Kabanata XX

2K 49 1
                                    

Gabriel's Point of View

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon nang mabilis sa kahabaan ng corridor. Papunta ako ngayon sa kwarto ni Cassandra para pagsabihan siya sa ginawa niya kanina. Pagdating na pagdating ko sa tapat ng kaniyang kwarto ay kaagad akong kumatok.

Sunod-sunod na katok ang ginawa ko sa pinto ng kaniyang kwarto. Halos gibain ko na ito dahil sa malakas kong pagkatok. Hindi ako tumitigil hangga't hindi niyo iyon binubuksan.


"What?!" singhal niyang tanong sa akin nang buksan niya ang pintuan.


Hindi ko siya pinansin sa halip ay pumasok kaagad ako sa loob ng kaniyang kwarto. Hinarap ko siya.


"Anong eskandalo ang ginawa mo kanina?" inis kong tanong sa kaniya.

"Ngayon, ako pa ang nag-eskandalo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin sabay turo sa kaniyang sarili.

"Ano sa tingin mo? Cassandra, siguro may isip ka naman. Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo? Nang-ayaw ka sa harap ng maraming tao," sermon ko sa kaniya.

"Ako pa ngayon ang may kasalanan? Ako pa ngayon ang dapat na mahiya? Seriously, Gabriel? Sisihin mo 'yong malanding Isabelle na 'yon na lapit nang lapit sa'yo!" bulyaw niya sa akin.

"Dahil lang doon, Cassandra? Dahil lang doon na magkasabay kami sa paglalakad ni Isabelle kaya mo na siya inaway? Mag-isip ka nga," inis kong pahayag at bahagya akong napatalikod sa kaniya.

"Hindi 'lang' iyon para sa akin, Gabriel. Siguro wala lang iyon para sa'yo pero hindi 'lang' iyon para sa akin. Nagseselos ako! Naiintindihan mo ba iyon, ha? Nagseselos ako!" sigaw niya. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha niya.


Hindi ako naka-imik ng ilang segundo dahil sa nangyari. Nakaramdam ako ng guilt. Umiiyak siya ngayon sa harapan ko.


"Nagseselos ako, Gabriel! Nagseselos ako sa haliparot na Isabelle na 'yan!" dugtong niya habang patuloy ang kaniyang pag-iyak.

"Bakit ka pa magseselos, ha? Ano pa bang dahilan para magselos ka? Ikaw na ang ipapakasal sa akin. Ikaw na! Hindi pa ba sapat iyon para sa'yo. Naiintindihan mo ba iyon?" sigaw ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para sigawan siya. I just feel so controlled. Nasasakal ako.

"Natatakot ako, Gabriel. Natatakot ako kasi baka tuluyan ka nang mawala sa akin. Naiintindihan mo ba iyon, ha?" tanong niya. Pinunas niya ang ilang luhang tumakas sa mga mata niya.

"Sapat ba iyong dahilan para saktan mo 'yong tao? Walang ginagawang masama sa'yo si Isabelle," paliwanag ko sa kaniya.

"So ano ngayon? Kinakampihan mo ngayon ang malanding Isabelle na 'yon kaysa sa akin?" tanong niya sa akin.

"Can you stop name-calling her?" naiinis kong pahayag.

"No," madiin niyang pahayag.

"Isipin mo nga ang iisipin sa'yo ng ibang tao. Tandaan mo, isa kang prinsesa Cassandra. Marunong ka dapat makisama at maging mapagkumbaba. Ano na lang sasabihin sa'yo ng ibang tao sa ginawa mo?" tanong ko sa kaniya.

"Wala akong pakialam sa iisipin o sasabihin nila. At tigilan mo na rin ang pakikipagkita kay Isabelle," utos niya sa akin. Napatawa ako dahil sa sinabi niya.

"And who are you to tell me who should I be with? Hindi pa tayo kasal, tandaan mo 'yan. Wala kang karapatan pigilan ako sa mga bagay na gusto kong gawin," bulong ko sa kaniya. Napa-igting din ang panga ko dahil sa sinabi niya.


Tiningnan ko siya nang matalim bago tumalikod sa kaniya.


"Akin ka lang, Gabriel. Akin ka lang," saad niya kaya't napahinto ako sa paglalakad. Mas nag-igting ang panga ko dahil sa sinabi niya.


Princess IsabelleWhere stories live. Discover now