18 - Brothers

3.5K 135 14
                                    

Dedicated to : HIMAUTO 😊

LOUIE POV

"Renz!?" Gulat na sigaw ko ng makita ko na ang kasama ni Franz na pumasok ng pinto ay si Renz

"Louie!?" Halatang gulat na sigaw din ni Renz ng mapatingin siya sa gawi ko

"Magkakilala kayo?" Tanong naman ni Franz

"Oo" - Renz
"Oo" - Ako

"Pano kayo nag kakilala?" Biglang tanong naman ni Franz

"A..e...ano kasi...." nakooo ayoko naman ikwento yung una naming pagkikita ni Renz. Yung kamuntikan niya na akong mapa-rape argh!

"Ah nung first day kase tinanong niya ako kung pwede niya akong maging kaibigan diba?" sabat naman ni Renz. Ang kapal talaga neto. Hindi ko nga siya kinakausap nung first day e tapos sinabi niya pa na gusto kong makipag kaibigan sakanya

"Ah oo ayun nga!" Sagot ko nalang kahit labag sa loob ko

"Ah okay" sambit naman ni Franz na halatang napaniwala ni Renz. Or namin pala

"Teka bakit ka nga pala nandito?" Tanong sakin ni Renz

"Ah kase tutor ako ni Franz"

"Hoy Franz, bat di mo sinabi sakin na may tutor ka pala?" ma-otoridad na pagkakasabi ni Renz

"Teka kailangan mo pa ba malaman na may tutor ako?" Takang tanong ni Franz

"Aba syempre kuya mo ako e"

"MAGKAPATID KAYO!?" gulat na tanong ko. Hindi ko kasi akalain na mag kapatid sila.

"Oo. Bakit parang nagulat ka?" Natatawang tanong ni Franz

Hindi ko talaga kasi akalain na mag kapatid pala sila. Ibang iba kasi sila ng ugali e. Si Franz ay mabait samantala si Renz ay JUSKO!

"Ah wala hehe" di ko nalang sinabi na magkaibang magkaiba sila

"Sige una na ako. Bye bro" sabi ni Renz at tsaka sila nag fist bump ni Franz "Bye Louie. Kita nalang tayo sa campus" dagdag niya

Tumango nalang ako bilang sagot. Nag lakad na siya paalis at sumunod naman si Franz para isara ang pinto.

Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin ni Franz at tsaka ko siya tinutor ng mabilisan dahil tinatamad daw siyang makinig. Haaaay nako!

--------------

Pag ka uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si nanay na nakahiga sa sofa at mahimbing ang tulog. Bigla siyang napamulat at nagulat ng makita ako

"Ikaw lang pala anak, akala ko naman may magnanakaw na pumasok sa bahay natin" sabi ni nanay

"Ikaw talaga nay! Napaka magugulatin mo po talaga. Tsaka kahit may pumasok pa na mag nanakaw dito ay wala naman po  silang mananakaw" kuda ko

"Sabagay" sambit ni nanay at nag tawanan kami

"Nay mukang pagod na pagod ka po ah. Pinahirapan ka nanaman po ba ng boss mo?" Tanong ko kay nanay. Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Sinula dati pa kasi ay sinasabi niya sakin na pagod daw siya dahil sa dami ng inuutos ng boss niya

"Hayaan mo na ako anak. Kaya ko naman tiiisin e. Tsaka wala din naman akong magagawa" malungkot na sabi ni nanay

"Nay naman, sabe ko naman po sayo ay humanap nalang po kayo ng bagong mapapasukan bilang kasambahay"

"Anak, tulad nga ng sinabi ko. Kaya ko naman tiisin"

"Hayaan mo nay pag nakapagtapos na ako papatigilin ko na po kayo sa pagtratrabaho" seryosong sabi ko

"Ikaw talaga nak. Isipin mo din yang sarili mo, hindi palagi ibang tao ang iniintindi mo. O siya mag luluto lang ako ng kakainin natin" wika ni nanay. Tumango nalang ako at tsaka pumunta si nanay sa kusina

Habang nagluluto si nanay ay pumunta ako sa kwarto para mag bihis. Tiningnan ko muna ang relo ko kung anong oras na

6:23 P.M (GABI)

Ang bagal naman ng oras. Akala ko ay 8 pm na. Napatingin ako sa bintana at nakita kong malakas ang ulan

Pagkatapos magluto ni nanay ay dumiretso na kami sa lamesa para kumain

"Magdasal muna tayo bago kumain" seryosong wika ni nanay kaya naman nag dasal muna kami at tsaka kumain

Tuyo nga pala yung ulam namin. Para sa mga hindi alam yung tuyo. Murang isda po yun pero masarap!

"Anak, matanong nga kita. Umiibig ka na ba?" Biglaang tanong ni nanay kaya naman nasamid ako

"Wala pa po nay. Kailangan ko po muna makapagtapos. Tsaka na po ako mag la-lovelife" korning sabi ko. Ang korni ko talaga hahaha pero aral muna talaga bago landi

"Okay lang naman sakin na mag ka boyfriend ka.  Basta kaya mong pagsabayin ang pag aaral at pag ibig" sa pangalawang beses ay nasamid nanaman ako sa sinabi ni nanay. Diba sabi ko sainyo alam ni nanay na sirena ako at tanggap niya naman yun

"Hay nako nay. Kumain nalang po tayo. Hehe" tanging saad ko

Natawa nalang si nanay sa sinabi ko

-----------------

Pagkatapos namin kumain ay naglipit ako (Sipag ko diba!) At dumiretso na ako sa kwarto ko para matulog. Tiningnan ko ulit ang relo ko

9:03 PM

9 na agad!? Para nnamang bumilis yung oras e kanina ang bagal bagal

*KRIIIIINGGGGGG*

biglang nag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sinong tumatawag pero unknown number ang nakalagay

Napagpasyahan kong sagutin nalang ang natawag para malaman ko din kung sino ito

"Hello" wiko ko

"H-hello Louie. Pwede b-bang pumunto ka dito sa c-condo ko?" Wika niya

Base sa boses niya ay parang nanghihina ang boses niya

"Ha!? Gabing gabi na ah. Tsaka bakit mo ako pinapapunta diyan? May nangyari ba sayo!?" Nag tatakang tanong ko na may halong pag aalala

"Please L-Louie. Kailangan lang talaga k-kita ngayon" nanghihinang sabi niya

"Sige. Anong address mo?" Kinakabahang tanong ko. Hinang hina kasi talaga yung boses niya. Tsaka napaka tamlay ng tono ng pagsasalita niya

"*Bigay ng Address*"

"Teka. Ano ba talagang nangyayari sayo diyan at parang hinang hina ka?" Nag aalalang tanong ko

"Hoy! Hello Rayver. Hello" dagdag ko pa dahil hindi siya nagsasalita

*toot* *toot* *toot*

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong naka end call na. Ugh!

pumunta ako sa drawer at nag palit ng maayos ayos na damit dahil nag desisyon ako na pupuntahan ko siya

Hindi na ako nag paalam kay nanay dahil tulog na siya at baka hindi niya pa ako payagan dahil gabi na nga. Kinuha ko nalang ang duplicate key at tsaka umalis.

Pumunta ako sa sakayan ng trycicle. Buti nalang malapit lang ang sakayan dito at tsaka ako nag aalalang sumakay. Ano ba kasing nangyari sakanya?

-------

MAGCOMMENT KAYO HUHUHUHU. PLEASEEEE PARA MAS MAPABILIS KO YUNG UPDATE

-------

SINO MAGPAPADEDICATE SA NEXT CHAPTER?

-------

ANG CUTE KO PERO DI TALAGA TINATABLAN SI CRUSH NG CHARMS KO

-------

POGI SI CRUSH TAPOS SOBRANG STARIGHT PA KAYA WALANG CHANCE NA MAGING KAMI.

-------

FRIEND KO SI CRUSH AT DI NIYA ALAM NA TAGILID AKO. LABYU CRUSH

-------

MAGCOMMENT ULIT KAYO HAHAHAHA.

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now