Chapter 46

1.1K 26 1
                                    

Chapter 46

Isabelle's Point of View

"Isabelle, hindi ka ba bababa?" Parang wala akong narinig sa mga sinabi ni Zoe at nanatili lang akong nakahiga sa kama ko at tulala habang tinatanaw ang tanawin sa labas ng bintana. Nakatalikod ako sa kanila at naramdaman ko na umupo silang dalawa sa kabilang gilid ng kama. Niyakap ko ng mabuti ang unan na nasa may gilid ko.

"Isabelle, hindi pwedeng lagi ka na lang ganyan." Mahinang sabi ni Ariana pero sapat lang iyon para marinig ko ang sinabi niya. Mas niyakap ko ng mahigpit ang unan na yakap-yakap ko ngayon.

"Ayaw kong bumaba." Tipid kong sabi sa kanila at iniiwasan na mabasag ang aking boses. Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga nilang dalawa. Ipinikit ko naman ang mga mata ko at pinilit na hindi maiyak.

"Isabelle, alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin." Narinig kong sabi ni Zoe at kinapitan ako sa balikat. Pinipigil ko naman na hindi umiyak kahit parang sasabog na ang puso sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Lungkot, takot, galit, pero ang malaking parte ng nararamdaman ko ngayon ay ang kawalan ng pag-asa...pag-asang magiging masaya pa ako katulad ng dati.

"Ilang araw ka nang ganyan Isabelle. Hindi ka na lumalabas dito, hindi ka na kumakain ng maayos. Kung hindi ka pa namin pilitin at dalhan dito ng pagkain sa kwarto, hindi ka pa kakain at napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. Ilang araw ka nang absent sa mga trainings natin." Malungkot na saad ni Ariana sa may likod ko. Hindi ko naman na napigilang tumulo ang mga luha ko na pinipigil ko kanina pa.

"Hindi ka yan Isabelle. Hindi yan yung Isabelle na kilala namin. Ang Isabelle na kilala namin ay matapang at matatag. Hindi yung Isabelle na umiiyak, mahina at...ganyan." Malungkot na sabi ni Zoe na parang sinabi niya ang mga bagay na yun para bumalik ako sa dati. Ako na dating malakas, hindi nagpapatalo at hindi nagiging mahina pero, mahirap nang bumalik sa dati lalo na't mas malakas ang puso ko kesa sa utak ko. Nagiging mahina ako dahil sa puso ko. Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko habang yakap-yakap ko ang unan sa may harapan ko.

"Isabelle..." Tawag nila sa akin pero hindi ko sila nilingon o kaya'y sinagot. Nanatili akong nakatalikod sa kanila habang pinipigilan kong marinig muli nila ang mga iyak ko na hindi na natapos na para bang gripo ng mga luha ang mga mata ko.

"Alam kong kailangan mo ulit mapag-isa Isabelle. Naiintindihan ko kung hindi mo pa kaya pero sana, bumalik ka na sa dati." Rinig kong sabi ni Ariana at narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto namin at pagsara nito. Naramdaman ko na lang na mag-isa na naman ako. Bumuhos na ng tuluyan ang mga luha ko at hindi ko na napigilan ang ingay ng pag-iyak ko.

Sobrang sakit. Sinasahod naman ng unan na hawak-hawak ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Tumayo ako sa kama at dumungaw sa bintana ng aking kwarto. Humampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas na nagpapalipad sa mga hibla ng buhok ko na ngayon ay bagsak na naman. Tinutuyo din ng malamig na hangin ang mga basang pisngi ko. Pinagmasdan ko ang ganda sa labas at ang lumulubog na araw na tanaw ng bahagya mula dito. Napabuntong-hininga ako at muling tumulo ang mga luha. Naaalala ko na naman si Gabriel.

Naaalala ko sa kanya ang paglubog ng araw dahil siya ang nagsabi sa akin ng ibig sabihin ng sunset. Sunset means endings can be beautiful too. Pero hindi ko alam kung magiging masaya ang huling kabanata namin ni Gabriel. Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko sa mata at maalis lahat ng sakit sa puso ko. Magmula nang gabing iyon ay parang nawala na ang lahat. Natapos na ang kasiyahan ko. Para bang kinuha ng mundo ang lahat sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero yun ang nararamdaman ko.

Ilang araw na rin akong umiiyak. Ilang araw na akong hindi makakain ng ayos at kahit ang mga trainings namin ay hindi na ako sumisipot. Hindi ko kasi kaya, hindi ko kayang makita...sila. Muli na namang lumabas mula sa loob ko ang ingay ng mga hikbi ko na ang hangin at ako lang ang nakakarinig ngayon.

Princess IsabelleWhere stories live. Discover now