pa silang bata para sa mga bagay na ito.

"Mahal na mahal ko kayo mga anak ko," bulong ko sa kawalan habang pinapakawalan ko ang hindi maawat na mga luha ko.

Idinilat ko ang mga aking mata at tumambad sa akin ang kulay kahel, rosas, at asul na kalangitan. Madilim na ang paligid at malapit nang lumitaw ang asul na buwan. Malapit nang sumapit ang digmaan.

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanilang mga litrato. Tiningnan ko iyon at hindi ko mapigilang hindi masaktan at umiyak. Mahal na mahal ko sila at hindi ko kayang mabuhay ng wala sila sa tabi ko. Sila ang pinaka-importanteng bagay sa buhay ko at hindi ko alam kung kakayanin kong mabuhay nang maayos kung wala sila.

Pinaghalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ko habang inaalala ko ang mga ngiti at yakap ni Sean sa akin. Kung paano siya maglambing sa akin, kung paano siya ngumiti at yumakap sa akin. Kung paano siya naging mabuting anak sa akin.

"Mahal na mahal kita Sean. Mahal na mahal ka ni Mommy," bulong ko sa hangin. Sana, kung nasaan man siya ngayon ay maramdaman niya ang pagmamahal ko sa kaniya. Sana ay marinig niya ang lahat. Sana nasa maayos na siyang kalagayan at hindi na nahihirapan. Doble ang paghihirap ko sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan.

Bumaling ako sa litrato ni Athena. Ilang taon din siyang nawalay sa amin. Ilang taon akong nangulila sa kaniya. Ilang taon akong naging kulang at ilang taon akong naghanap para sa kaniya. Hindi ako sumuko dahil alam ko at nararamdaman ko na buhay siya at hindi ako nagkamali. Hindi ko akalain na magkikita muli kami. Hindi ko akalain na mayayakap ko siya muli kahit sa ibang pagkatao.

Sobrang saya ko nang malaman ko na buhay siya at nag-uumapaw ang pagkasabik ko sa kaniya. Siya ang bunga ng pagdarasal at pag-aalay namin ni Caesar sa diyos ng fertility ng mga panahong hindi kami mabiyayaan ng anak. Iyak sa tuwa ang naramdaman namin nang ibigay siya sa amin kaya iyak naman sa paghihinagpis ang nadama namin nng mawala at kuhain siya sa amin nina Calixto.

Ngunit hindi ko mapigilang hindi mangamba sa kaligtasan niya dahil hawak siya ngayon ng Dark Side. Nasa panganib siya. Hindi ko na hahayaan na mapahamak siya at muling mawalay sa akin. Hindi ko na papayagan na siya naman ang mawala sa akin. Magkakamatayan muna bago siya mawala sa piling ko.

Naramdaman ko na lang ang mga yakap ni Caesar sa likod ko. Mas lumakas ang iyak ko. Para akong isang babasagin na bagay na kapag hinawakan ay mababasag. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Nagpapasalamat ako dahil lagi siyang nandiyan para sa akin kahit alam kong masakit din para sa kaniya ang lahat ng nangyayari. Ang pagkawala ni Sean at ang nasa panganib na si Athena. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi niya ako iniwan at palagi niyang pinaparamdam na nasa tabi ko lang siya palagi at mahal na mahal niya ako.

"Hindi magiging masaya si Sean kapag hindi ka tumigil sa pag-iyak. Alam mo namang mahal na mahal ka ng anak mo at ayaw ka niyang nakikitang umiiyak o nasasaktan," bulong sa akin ni Caesar. Napakapit ako sa kamay niya at mas lalong naiyak.

"Mahal na mahal ko ang mga anak natin Caesar. Mahal na mahal ko kayo," saad ko sa kaniya.

"Mahal na mahal ko rin kayo. Patawad at hindi ako naging mabuting asawa at ama sa mga anak natin. Patawarin mo ako Celestina," malungkot at mabigat niyang saad. Bumagsak ang kaniyang mga tingin sa sahig.

Parehas lang kami ng nararamdaman ngayon. Pareho naming sinisisi ang aming mga sarili sa mga nangyayari sa aming pamilya pero wala siyang kasalanan. Walang may kasalanan sa amin.

Kumalas ako sa yakap niya at hinarap ko siya.

"Walang may kasalanan, hindi natin kasalanan. Biktima lang tayo. Sina Beatrix at Calixto ang may kasalanan. Sila ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya sila dapat ang sisihin. Dahil sa kasamaan at kasakiman nila kaya nangyayari ang lahat ng ito," saad ko sa kaniya para kahit paano ay maibsan ang bigat ng kaniyang kalooban.

"Babawiin natin si Athena. Gagawin ko ang lahat," determinandong saad niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya kahit patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Gagawin natin ang lahat. Babawiin natin ang anak natin at pagbabayarin sila sa ginawa nila kay Sean. Laban natin ito. Laban ito ng pamilya natin at ng buong Light Side. Panahon na para wakasan ang kasamaan nina Calixto," saad ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ko.

"Malapit na ang oras. Handa ka na ba?" tanong niya sa akin.

Matagal na akong handa. Handa na ako mula pa noong mangyari ang lahat ng ito. Handa ako para sa mga anak ko. Palagi akong handa para sa pamilya ko.

"Handa na ako," pahayag ko kahit may takot ding namamayani sa puso ko. Niyakap ako ni Caesar. Niyakap ko rin siya nang mahigpit.

"Hintayin mo ako Athena, hintayin mo ako anak. Nandiyan na si Mommy at Daddy. Sean, patawarin mo si Mommy. Wala akong nagawa para sayo pero gagawin ko ang lahat ng pagkukulang sayo para sa Ate mo. Patawad anak," bulong ko habang umiiyak.

Nahagip ng mga mata ko ang napakaraming tao sa baba ng kaharian. Oras na.

__________________________________________________________

I wanna hear your thoughts.

Tweet me: Engr. Lara (@royxlara)

Princess IsabelleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora