Chapter 13

2.2K 64 1
                                    

Chapter 13

After ng nakakaboring na subject, sa wakas lunch na. Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na sa room kasama sina Ariana at Zoe. Nakita ko din si Gabriel na papalabas na ng room kaya binilisan ko ang paglalakad ko at tinabig ang balikat niya at nilagpasan. Huh, anong akala niya? Papatalo ako sa kanya? No way! Over my gorgeous, sexy body. NEVER!

Tumingin ako sa likod at nakita ko ang talim ng tingin niya sa akin. He deserves that! Pinikon niya ako kanina. Bumaba na kami nina Zoe sa Dining Hall at kumain na. Umupo na kami para kumain pero nahalata ko na lahat ng mata sa Assembly Hall ay nakatingin sa amin.

"Can I join?"

Nagulat ako nang sumulpot si Nigel sa likod namin. Hindi pala sa amin nakatingin ang mga mata dito kundi sa lalakeng sumulpot sa likod ko. Para naman siyang kabuteng basta-basta na lang sumsulpot.

"Sure Prince Nigel!" Sabi ni Ariana.

"Oh thank you! Saan ako uupo?" Tanong ni Nigel.

"Diyan ka na lang Prince Nigel sa tabi ni Isabelle since may space pa naman, di ba Isabelle? sSabi ni Ariana.

"Is it okay to you, Isabelle? Tanong ni Nigel.

Alangan naman na tumanggi pa ako. Nakatingin sa amin ang halos lahat ng kumakain kaya nakakahiya naman kung irerejec ko pa si Prince Nigel. May nagbubulungan pa. Tapos, chochoosy pa ba ako? Si Prince Nigel na ang uupo sa tabi ko syempre, di na ako magpapatumpik-tumpik pa.

"Oh sure Prince Nigel." Sabi ko.

Umupo na si Nigel sa tabi ko. Parang mga bulateng inasinan naman sina Ariana at Zoe.

"Anong mga kaartehan yan?" Tanong ko sa kanila.

"Ang alin? Wala naman ah." Inosente nilang sagot.

"Talo niyo pa ang mga bulateng inasinan sa inyo." Sabi ko.

"Kumain ka na nga lang diyan, Isabelle." Sabi ni Zoe.

Pinandilatan ko sila at sila naman ay ngumingiti ng nakakaloko at parang nang-aasar. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko since gutom na rin ako.

"Isabelle, do you like this?" Tanong ni Nigel sa akin sabay turo dun sa dish na nasa harapan namin ngayon..

"No, but thank you Prince Nigel." Sagot ko.

"How about this?" Tanong niya ulit sa akin sabay turo naman dun sa isang dish na nasa may kanan niya. Nakaupo siya sa tabi ko sa may kanan ko din.

"Okay na 'to Prince Nigel. Busog na rin ako." Sabi ko.

"Grabe ka. I insist. You must try this." Sabi niya at kumuha siya at inilagay sa plato ko.

"Ahhh, ang sweet!" Pang-aasar nina Zoee.

"Yan! Kainin mo yan Isabelle para may energy ka mamaya sa training." Sabi ni Prince Nigel.

"Thank you Prince Nigel!" Sabi ko at nginitian ko siya and he smiles back.

Pinandilatan ko sina Zoe at Ariana ng mata kasi hindi sila tumitigil. Namumula na ako kashi nemern, nacoconcious ako kay Nigel. Enebe Nigel, ginugutom mo ako. Di ako makakain dahil sayo. Nahagip ng mga mata ko si Gabriel na nakatingin sa direksyon namim. Anong problema nito?

"I think we should go. Malapit nang magtime." Sabi ni Nigel.

"Sa tingin ko rin. Tara na!" Sabi ko.

Tumayo na kami sa upuan namin. Pinauna ko sa paglalakad si Nigel at kinurot ko ng sobra sina Zoe at Ariana dahil sa pang-aasar nila sa akin.

"Nakakainis kayo kanina!" Bulong ko ng pasigaw. (Merong ganun.)

Princess IsabelleWhere stories live. Discover now