Princess Isabelle: Epilogo

2.9K 52 33
                                    

Gabriel's Point of View

(Recommended Song: Beautiful In White by Westlife)

Hindi ko mapigilan ang aking mga ngiti maging ang pagbuhos ng aking mga luha habang pinapanood ko kung paano siya unti-unting naglalakad papalapit sa akin. Sa bawat ngiti niya at sa bawat hakbang ng kaniyang mga paa papalapit sa akin ay siya ring tibok ng aking puso. Hindi ko ito mapigilan. Napakaganda niya.

Hindi ko akalain na darating ang araw na ito, na darating kami sa puntong ganito. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa ay hindi ko lubos maisip na nandito na kami ngayon, nakangiti at minamahal ang isa't isa. Bumabalik sa akin ang lahat ng mga alaala naming dalawa.

Ang sarap balikan ng mga araw na inis na inis ako sa kaniya. Sa mga araw na palagi niya akong kinukulit. Sa mga araw kong lagi niyang sinisira. Hindi ko siya dati gusto pero hindi ko akalain na magugustuhan ko rin siya nang paunti-unti. Siya iyong palaging sumisira ng mga araw ko pero hindi ko namalayan na siya na pala ang bumubuo nito ngayon. Hindi ko lubos akalain na matututuhan ko siyang mahalin.

Umiiyak siya ngayon habang nakangiti at dahan-dahang naglalakad patungo sa akin. Hindi ko rin mapigilan ang mga luha kong nag-uunahan sa pagbagsak dahil sa nag-uumapaw na saya, kilig at kapanatagan dahil simula ngayong araw, magiging isa na kami ng babaeng mahal na mahal ko.

Pinapangako ko na magkasama naming haharapin ang mga pagsubok ng buhay. Hahawakan ko ang kaniyang mga kamay at hindi kailanman bibitawan. Mamahalin ko siya nang lubos, walang kondisyon at walang hangganan.

Hinawakan ko ang malambot niyang mga kamay. Humarap siya sa akin kaya nakita ko muli ang mapupungay niyang mga mata at mga luhang bumabagsak mula rito. Pinunasan ko ang mga ito at ngumiti sa kaniya. Muli siyang ngumiti sa akin.

"Mahal na mahal kita, Gabriel," saad niya. Napangiti ako sa sinabi niya at iba ang epekto ng mga salita niya sa akin. Pinapatalon nito ang aking puso.

"Mahal na mahal din kita, Cassandra," pahayag ko at muling ngumiti sa kaniya.

Hindi ko lubos maisip na magiging ganito ako kasaya sa piling ni Cassandra dahil ipinagkasundo lang siyang ipakasal sa akin ni Dad. Ayaw ko sa kaniya noong umpisa, pero hindi ko alam kung bakit unti-unti na lang akong nahuhulog sa kaniya.

Siguro, ganoon talaga ang pag-ibig. Sabi nga nila, natuturuan daw ang puso na magmahal. Matututuhan mo na lang mahalin ang isang tao sa paglipas ng panahon at iyon siguro ang nangyari sa akin. Natutuhan kong mahalin si Cassandra nang higit pa sa kaya at inaakala ko.

Habang nakatitig ako sa mapupungay niyang mga mata ay unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kaniya at ganoon din ang ginawa niya. Pumikit ako at naramdaman ko ang malambot niyang labi na dumampi sa aking labi. Pinagsaluhan naming dalawa ang init ng aming mga halik. Kakaibang pakiramdam ang dala ng kaniyang mga halik na tila ba may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan. Binuhay nito ang aking buong sistema.

Kumalas ako sa matamis naming halik at ngumiti sa kaniya. Masayang-masaya ako dahil sa kaniya ko natagpuan ang tunay na pagmamahal. Masaya ako dahil siya pala ang babaeng pipiliin kong makasama habambuhay. Siya ang babaeng hindi ko pagsasawaang mahalin at patuloy na pipiliin.

"Hail the new King and Queen of Eastern Kingdom!" malakas na sigaw ng mga tao sa aming kasal at nagpalakpakan silang lahat. Humarap kami sa kanila at binigyan sila nang nag-uumapaw na mga ngiti.

"Mabuhay si King Ian Gabriel Greywood at Queen Bria Cassandra Greywood!" sigaw nilang lahat. "Mabuhay!" pahabol nila.

Napangiti ako sa kanilang lahat. Masayang-masaya sila at makikita mo ito sa kanilang mga mata. Napatingin ako kina Mom at Dad na nakangiti sa akin. Pareho kaming bumaba ni Cassandra at pumunta sa mga tao.

Princess IsabelleWhere stories live. Discover now