2 - First day of school

7.2K 170 2
                                    

Kring!
Kring!
Kring!

Rinig kong tunog ng aking alarm clock.
Haaaays anong oras na ba? Kainis naman oh. Inaantok pa ako e. Kinusot kusot ko ang aking mata at nag unat unat ng katawan

Tiningnan ko ang aking orasan.

5:38 a.m

Tamang tama pala ang gising ko. 7:00 a.m pa ang pasok sa school e.

Pumunta ako sa cr at isa-isa ko ng hinubad ang mga suot ko.  Pag ka hubad ko ay nagbuhos ako gamit ang tabo.

Sorry ha! Mahirap lang kami kaya tabo lang. Wala kaming shower!

'Ay pukineneng! Ang lamig ng tubig' bulong ko sa aking sarili. Pag ka tapos kong maligo ay nag punas na ako ng aking katawan. Kinuha ko ang aking panty ay este brief na pink at sinuot iyon. Sinuot ko na din ang bagong biling school uniform.

Pumunta ako sa kusina para kumain. At nakita ko si nanay na may ginagawa.

Nag babate siya. Nag babate. Nag babate siya ng paborito kong itlog. Umupo na ako sa lamesa upang intayin ang nilulutong scrambled egg ni nanay

Ilang minuto pa ay pumunta na si nanay sa lamesa at inilapag duon ang pagkain.

"Eto anak. Kumain ka ng madami" wika ni inay. Sumandok naman agad ako ng kanin. Grabe takam na takam na ako sa itlog na luto ni nanay. Kumain ako hanggang sa ako'y mabusog

"Tapos na po ako nay. Mag tootooth brush lang po ako" sabi ko at nag tungo na ako sa kusina upang mag sipilyo. Pag katapos ko mag sipilyo ay bumalik na ako sa kusina at nakita ko si nanay na inaayos na ang lamesa

"Mauna na po ako nay. Babye! Ilove you!" Wika ko sabay halik sa noo ni nanay.

Nag lakad ako papuntang sakayan ng jeep. At sa kabutihang palad ay nakasakay naman agad ako.

Ilang minuto ang lumipas sa byahe at napatingin ako sa wrist watch ko

6:43 a.m

Tamang tama lang pala dahil andito nadin ako sa school. Bumaba ako ng jeep at lumakad na papunta sa paaralan.

(Nag bayad ako! Hindi lang siguro ulit naisulat ni author!)

Tumigil ako sa harapan ng paaralan at nag isip.

Sa wakas ay makakapasok na din ako sa inaasam asam kong paaralan.

Dumiretso na ako sa loob ng paaralan.
Madami akong nakitang tao. Andaming lalake. Pero madami din ang babae at halata sa kanila na mayayaman sila

Andaming gwapooo! Pero andami din na mukang paa. Charot!

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang flag ceremony sa quadrangle.
Nakahanay ako ngayon sa pila ng mga grade 10.

Biglang may babaeng tumaas sa stage. Ay! Si Mrs. Principal pala iyon.

"Goodmorning to all of the students here at Montegrado Highschool. I am Mrs. Veronica Smith, the principal of this school. Welcome to all of you. First of all i want to thank all of you because you chose to be a student here at MNHS. Second, please follow the rules and regulations of this school. Third is obey your teacher. Lastly is stay kind, smart, neat and unique. And by the way for all the Scholar's here at my school, be sure to maintain your high grades. Thats all thank you" paliwanag ni Mrs. Principal or should i say paliwanag ni Mrs. Smith

Pag kababa ni Mrs. Smith sa stage ay biglang tumunog ang speaker. Nag kantahan naman ang mga estudyante. Siguro ito yung school song nila. Sosyal! Sa dati kong paaralan walang ganern ganern. May mangilan ngilan din na hindi kumakanta. Siguro ay bago lang din sila sa school na ito kagaya ko.

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now