Chapter 24

2.1K 48 1
                                    


Chapter 24

Namangha talaga ako pagkababa ko ng carriage dahil sa ganda at laki ng Southern Castle. Mas malaki pa ito sa school namin kaya lalo akong namangha. Napansin ko na nagsimula nang magbabaan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga carriage at makikita sa mga mata nila ang pagkamangha sa nakikita nilang napakagandang kaharian sa harapan nila.

Mula dito sa labas ng kaharian, makikita mo na ang nagkikintabang mga pader ng kaharian. Ang tataas din ng mga buildings at tore sa loob. Napakalaki din ng gate nito. Ang Southern Castle kung saan nakatira ang pamilya ni Prince Nigel ay nakatayo sa gitnang bahagi ng Southern Kingdom. Ang Southern Village naman ay nasa palibot ng Southern Kingdom kung saan naman nakatira ang mga ordinaryong tao. Mula dito sa kinatatayuan ko, makikita mo ang mga kabahayan at yun na ang Southern Village.

Natigil ako sa pagmamasid ng tawagin ni Prince Nigel ang pangalan ko na nasa tabi ko lang.

"Hey Isabelle. Let's go?" Tanong niya sa akin habang itinuturo niya ang daan gamit ang palad niya. Niyaya na rin niya sina Ariana at Zoe na pumasok na sa loob. Ang ibang estudyante ay naglalakad na papasok at sinusundan nila si Headmistress at ang iba pang proffesors.

Nagsimula naman na kaming maglakad nina Ariana, Zoe, at Prince Nigel. Pumasok na kami sa gate at bumungad sa amin ang napakalawak na green na ground at natatanaw namin mula dito ang malaking pintuan na may maraming steps ng hagdan na parang papasok na ng kaharian.

Napatigil kami sa paglalakad ng biglang tumigil ang ibang estudyante. Humarap si Headmistress sa aming lahat. Marami kami ngayon dahil lahat ng estudyante ay kasama.

"Bago tayo pumasok sa kaharian, ipapaalala ko sa inyo na kailangan niyong batiin si King Maximus at Queen Matilda bilang pagrespeto natin sa kanila sa pagpapatuloy nila na pumasok tayo sa kanilang kaharian at wag kayong gagawa ng ikagagalit nila." Paalala ni Headmistress sa amin bago kami pumasok. Nandito kami ngayon sa green ground na enough ang space para sa amin.

"By the way, nasaan si Prince Louis Nigel at Prince Ace Austin?" Tanong ni Headmistress sa amin at hinahanap si Prince Nigel at Prince Ace Austin, daw? Ewan.

"Isabelle, I'll be back later. I just need to do some important stuff but I'll be back." Paalam ni Prince Nigel sa akin at kina Ariana at Zoe. Tumango naman ako at ganun din sina Ariana.

Umalis na si Prince Nigel at pumunta na sa may unahan at may isang lalaki din na pumunta sa unahan. Gwapo din siya pero mas lamang ng konti lang naman si Prince Nigel. Magkamukha sila. Kapatid kaya ito ni Prince Nigel? Pero wala naman nakukwento si Prince Nigel na kapatid niya.

"Uy, kapatid ba yan ni Prince Nigel?" Tanong ko sa mga katabi ko.

"Hindi mo alam. Yes, siya si Prince Ace Austin Edwards. Bunsong kapatid ni Prince Nigel. Dalawa lang silang magkapatid at pareho pa silang lalaki. Hindi ba sayo nakuwento ni Prince Nigel? Dapat alam mo yan kasi mga prinsipe sila sa Majika." Sabi ni Zoe sa akin habang nakatingin sa unahan.

"Sorry naman, hindi ko alam tapos wala naman akong paki sa mga ganiyan." Sabi ko sa kaniya at ibinalik ko ang tingin ko sa unahan.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa kaharian at nauunang maglakad sina Prince Nigel at yung kapatid niya. Nauuna din si Headmistress at mga professors habang kami ay nakasunod lang sa kanila.

Bumukas na ang pintuan at bumungad sa amin ang napakalaking Assembly Hall ng kaharian na kulay pula. Napakalaki nito at sobrang ganda. Ang lalaki ng mga chandeliers kaya ang liwanag sa loob tapos ang tataas ng mgaa pader. May mga paintings dito na nakasabit. May portrait dito ng pamilya nina Prince Nigel.

Princess IsabelleWo Geschichten leben. Entdecke jetzt