Dedicated to :
Sorry kung ngayon lang ako nakapag update. Busy kasi ako sa lovelife. Charot!
-------xoxo-------
LOUIE POV
Hindi ko mapigilang kabahan habang umaandar ang tricycle papunta sa address na ibinigay ni Rayver
"Andito na po tayo" bigla akong nagbalik sa wisyo ng mag salita ang driver
Binayaran ko siya at tsaka bumaba sa trycicle.
Nasa harap ko ngayon ang isang condo kaya pumasok na ako at nagtanong.
"Anong room number po ni Rayver Sandoval?" Agad na tanong ko
"Room 497"
Agad naman ako nag elevator papunta sa room 497 pero nakakalito pala. Nakailang balik ako sa elevator dahil maling floor lagi ang napupuntahan ko
Ilang minuto pa ang lumipas sa paghahanap at tsaka ko nakita ang room 497
Nakita kong may mga numbers sa harap ng pinto. Lock password ata. Bigla kong natandaan na may sinabing number si Rayver pagkatapos niyang sabihin ang address niya. Hindi lang ata naisulat ni awtor
*5631* pindot ko sa mga numbers. Buti nalang natandaan ko. Biglang bumukas ang pinto at pumasok agad ako. Sinara ko ang pinto tsaka ako lumakad sa condo ni Rayver
Nilibot ko ang buong loob pero hindi ko nakita si Rayver. Kaya naman mas lalo akong kinabahan
Dumeretso ako sa labas ng pinto ng isang kwarto.
Huminga ako ng malalim at tsaka dahan-dahang pinihit ang doorknob
Pagkabukas ko ay nakita ko si Rayver na nakahiga sa kama niya at nanginginig ata sa lamig. E pano siya hindi mangangatog e napaka lamig dito sa kwarto niya. Mas malamig pa sa sala ng condo niya
"Rayver!" Sigaw ko.
Nilapitan ko siya at tsaka hinawakan dahil nga nangangatog siya. Pagkahawak ko ay naramdaman kong mainit siya. Halos mapaso ako ng hawakan ko ang noo at leeg niya. Char! Pero mainit nga siya
"Rayver! Rayver gumising ka" wika ko. Tinapik tapik ko siya pero hindi parin siya nagigising
*PAK*
Binigyan ko siya ng sampal. Pero hindi naman ganon kalakas. Kinakabahan kasi ako. Baka nag cocomvulsion na. Hays ang O.A ko talaga
"R-Rayver? Buti n-nagising ka na" laking tuwa ko ng makita kong mag mulat siya ng mata
"L-Louie. D-Dumating ka" wika niya tsaka hirap na ngumiti.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Parang may mga paro-parong lumilipad sa tiyan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko nung sinabi niya yon, pero alam kong malapit ko ng malaman.
"Oo Rayver, andito ako. Ano ba kasing nangyari sayo at nilagnat ka?" Alalang tanong ko "Teka lang. Asan ba yung kumot mo?" Tanong ko. Nangangatog pa din kasi siya.
Nang makita ko ang kumot ay kinumutan ko siya.
Bigla siyang ngumiti ng ngiting hanggang tenga!
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Baliw ka na ba?" Tanong ko. Para kasing baliw 'tong mokong na 'to bigla bigla nalang siyang ngumingiti e may sakit pa nga siya eh.
Bawal na ba ngumiti pag may sakit?
Ummmm. Hindi naman. Basta!"Nothing. Ang cute mo pala pag nag aalala" saad niya habang ngiting ngiti parin
BINABASA MO ANG
My Pervert Hero (Boyxboy)
Teen FictionIhanda niyo na ang inyong mga kepai dahil sisiguraduhin kong kayo'y matatawa, maiiyak, maiinis at especially maiinlove sa kwentong ito. Pag di mo to binasa mamalasin ka ng 1 linggo. Charot! Walang ganern! Basta basahin mo to! Hahaha. Demanding c ack...