Chapter 31

1.4K 37 1
                                    

Chapter 31

Author's Note: Before anything else, I recommend you guys to please play the music on the multimedia section para mas feel niyo ang eksena. Ang tinutugtog ni Isabelle ay violin cover ng Your Love (Dolce Amore OST). Pakiplay yun habang binabasa niyo para mas dama niyo ang eksena. Much better if magheheadset kayo. Thank you so much and enjoy reading!

Gabriel's Point of View

Nagulat ako ng makita ang isang babaeng nakaupo sa isang bato at nakatalikod sa akin at tinutugtog ang musikang nagpaibig sa akin sa unang pagkakataon. Nakatalikod siya at tinutugtog ang isang pamilyar na musika para sa akin. Isang napakaespesyal na musika para sa aming dalawa.

Unti-unti akong naglalakad papalapit sa kaniya. Patuloy niyang tinutugtog ang musikang ilang taon ko nang hindi naririnig pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. Ang tugtog na nagpatibok sa puso ko nang tugtugin siya ng babaeng bumihag sa akin puso. Hindi ako makapagsalita. Patuloy ko lang pinapakinggan ang pagtugtog niya habang ako ay nasa likuran niya at nakatulala.

Nagulat ako ng bigla niyang tinigil ang pagtugtog at humarap sa likuran niya kaya nakita niya ako na nakatingin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin ng may pagtataray habang hawak hawak pa rin niya ang violin at ang bow na ginamit niya sa pagtugtog.

Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo at tulala pa rin ako kaya binigyan niya ako ng mukha-kang-tanga look. Natauhan naman ako ng bigla siyang tumalikod at binalik ang tingin sa mga puno. Naglakad ako at tumabi sa batong inuupuan niya.

"Saan mo natutunang tugtugin ang musika na yan?" Tanong ko sa kaniya ng may pagtataka.

"Bakit mo tinatanong?" Sagot na tanong niya sa akin habang nilalaro niya ang bow na hawak niya.

"Saan mo nga natutunan? Sabihin mo dali na." Pangungulit ko sa kaniya.

Oo, si Isabelle ang nasa tabi ko ngayon. Siya nag babaeng tumutugtog ng isang napakapamilyar at napakaespesyal na musika para sa akin.

"Secret! Tapos bakit ka ba tanong ng tanong? Ah alam ko na! Nagalingan ka sa akin nuh?" Sabi niya sa akin habang tumatawa tapos parang ewan na nagyayabang sa tabi ko.

"Hindi ako nagalingan sayo nuh. Mas magaling ako sayo. Kaya ko rin kaya yun." Sabi ko ng may pagmamayabang sa kaniya.

"Owss? Sige nga. Eh wala ka namang violin na dala eh." Sabi niya sa akin.

"Eh di yang violin mo." Sabi ko sa kaniya na kaniya namang ikinataas ng kilay.

"Duh! No way! Baka masira pa ang violin ko. Hindi ko nga alam kung marunong kang gumamit nito, baka sirain mo lang. Kaya no no no!" Sabi niya ng may pagtataray. Kailan kaya siya hindi magiging mataray eh nuh? Kailangan sa tingin niyo? Ano? Sagot!

"Arte naman nito. Hoy, hindi ko sisirain ang violin mo at marunong akong tumugtog ng violin. Baka nga mas magaling pa ako sayo eh. Meron akong sariling violin kaya wag kang ano diyan." Sabi ko sa kaniya.

"Eh asan ang violin mo?" Tanong niya sa akin na parang hinahamon ako.

"Nasa kwarto ko. Gusto mong kunin ko? Sige, diyan ka lang ha. Kukunin ko lang at ipapakita ko ang galing ko sa pagtugtog ng violin." Sabi ko sa kaniya sabay kindat. Tumakbo naman ako pabalik sa kwarto at kinuha ang violin na bigay sa akin ni Dad nung bata pa ako. Hindi naman ako pinansin nina Ezekiel at Calvin na busy pa ring magbasa hanggang ngayon . Bumalik ako kaagad sa garden kung nasaan si Isabelle kasi baka mainip yun at iwan ako.

"Oh ito na! Paano ba yan?" Sabi ko sa kaniya sabay pakita sa kaniya ang violin ko.

"Eh di ipakita mo na." Sabi niya sa akin na parang naiinip. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon