Kabanata 21

1.8K 53 1
                                    

Gabriel's Point of View

Nagulat ako nang makita ko siya rito sa taas ng kaharian. Tahimik siyang nakaupo sa pew bench na napapaligiran ng mga halaman habang taimtim na nakapikit.


Naglakad ako papalapit sa kaniya at tinawag ang kaniyang pangalan.



"Isabelle," tawag ko sa kaniya.



Iminulat niya ang kaniyang mga mata at gulat na napatingin sa akin. Ang kaniyang mga maamong mata kanina ay naging matapang ngayon.



"Anong ginagawa mo rito?" mataray niyang tanong sa akin. Narito na naman siya.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" pabalik kong tanong sa kaniya at tumawa nang bahagya.

"Kailan pa sinagot ng tanong ang isa pang tanong?" tanong niya sa akin. Sandali, narinig ko na ito.

"Ngayon lang. Tumabi ka nga, gusto ko ring umupo," saad ko.

"Ayaw ko nga. Ako ang nauna rito kaya diyan ka sa sahig maupo," paliwanag niya at sinundan niya ito ng kaniyang tawa. Napangiti ako nang bahagya nang marinig ko ang mga halakhak niya.

"Ayaw mo talaga?" pag-uulit ko ng tanong sa kaniya habang nakahawak ang aking dalawang kamay sa aking baywang at mariin siyang tinitingnan. Sumingkit ang mga mata ko.

"Non-negotiable," taas-kilay niyang pahayag.

"Isa," pagbabanta ko sa kaniya.

"I'm scared," sarkastiko niyang pahayag.

"Dalawa," dugtong ko.

"Try harder, Gabriel," pangungutya niya. Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Tatlo," pagtatapos ko ng aking bilang.



Mas lalo niyang itinaas ang kaniyang kilay.



"You just defied my authority as a prince, young lady. And for that, you have to be punished," pagbabanta ko sa kaniya at sumilay sa mga labi ko ang isang ngisi. "Severely," dugtong ko.



Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang hindi ko inaalis ang aking mga titig sa mga mata niya. Gusto kong ipaalam sa kaniya na bawal ang hindi sumunod sa batas ko.



"Anong gagawin mo?" tanong niya. Mas lalo kong ipinakita sa kaniya ang mga ngiti kong makahulugan.

"You're gonna like it," halos pabulong kong pahayag.



Nagulat siya nang bigla akong lumapit sa kaniya at ubod lakas siyang kiniliti. Kita ko kung paano maging flexible ang buo niyang katawan sa pag-iiba ng posisyon dahil sa pangingiliti ko.



"Ano ba, Gabriel! Stop it!" utos niya sa akin. Mas lalo akong napangiti nang marinig ko ang malalakas niyang tawa. Rinig yata iyon hanggang sa ibaba ng kaharian dahil sa lakas nito.

"I'm not gonna stop it until you say you want me to sit beside you," utos ko sa kaniya. Ganiyan nga. I have my rules.

"Never!" sigaw niya habang patuloy ang kaniyang pagtawa.

"Eh 'di never din!" tugon ko at mas ginalingan ang pagkiliti sa kaniya.

"Ayaw ko na!" angal niya pero hindi ako tumigil sa ginagawa ko sa kaniya.

"Say it and you're free," saad ko.

"Oo na! Tumabi ka na sa akin Gabriel, please!" bulyaw niya sa akin kaya't napatakip ako sa tainga ko. She's so loud. Malalim na ang gabi. Tinigil ko na ang pagkiliti sa kaniya.

Princess IsabelleWhere stories live. Discover now