Chapter 34

1.5K 36 0
                                    

Chapter 34

Isabelle's Point of View

Ilang araw na rin ang nakakalipas magmula ng magising ako. Hindi maganda ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Simula ng magising ako, nagsimula na akong managinip ng mga kung ano-ano. Binabagabag din ako ng mga ingay na na naririnig ko sa aking ulo. Nababaling na rin ang lahat ng atensyon ko sa mga iniisip ko at nawawala na ang focus ko sa mga plano ko. Hindi dapat malihis ng landas ang lahat ng gagawin kong mga plano. Masyado na akong nagiging masaya at nakakalimutan ko na ang mga dapat kong gawin. Nagiging malambot na rin ang puso ko kaya kailangan kong hindi magpa-apekto sa kanila.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit nawala na parang bula ang mga sugat ko noong nakaraang araw. Naging asul na asul daw ang aking mga mata at humilom ang mga sugat ko ng kusa. Matapos ang ilang araw na pagpapahinga ko ay naging okay na ang pakiramdam ko. Wala pa rin akong ideya kung sino ang taong pumana sa akin. Kinakalaban niya ba ako? Pwes, nagkakamali siya ng kinalaban. Ako ata ang Dark Princess.

Nandito na kami ngayon sa Eastern Kingdom. Lumipad kami papunta dito dalawang araw na ang nakakaraan. Nandito kami para ipagpatuloy ang elemental training namin para sa nalalapit na Elemental Quest Tournament. Kailangan kong manalo. Kailangan kong maacquire ang ultimate power ko para maging handa sa magiging laban.

Naguguluhan rin ako ngayon dahil matapos kung gumaling ay naging malapit na sa akin si Nigel. Halos araw-araw ay sinasamahan niya ako kahit saan ako magpunta. Halos araw-araw ay nasa tabi ko siya. Masyado na rin akong napapalapit sa kaniya. Kailangan kong pigilan ang pagiging malapit ko kay Nigel dahil isa siya sa mga pwedeng maging sagabal sa mga plano ko. Naiinis din ako kay Gabriel dahil simula ng gumaling ako ay lalo na niya akong nilalapitan at iniinis. Lagi ko siyang nakikita kahit saan ako magpunta. Napapalapit na rin ako sa kaniya at ganun din siya sa akin. Magiging sagabal rin siya sa mga mga plano ko.

Kailangan kong tuparin ang mga panagako ko kay Dad at sa aming kaharian. Kailangang magtagumpay ako sa mga plano ko. Kailangan kong makuha ang kailangan ko. Ako na lang ang inaasahan nila. Ako ang inaasahan nilang magbibigay ng hustisya para sa nangyari sa aming kaharian. Kailangan kong maging matatag lalo na ngayon na binabagabag ang isip ko ng mga napapanaginipan ko at nakikita ko sa tuwing sumasakit ang ulo ko. Kailangan ko ring mapigilan ang sarili at puso ko na maging malambot dahil siguradong magagamit nila iyon laban sa akin at yun ang ikakabagsak ko.

Tama si Athan, nagiging malambot na ako nitong mga nakaraang araw. Nagiging malapit na ako sa kanila, kaya ngayon palang, kailangan ko nang putulin ang lahat ng nararamdaman ko sa kanila. Tama si Athan, mga kalaban sila at hindi dapat pagkatiwalaan.

Simula ngayon, magsisimula na ang totoong laban. Kung kinakailangang patayin ko kayong lahat para maisakatuparan ang mga plano ko, gagawin ko. Hindi ako magdadalawang-isip na hindi yun gawin. Walang makakapigil sa akin. Konti na lang ang natitirang oras sa akin at kailangan ko nang kumilos ng mabilis.

Nakaupo ako ngayon malapit sa isang lake habang pinapanood ang isang perfect sunset na tanaw mula dito. Papalubog na ang araw kaya malamig na ang simoy ng hangin at malapit na ring dumilim. Sumasayaw naman ang matataas na damo sa hampas ng hangin. Nililipad din nito ang aking mga nakalugay na buhok. Nakaupo ako at nakatitig lang sa sunset. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko ang pakiramdam kapag nakakakita ng sunset. Nakakapagpagaan ito ng nararamdaman ko.

Nagsimula na akong mabored kaya itinaas ko na lang ang mga kamay ko at pinagalaw ang tubig sa lake ng hindi hinahawakan. Masaya ako dahil marunong na akong magkontrol ng kapangyarihan ko.

Patuloy kong pinapagalaw ang tubig sa lake. Natigil ako at napalingon sa aking likuran ng may marinig akong kaluskos mula sa mga damo. Nahirapan akong tingnan ang nasa likuran ng mga damo dahil gabi na pero sapat ang liwanag ng buwan para malaman ko na may tao.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon